Chapter 9

1244 Words

Napahawak si Adrianna sa kanyang pisngi na hinalikan ni Vexor. Agad siyang napatingin dito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang natameme, ang bilis bilis din ng t***k ng kanyang puso. "Babe, you should eat. Kailangan mo pang inumin ang gamot mo for fever." Sabi nito sa malambing na tono. Agad siyang napatayo sa kanyang kinauupuan. "Hey. Where are you going?" Hindi niya ito pinansin at agad na nagtungo sa kanyang kwarto. Agad niyang binuksan ang kanyang bagahe at kinuha ang langis panlaban sa mga aswang na pinadala pa ng nanay Mercy niya galing sa probinsya. Mabilis siyang pumunta sa kusina at binuksan ang takip ng bote ng langis. "K-kung sino ka man, u-umalis ka sa katawan ni Sir! L-lumayas ka!" Sigaw niya rito. Agad naman itong napahalakhak. Lumalabas na ang masamang ispiritu! "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD