Halos hindi siya makatulog nong gabing iyon. Nabigla kasi siya sa inakto ni Vexor. Bigla lang kasi nitong sinuklay at tinali ang kanyang buhok. Ang pinagtataka niya, bakit marunong iyong magtali ng buhok? Di kaya bakla si sir? Tanong niya sa kanyang sarili. Pinilig niya agad ang kanyang ulo. Impossible naman iyon. Sa timbre ng boses at sa paggalaw nito ay imposibleng bakla iyon. Baka naman ginagawa niya iyon sa girlfriend niya? She felt a pang on her chest. Hindi niya alam kung bakit pero bigla nalang siyang nakaramdam ng sakit nang maisip iyon. Agad siyang umiling-iling tsaka tinungo ang kwarto ng amo. Pinagluto niya kasi iyon ng agahan. Nang akmang kakatok na siya sa pintuan ay saktong naman iyong bumukas. Halos mapigti ang kanyang hininga nang makasalubong ang asul nitong mga mat