Chapter 2

1236 Words
"Tay, Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Nagaalalang tanong ni Adrianna sa kanyang ama. Dalawang araw na kasi itong inaapoy ng lagnat. Naaawa na rin siya dito dahil kahit may sakit na ay nagt-trabaho parin sa palayan. "A-anak... K-kailangan ko ng pumaroon sa palayan... K-kailangam kong magtrabaho..." Umuubo nitong wika sa kanya. Agad naman siyang umiling at hinawakanang braso nito. "Tay, inaapoy ho kayo ng lagnat. Baka mapano ho kayo kung magpupumilit parin kayong magtrabaho." Muli itong umubo kaya't mas lalo siyang nagalala. "Adrianna anak." Liningon niya ang kanyang nanay Mercy na nakatayo sa pintuan ng kanilang kwarto. Naka suot ito ng maluwang na T-shirt at maputik na pantalon, paiwsan at humihingal pa ito. Magulo rin ang buhok nito. Sigurado siyang galing ito ng taniman dahil sa itsura nito ngayon.  "Nay?" Sinulyapan muna nito ang kanyang tatay Alejandro. Bumuntong-hininga ang kanyang nanay Mercy tsaka siya tinignan. "Maari ba tayong magusap anak? Kahit sandali lang." Mabilis naman siyang tumango tsaka niya binalingan ang kanyang tatay Alejandro na napapikit. "Babalik ho ako tay, matulog ho muna kayo." Paalam niya rito tsaka hinaplos-haplos ang puti nitong buhok. Kahit nakapikit ang mga mata'y tinanguan siya nito. Napangiti siya ng mapakla. Hindi talaga siya sanay na makitang nanghihina ang kanyang ama. Seeing her father like that breaks her heart. Mabilis niya itong hinalikan sa noo tsaka tumayo. Pinagpag niya muna ang likod ng kanyang palda tsaka lumabas ng kwarto. Sinundan niya ang kanyang nanay Mercy na lumabas ng bahay at naupo sa kahoy na upuan sa kanilang bakod. "Arayyy.." Rinig niyang daing ng kanyang nanay Mercy. Sumandig ito tsaka hinilot-hilot ang braso nito. "Nay? Ano hong problema? Bakit po nagpupumilit si tatay na magtrabaho?" Tanong niya rito. Saglit namang napatigil ang kanyang ina sa ginagawa tsaka siya binalingan. Ngumiti ito ng mapakla. "Pinadalhan na kasi kami ng sulat na ipapagiba ang mga bahay rito sa San Isidro. Gagamitin daw itong lugar na ito upang magtayo ng bagong Mall anak." Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanyang nanay. "Dalawang linggo lang ang ibinigay na palugit saatin ng may ari upang maghanap ng bagong titirhang lugar. Kaya nagpapakahirap ang tatay sa pagt-trabaho. Sinubukan namong pakiusapan ang may-ari na kung maaari'y wag na nilang isali ang taniman ngunit 'di sila pumayag. Kahit pa raw mag rally kami ay walang mangyayari, takot naman kaming makasuhan." Tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha. "N-nakahanap na kami ng tatay mo ng bagong titirhang lugar pero kailangan muna naming magtrabaho ngayon para may pang down p*****t tayo sa bahay na iyon." Kaya pala madalas niyang nakikitang nagtutupi ng mga damit ang kanyang nanay Mercy at nilalagay iyon sa bayong. Kaya pala todo kayod ang kanyang tatay Alejandro na magtrabaho sa palayan. Iyon pala ay papalayasin na sila sa kanilang tinitirhan. Pinunasan niya ang kanyang mga luha na umalpas sa kanyang mga mata. Lumuluhang tinignan siya ng kanyang nanay Mercy at nginitian. "N-Naisipan kong magtrabaho bilang stay-in na yaya sa dati kong amo sa Maynila anak." Sumisinghot na wika sakanya ng kanyang ina. "P-pero malayo ho ang Maynila nay..." "Makinig ka anak, m-mahirapan tayo sa lilipatan natin. Renta, pagkain, tubig, kuryente. Pati na rin pagaaral ng kapatid mo na si Keija. Di iyon masusuportahan ng inyong tatay lalo na't may sakit siya ngayon. Sa Maynila, malaki ang sahod na makukuha ko roon anak. Papadalhan ko kayo tuwing sahod." Agad siyang umiling. May katandaan na rin ang kanyang nanay Mercy. Hindi siya papayag na ito pa ang magt-trabaho sa Maynila. "Nay... M-maaari bang ako nalang ang magtrabaho roon?" Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina. "Hindi ako papayag anak--" "Dapat po kayong pumayag nay, matanda na ho kayo. Hindi na ho kayo dapat na malayo sa iyong pamilya. At oras na din para suklian ko ang lahat ng mga ginawa niyo para saakin." Nakita niyang tumulo ang luha ng kanyang nanay Mercy. "Pero anak--" "Nay. Payagan niyo na ho ako. Marunong ho akong magtrabaho. Kaya ko na ho ang sarili ko." Napapikit ang ginang tsaka marahan na tumango. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "S-salamat po sa pagaaruga nay... Aayusin ko ang pagt-trabaho roon. Tumango-tango ang kanyang nanay. Bahagya siyang lumayo rito upang tignan ang mukha nito. Pinunasan niya ang mga luha nito tsaka nginitian. "Salamat anak..." "Salamat rin nay. Salamat sa pagligtas niyo sakin ni tatay. Salamat sa pagtanggap sakin sa iyong pamilya. Mahal na mahal ko kayo." Ngumiti ito sakanya ngunit tulad niya'y umiiyak parin. "Mahal na mahal ka rin namin anak." Muli niya itong niyakap ng mahigpit. Malaki talaga ang utang na loob niya dito. They saved her, accepted her in their family and loved her.  --- "Ate Anna! Huwag mo kaming iwan! Wala na akong magiging ate pag aalis ka!" Napaiyak siya sa sinabi ng kanyang kapatid na si Keija. Humahagulgol ito at ayaw siyang bitawan sa pagkakayakap. "Jaja, aalis na si ate. Bumitaw ka na sakanya, mahuhuli siya sa bus." Utos ng kanyang nanay Mercy. Umiling-iling ang kanyang kapatid at mas lalong nagsumiksik sa kanyang leeg. Tumingala siya upang pigilan ang kanyang mga luha. Sumighot siya tsaka bahagyang tinulak ang kanyang kapatid palayo. Lumuhod siya tsaka hinaplos-haplos ang itim nitong buhok na abot leeg lamang. Nanginginig ang mga labing nginitian niya ito at pinatahan ng iyak. "Jaja, makinig ka kay ate... H-hindi kita iiwan, b-babalik rin ako. K-kailangan ko lang magtrabaho sa Maynila. P-papadalhan kita ng maraming laruan, damit at pera na gagamitin mo sa pagaaral mo." Umiling ang kanyang kapatid tsaka siya niyakap. "Di ko iyon kailangan ate! Ayaw kong malayo ka sakin! Ayaw!" Humagulgol ito sakanyang leeg. Nakita niya naman ang kanyang nanay Mercy at tatay Alejandro na umiiyak na rin. "Sshhh, t-tahan na. May ibibigay si ate sayo ha.." Bahagya niya itong itinulak tsaka mabilis binaklas ang kanyang kwintas mula sakanyang leeg at kinabit iyon sa leeg ng kanyang kapatid. "P-pag namiss mo si ate. Tignan mo lang iyan ah?" Umiiyak na tumango ito. Hinaplos-haplos niyang muli ang buhok nito na medyo magulo na sa kakasiksik sa kanyang leeg kanina. "Sshhh.." Pangaalo niya rito. "T-tahan na, big girl ka na diba? Di ka na dapat umiiyak. Susubukan kong magpadala ng sulat kada linggo. Pag nakaipon na ako, papadalhan ko rin kayo ng cellphone para may communication tayo." Umiiyak itong tumango tsaka siya muling niyakap ng maghigpit. Di niya na napigilan ang mapaluha. Hinalikan niya ang noo ng kanyang kapatid tsaka nilapitan ang kanyang mga magulang na namumula na ang mga mata sa kakaiyak. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "M-magiingat ho kayo nay, tay. W-wag po kayong masyadong mag pagod. Palagi niyo hong inumin ang mga gamot niyo." Maalala niya rito. Tumango nama ito tsaka humagulgol ng iyak at niyakap siya ng mahigpit. "Aalis na! Aalis na! Miss, sakay na. Aalis na ang bus!" Tinanguan niya ang konduktor tsaka muling niyakap ang kanyang pamilya. "M-mamimiss ko ho kayo. Nanay Mercy, tatay Alejandro, Jaja. Mahal na mahal ko kayo." "Mahal ka rin namin anak, mag-ingat ka roon ha? Mahal na mahal ka namin." "Mahal na mahal kita ate!" Tinanguan at nginitian niya ang mga ito bago siya sumakay ng bus. Parang sasabog ang kanyang puso dahil sa sobrang sakit. Masakit dahil nasanay na siyang lagi itong kasama. She wiped some tears on the corner of her eyes. Ganito pala ang pakiramdam na nalalayo sa pamilya. Ganito pala ang nararamdaman ng mga OFW pag umaalis sila ng bansa. Pero kahit masakit, kakayanin niya. Para sa pamilya niya ito.  ---- NOCTURNALBEAST
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD