Chapter 1

1394 Words
Nakangiting napapikit si Adrianna nang sumalubong sakanya ang simoy ng hangin. Nakaupo lang siya sa duyan sa labas ng kanilang tinitirhang bahay sa probinsya kasama ang kanyang kinikilalang pamilya na si nanay Mercy, tatay Alejandro at ang kanyang kapatid na si Keija. Hindi niya naman kasi ito kaano-ano. Nakita lamang siya ng mag-asawa na nakahiga sa kalsada, di kalayuan sa isang kotse na kakasabog lang at naliligo sa sariling dugo. Akala pa nga nila ay patay na siya dahil halos hindi na siya humihinga noong tinatakbo na siya sa hospital. They managed to save her life but she can't remember anything noong nagising siya sa pagkakatulog ng mahigit isang buwan. They thought that she was a deaf person dahil hindi siya nagsasalita noon. Tulala lang siya at tikom ang bibig. Sabi ng mga doktor ay nagkaroon siya ng trauma sa aksidente. Until one day. She just woke up screaming in pain. Napakasakit ng ulo niya. Images keep flashing on her mind pero ni isa don ay wala siyang maalala. They rushed her again to the hospital at doon na nalamang may amnesia siya. Sabi ng mga doktor ay makakaalala rin siya soon but it has been three years already since that day ngunit wala parin siyang maalala na kahit ano. Kahit nga ang kanyang buong pangalan ay hindi niya alam. They just call her 'Adrianna' dahil sa kanyang kwintas. Hindi niya siya nakakasiguro kung pangalan niya nga ba talaga iyon. "Anna, anak? Aba'y nasaan na ang batang iyon?" Napalingon siya nang marinig ang boses ni tatay Alejandro. Isa lang itong magsasaka sa palayan. Kahit pa hindi niya ito tunay na ama ay minahal naman siya nito na parang tunay na anak. Agad siyang tumayo sa duyan at tinapik-tapik ang likod ng kanyang paldang abot-tuhod ang haba. Nakasuot lang siya ng maluwang na T-shirt at nakalugay lang ang kanyang mahaba at maalon na buhok. "Tatay. Narito ho ako!" Tawag niya rito. Liningon naman siya ng matanda at nginitian. Nginitian niya ito pabalik. "Sus kong bata ka! Aba'y tumatambay na riyan sa labas, di ka pa nanananghalian! Nako! Dumito ka na sa loob at samahan mo kaming mananghalian, nagdala ako ng sinabaw na isda pang ulam natin!" Nginitian niya ito at tumango. Papasok na sana siya ng kubo nang may marinig na tumawag sakanyang pangalan. "Adrianna giliw ko!" Kumunot ang noo niya. Nilingon niya ang lalaking tumawag sa kanya at pinaningkitan ng mata. Narito na naman ang kanyang manliligaw na si Sandro. Hawak-hawak nito ang isang tali ng sampaguita at ibinigay sakanya. "Para sa pinakamagandang dilag ng San Isidro." Nakangiti nitong wika sakanya. Naiilang na nginitian niya si Sandro at tinanggap ang sampaguita. "S-Sandro, bakit ka naparito? Nga pala salamat sa sampaguita. May isasabit na naman ako sa dingding ng aking kwarto." Lagi nalang kasi siya nitong binibigyan ng sampaguita. Ayaw niya namang maging bastos kaya tinatanggap niya nalang. Magdadalawang taon na itong nanliligaw sakanya at hindi niya na mabilang kung ilang beses niya na itong pinagsabihan na tumigil na. Sandro is a good-looking guy. Mabait, gwapo at masipag pero wala talaga siyang nararamdaman para dito. She just think of him as a friend. No more, no less. "Walang anuman iyon basta para saaking binibining iniibig." "Naku Sandro! Naparito ka na naman? Diba't sinabi na ng anak ko na 'prends' lang kayo?!" Napalingon naman sila sa kanyang tatay Alejandro na nakadungaw sa balconahe ng bahay. Nakasimangot ito at masamang tinititigan ang binata. "Tay--" "Wag mo akong matatay-tatay kung ayaw mong makatay ng buhay! Hala't mauwi ka na sainyo dahil magaalmusal pa itong dalaga ko!" Tuluyan na siyang napabungisngis sa inuugali ng tatay. Hindi niya talaga matukoy kung bakit mainit ang ulo ng ama niya kay Sandro sapagkat mabait naman ang binata. "Manong naman eh! Bakit po ba ayaw na ayaw niyo sakin? Gwapo naman ako. Matalino, mabait, masipag! May ipagyayabang ho ako!!" "Yun nga! Mayabang ka masyado! Napakahangin mo! Polusyon ka sa lugar na ito! Lumayas ka kung ayaw mong itakin kita!" Nakita niyang pumasok muli ng bahay ang kanyang tatay. Binalingan niya naman si Sandro na nakanguso. Nginitian niya ito. "Sandro, umuwi ka nalang muna. Mainit kasi ang ulo ni tatay." Nakangiti niyang sabi dito. Mas humaba ang nguso ni Sandro tsaka siya hinarap. "Sinta ko... Sagutin mo na kasi ako." Awkward niya itong nginitian.  "Sandro... Napagusapan na natin to." Akmang magsasalita pa ito nang may marinig siyang kumalabog sa bahay. "Alejandro!" Boses ng kanyang nanay Mercy. "Ate! Pauwiin mo na yang si Kuya Sandro! Iitakin na siya ni tatay!" Napasinghap siya nang makitang pinipigilan na pala ng kanyang kapatid at nanay ang kanyang tatay. Totoo ngang may hawak na talaga itong itak sa kamay nito. Agad niyang hinarap si Sandro at tinulak ito. "Sandro tumakbo ka na! Iitakin ka ni tatay!" Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na kumaripas ng takbo. Napasapo siya sa kanyang dibdib at nilingon ang kanyang tatay Alejandro na nakangisi. Nilapitan niya ito at pabirong tinampal sa braso. "Tatay naman, tinatakot niyo si Sandro e." Natatawa niyang wika. "Sus! Matigas ang bingi non, kahit pa siguro habulin ko iyon ng itak ng paulit-ulit ay hindi iyon matatakot! Babalik at babalik parin iyon! Tsaka anak, masyadong mahangin ang lalaking iyon. Napakaraming babae ang inuuwi non sa kanilang bahay! May nabuntis pa nga iyon pero 'di niya inako ang responsibilidad!" Iyon lang ang problema kay Sandro. Hindi lang siya ang babaeng nililigawan nito. Parang nac-challenge lang ito sakanya dahil hindi niya ito sinasagot kaya't kinukulit siya nito. "Tay, Kumalma ka. Ang puso mo, masama sayo ang magalit." Sumimangot ito. Kinuha niya naman ang hawak-hawak nitong itak at inilapag iyon sa sahig ng kanilang bahay. Sinulyapan niya ang kanyang nanay at kapatid na hinihingal. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapahalakhak. "Naku iyang tatay mo talaga! Napaka-ober protektib sainyo ng kapatid mo!" "Aba'y dapat lang! Babae ang mga iyan! Dapat silang mag-ingat sa mga lalaki! 'Di na tulad ng dati ang mga binata na matitino!" Napailing-iling siya habang nakangiti. Tinapik-tapik niya ang likod nito. "Tara na ho, mag-almusal na ho tayo medyo nagugutom na kasi ako e." Aya niya rito. "Anak, wag ka sanang magalit sa tatay ah? Prinoprotektahan lang kita. Ayaw ko lang kayong masaktan." Sabi nito sakanilang dalawa ni Keija. Nginitian niya naman ito at niyakap. "Opo tatay. Nay, Keija. Tara na?" Tumango ang mga ito habang nakangiti. Ngumiti naman siya pabalik. Kahit pa wala siyang naaalala ngayon, masaya naman siya. Kahit hindi niya kadugo ang mga ito ay mahal niya ito. She loves them like they are really related to each other. Wala na siyang pakialam kahit pa hindi na bumalik ang ala-ala niya sa kanya. Sapat na sakanya na makasama ang mga ito. She's already contended being with them.  ---- Hindi na alam ni Vexor kung nakailang baso na siya ng kanyang iniinom na wine pero alam niyang hindi pa siya lasing. Parang ginagawa niya lang tubig ang alak na kanyang iniinom. He's not really a drinker. Naging palainom lang siya dahil sa sobrang pagiging broken-hearted three years ago. Naikuyom niya ang kanyang palad nang maalala ang babaeng iyon. Adrianna Lazaro. His ex-fiancee. He really loved her. He gave her his everything. Never siyang nagkulang dito. Time? Love? Effort? Ginawa niya ang lahat ng iyon pero anong ginawa sakanya ng babaeng iyon? Iniwan lang siya nito! She left him hanging! Plano na sana nilang magpakasal dati pero laking gulat niya nang nawala na ito na parang bula. Hinanap niya ito sa mga magulang nito ngunit wala rin itong alam kung saan ang kanyang nobya. Halos mawala siya sa sarili nong mga panahong iyon. Ni hindi lang man ito nagpaalam sakanya. "f**k it." His jaw clenched in anger. Inis at pabagsak niyang inilapag ang kanyang baso sa counter. Galit na galit siya kay Adrianna, kaya't nangako siya sa sarili na kung makikita niya itong muli ay papahirapan niya ito.  He'll make her suffer. Ipaparamdam niya ang sakit na pinaramdam nito sakanya nong iwan siya nito. He'll never forgive her for leaving him like that. Never. ---- A/N: Hello there! It's already been three years since I removed this series here for revision (a failed revision, unfortunately). Please do note that this story was made way back 2015 and this I made this story without any knowledge on how to write a story. So please, if you'll see any errors, I apologize for that. That's all, thank you beasts! :) NOCTURNALBEAST
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD