Chapter 4

1314 Words
Napangiwi si Adrianna nang maramdaman ang paghapdi ng kanyang sikmura dahil sa ilang oras na walang hintong paglalakad. Gabi na at hindi parin siya nakakakain. Hindi na kasi siya nakapagsakay ng tricy dahil naibigay niya na sa bata sa terminal ng bus ang kanyang natatanging pera. Kagat-kagat ang labing nagpatuloy siya sa paglalakad nang bigla siyang napahinto dahil sa pagkalam ng kanyang tiyan. Tuluyan niya nang nabitawan ang kanyang bagahe at napaupo sa gilid ng kalsada. "Patay..." Usal niya nang marinig ang pagkulog. Mukhang uulan pa ata. Mabilis niyang pinulot ang kanyang mga bagahe at tumayo. Titiisin niya nalang muna ang kalam ng sikmura. 'Di naman na kalayuan ang village na iyon. Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang hindi maabutan ng ulan ngunit tila hinahabol siya ng kamalasan nang biglang bumagsak ang napakalakas na ulan. Mas binilisan niya pa ang kanyang pagtakbo nang namataan niya ang entrance ng village na iyon. "Whoo!" Hinihingal na napaupo siya sa bench na malapit sa entrance. Agad siyang napangiwi nang makitang putikan na ang kanyang palda. "Naman!" Inis na napapadyak siya sa semento at kinati ang kanyang basang buhok. Nakakahiya talaga kung magpapakita siya ng ganito sa kanyang pagt-trabahuan. Baka mapagkamalan siyang taong grass sa kanyang itsura. "Miss?" Agad niyang nilingon ang boses na iyon. Napapikit pa siya dahil nakatutok sakanya ang ikaw ng flashlight. "Sino yan?" Tanong nito. Hinarang niya naman ang kanyang kamay sa kanyang mata upang hindi siya masilaw. "M-manong, maaari po bang wag nitong itutok sakin ang flashlight? Masakit po kasi sa mata e." Magulang niyang pakiusap rito. "Ay naku! Pasensya ka na ma'am Adrianna!" Kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi nito. Paano siya nakilala nito? Hindi naman siya nagpakilala ah? Nakahinga naman siya ng maluwag nang i-off nito ang flashlight. Agad naman siya nitong nilapitan. Tinignan niya ang security guard na sa tingin niya'y nasa edad singkwenta anyos na. "Ano ho yung tawag niyo sakin?" Tanong niya rito. "D-di mo ako kilala ma'am?" Kumunot ang kanyang noo. "P-pasensya na ho. Napagkamalan ko ho kayong kakilala ko." "Ahh.. Okay lang ho iyon." Tsaka niya ito nginitian. "Ma'am, basang-basa na ho kayo." Wika nito tsaka siya binigyan ng tuwalya, agad naman siyang umiling. "W-wag na ho." Ito naman ang umiling at kinuha ang kanyang kamay at binigay ang tuwalya sakanya. "Baka magkasakit ka ma'am. Tanggapin niyo na, malinis ho iyan ma'am." Nakangiti nitong wika sakanya. Sinuklian niya naman ito ng ngiti at tinanggap ang binigay nitong tuwalya sakanya. "Salamat ho manong." "Walang anuman, teka. Bakit may dala ho kayong bagahe?" Napatigil siya sa pamumunas ng buhok. Sinulyapan niya ang kanyang bagaheng nabasa rin sa ulan. Binalingan niya ang ginoo tsaka nginitian. "Magt-trabaho po kasi ako riyan sa Villiarde Village. Kay Mrs. Delia Villiarde po." Kumunot ang noo nito. "Magt-trabaho?" Agad siyang umiling. "Stay-in yaya ho. Pinalitan ko sa pwesto ang nanay Mercy ko dahil may katandaan na rin siya para magtrabaho." Tumango-tango ito tsaka ngumiti. "Ang bait mo talaga... Tulad parin ng dati." Kumunot ang noo niya.  "Ha?" "Sabi ko, kay bait mo namang anak hija. Tara? Tulungan na kita diyan sa mga bagahe mo." "Wag na ho--" "Ako na. Tara na? Samahan na kita sa bahay ng mga Villiarde." Wala na siyang nagawa dahil pinulot na nito ang kanyang mga bagahe. Ayaw niya namang maging bastos at inaamin niya, sumasakit na rin ang kanyang mga palad dahil sa hawakan ng mga bagahe niya. Namumula pa nga iyon. "S-salamat po." "Walang anuman, Tara na?" Aya nito sakanya. Tinanguan niya naman ito.  --- Napanganga si Adrianna nang makita ang 'bahay' ng mga Villiarde. Kung tutuusin nga ay hindi na iyon simpleng bahay lang, dahil sa laki non. "Tumila na ang ulan hija, maiwan na kita ah? Pindutin mo nalang iyang doorbell." Nginitian niya ito. "Salamat po ulit!" "Walang anuman Ms. Adrianna." Kumunot ang kanyang noo. "Paanong--" naputol ang kanyang pagsasalita nang bigla itong tumalikod at naglakad palayo. Ngumuso naman siya. Binalewala niya nalang iyon. Pinindot niya ang door bell tsaka inayos ang kanyang buhok. Bahala nang mag mukha siyang taong grass, kailangan niyang makapagtrabaho. Maliligo nalang siya mamaya. Ilang sandali pa'y bumukas ang pintuan ng mansion at iniluwa non ang isang magadang ginang. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Agad naman siyang nahiya. "P-pasensya na ho, naputikan ako kanina dahil sa ulan, ako nga pala--" "A-Adrianna?" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Napatingin siya rito, nanlalaki parin ang mga mata ng ginang habang tinitignan siya. "Paano niyo po ako nakilala?" Tanong niya rito. Kumunot ang noo nito. "H-hindi mo ako kilala?" Agad siyang umiling. "Bakit po?" "W-wala, I just mistaken you for someone I know." Sabi nito tsaka umiwas ng tingin. "S-sino ka pala?" Agad naman siyang ngumiti.  "Ako po si Adrianna Calestre, anak po ako ni nanay Mercy. Nagprisinta po akong ako nalang ang magtrabaho para sainyo. May katandaan na kasi si Nanay e." Tumango-tango ito. "I'm Delia Villiarde. N-nice to know you." "Nice to know you din po ma'am." "P-pasok ka muna hija. Take a bath first then we'll talk after. Baka kasi magkasakit ka." Sabi nito. Tumango aya tsaka pinulot ang kanyang mga bagahe.  "Naku ilagay mo lang iyan diyan. Papakuha ko lang iyan kay manang." "Pero---" "Sige na, maligo ka na muna. Teka, kukuhanan kita ng isusuot mo. Sa itsura kasi ng mga bagahe mo ay siguradong basa na rin ang mga damit mo." Ani nito tsaka siya hinawakan sa balikat at pinapasok ng mansion. "Nariyan na ang banyo, kukunin ko nalang muna ang damit mo." "S-sige ho..." Malungkot itong ngumiti sakanya tsaka hinaplos ang kanyang buhok. Nginitian niya ito tsaka pumasok sa banyo at isa-isang tinanggal ang kanyang saplot sa katawan. She can't understand why Mrs. Villiarde is acting like that. Parang kilalang-kilala siya nito. Pati iyong security guard kanina, alam din ang pangalan niya kahit hindi naman siya nagpakilala rito.  --- "You're fired." He boringly said. Kita naman ang panlalaki ng mga mata ng mga kasama niya sa loob ng opisina.  "You what?! You can't fire me Mr. Villiarde! Madami na akong tinulong dito sa kumpanya mo--" "Really?" Napatigil ito. He smirked at him. "You helped?" "O-oo!" Nauutal nitong sabi. Agad niya namang kinuha ang envelope sakanyang harapan at tinapon iyon sa direksyon ni Mr. Salcedo.  "Open it." Wika niya habang nakangiti. Kita niya ang paglunok nito tsaka binuksan ang envelope. Unti-unting nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki. Ilang sandali pa'y tinapon nito ang envelope sa gitna ng mesa. "Those are fraud! Hindi yan too! Hindi ako nagnanakaw sa kumpanya mo!" Tumaas ang sulok ng labi niya. Binalingan niya ang kanyang sekretarya. Tumango naman ito tsaka nagtipa ng kung ano sa laptop nito. Agad na lumabas sa screen ang video ng matanda na nakangisi habang nagbibilang ng pera kasama na ang kanyang mga supervisor. Akala siguro nito ay hindi niya alam ang mga ginagawa nito. He was just observing them. "T-that's--" "Fraud?" Ngumisi siya tsaka tumayo ng swivel chair.  "The five of you, get out of my company. You're fired. Mabait pa ako kaya hindi ko kayo kakasuhan sa pagnanakaw niyo pero pag magmamatigas kayo, I'll sue you." Nanlaki ang mga mata ng mga ginoo. "If you'll excuse me." Tsaka siya lumabas ng kwartong iyon. Saktong paglabas niya ay biglang nagring ang kanyang cellphone. He rolled his eyes. Sigurado siyang ina niya ang tumatawag. He snatched his phone from his pocket and true to his words, tumatawag ang ina niya. He sighed deeply and answered the phone. "Hello?" Bored niyang sagot. "Vexor, where are you?" "Mom, I can't--" "Adrianna..." Kumunot ang noo niya.  "What's with that woman? Wala na akong pakialam sakanya-" "She's here..." Napatigil siya sa paglalakad.  "What?" "Adrianna is here... P-please go home." Kumuyom ang kanyang kamao. "I'll be there mom." Sabi niya tsaka ibinaba ang tawag.  She'll regret showing herself to him again. He'll make sure of that. --- A/N: I kind of edited this part to make Vexor less douchy :) Enjoy! NOCTURNALBEAST
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD