Chapter 1

2451 Words
“Chameleon in position,” ani Aljand habang nakatingin sa scope ng kaniyang sniper. Tinutok niya ang kaniyang Barrett M82 kay Scorpion upang panoorin ang galaw nito. “Scorpion also in position.” Kumindat pa siya sa ere na para bang nakikita niya kung nasaan si Aljand. Iwinawasiwas pa nito ang kaniyang stiletto dagger sa ere na parang isang laruan lang.  He gritted his teeth. “Quit messing around, Ismael. Focus on your target!”  Tumawa lang ito. “Chill, boss. I got this. You know that I’m the best assassin you’ve got!” Ngumisi siya at nagkibit-balikat. “Yeah, right. ‘Cause you’re the only assassin I’ve got, fucker.” “Al,” tawag naman ni Jess mula sa earpiece, “Ismael is right. You need to chill. Bakit ba kasi ang sensitive mo ngayon?” He clicked his tongue. “Hindi ko alam. I just feel uneasy. Hindi ko maiwasang hindi balikan ang naging preparasyon natin. It feels like I missed something, but I don't know what it is.” “You’re just paranoid, dude,” sambit naman ni Carl. “Matagal natin ‘tong pinaghandaan. Natural lang na maramdaman mo ‘yan.” Napabuntonghininga na lang siya. “Sana nga gano’n lang ‘yon, Carl. Anyway, target spotted. And please, focus!” Sabay-sabay na natawa ang tatlo dahil sa bulalas ni Aljand. Ismael didn’t take his eyes off the target like the rest of them. Nasa kaniyang mga kamay ang tagumpay ng magiging operasyon nila sa pagpatay sa mafia boss. Sina Aljand, Carl at Jess naman ang bahala sa ibang mga tauhan na maaaring makahadlang sa kanila. Mabilis na napabagsak ni Carl ang tatlong tauhan na nagbabantay sa back door ng mansyon ng mafia boss. He’s a skilled martial arts expert. Agad namang sumunod sa kaniya si Jess at ginamit ang kaniyang Rootkits para buksan ang isang password-protected na pinto. Pigil-hininga nilang hinintay ang pagtunog ng lock. Green light appeared together with a silent beep. Nakahinga nang malalim si Jess bago binuksan ang pinto. “After you,” ani niya. Maingat na pumasok ang dalawa. Pinanood ni Aljand ang galaw nilang dalawa gamit ang dalawang laptop sa tabi niya. Jess hacked the whole system before they got there. Kaya naman sa isa pang laptop ay naroon lahat ng cameras na naka-install sa mansyon. Naroon din ang body camera ni Ismael na hindi pa rin umaalis sa posisyon niya magmula kanina. “There’s two on your right,” ani Aljand. “Roger that, Chameleon.” Hinigit niya ang kaniyang kutsilyo mula sa binti at ginamit iyong salamin upang makita ang dalawa na naglalakad-lakad sa hallway. Pareho silang may mga baril sa tagiliran. May mga earpiece din sila kaya mabilis na nag-isip si Carl. Binalik niya ang kutsilyo sa kaniyang binti at pumikit. Huminga siya nang malalim bago sumugod. Hinawakan niya agad ang kamay nito upang hindi na magawang mahugot pa ang baril. Ginamit naman niya ang momentum ng kaniyang pagtakbo para sipain ang isa pa niyang kasama sa leeg. Pinulupot niya ang braso ng lalaking hawak niya at saka pinalo ang likod ng batok, dahilan para agad itong mawalan ng malay. Binalikan niya ang isa pa at sinipa sa tainga nang akmang manghihingi ng back up. “Not so fast,” ani niya bago sinikmuraan ang lalaki. Nang mapaluhod ito ay saka naman niya tinuhod ang mukha nito. Bumagsak ang walang malay nitong katawan sa sahig. Inayos niya ang kaniyang suot na itim na jacket na medyo nagusot. “We’re moving on the next room,” pag-aanunsyo niya sa kaniyang earpiece. “Right,” ani Aljand. “No need to speak. I can see you.” Nagkibit-balikat na lang ito bago lumapit sa isang pinto. Tahimik lang na nakasunod si Jess sa kaniyang likod. He’s just waiting for his turn. He’ll leave all the physical fighting to Carl. Ayaw niya nang nadudumihan ang kamay niya. “Can you please hurry?” sambit ni Ismael. “Kanina pa ako nilalamok dito. Kating-kati na rin akong makipagbakbakan.” “I’m already doing my best here, Scorpion,” sagot ni Carl. “Kung gusto mo pala ng bakbakan, dapat ikaw na rito, ‘di ba?” Napanguso ito. “No, thanks. Ako ang papatay sa mafia boss. Just make it fast!” “Can you guys f*****g shut up?!” bulalas ni Aljand na ikinatahimik nilang dalawa. “I’m trying to focus here. Kung ayaw niyong mag-focus, let me. At hindi ko magagawa ‘yon kung dada kayo nang dada riyan.” They zipped their mouths. Matapos naman n’on ay tumino na sila at hindi na rin sinubukan pang mag-usap. The next rooms were full of guards. Mas naging mahirap ang pag-infiltrate ni Carl dahil sa dami nila. Not to mention, all of them are armed. Maling kilos lang niya ay maaalarma ang lahat ng naroon at malalamang narito sila. “I need your help,” ani Carl kay Jess na kanina pa nakasunod sa kaniya. “What?” umiingit na tanong niya. “Nangako kang ikaw na sa bakbakan. Bakit kailangan ko ring makipaglaban?” “There are just too many of them, Jess! Kung hindi mo ‘ko tutulungan, bukas pa tayo matatapos.” Napanguso naman si Jess bago tinago ang mga gamit sa loob ng dala niyang bag. “You owe me a million.” “What?!” mahinang bulalas nito. “Are you trying to rob me?” “I won’t help you, then.” Pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib at ngumisi. He groaned. “Fine! A million. Installment.” “Eh?” Napasimangot siya. “Are you going to do your f*****g job, or do you want me to bury two bullets on your skulls right now?” And just like that, mabilis na sumugod ang dalawa upang pabagsakin ang dalawang guards na papalapit sa gawi nila. Mahinang natawa si Ismael sa dalawa. Kahit hindi niya ito nakikita ay nai-imagine naman niya ang mga itsura nito. Ngunit mayamaya pa ay may kakaibang napansin si Aljand sa mga camera. Nagsimulang mamatay ang feed na nasa kwarto ng mafia boss at ang daan papunta roon. Sinubukan niyang ayusin ‘yon pero hindi siya kasinggaling ni Jess pagdating sa mga ganito. “Hold your positions,” mabilis na utos niya. “The cameras are down.” “Huh?” tanong ni Jess. “Hindi pwedeng mangyari ‘yon. I made sure they wouldn't notice I hacked into them. Let me check.” Nilabas niya ang isang maliit na device sa kaniyang bag at tiningnan ang mga camera. “I still have access to them. Pinatay nila ang camer—” Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil isang malakas na alingawngaw mula sa putok ng baril ang narinig nila. Nagtago sila ni Carl sa isang pader at tiningnan kung saan nanggaling ‘yon. Ngunit napatigil sila nang mapansing ang mga natirang gwardiya sa loob ay nakatingin na sa kanila at nakatutok ang mga baril sa gawi nila. “s**t,” mahinang bulalas ni Jess nang maramdaman ang isang mainit na likido na tumulo sa kaniyang dibdib. “I—I’m hit.” “f**k!” bulalas ni Aljand. “Get out of there. Right now!” Hindi niya makita kung ano ang nangyayari sa loob. Kahit na gamitin niya ang kaniyang sniper ay wala ring silbi. Makakapal ang mga pader sa mansyon kahit na halos sa salamin gawa ang mga ‘yon. “We can’t!” sagot ni Carl. “Napalilibutan na kami. We’re going to kill the boss, Aljand. We’re not going out of here with nothing. Ang tagal nating plinano nito!” ”Forget about the mission! We can’t kill the boss like this. All the cameras are down. I can’t guide you anymore.” Napangisi si Carl. “Then we’ll force our way in. Keep in touch, boss. Susubukan naming lumabas para makasama ka sa bakbakan.” “s**t. s**t. s**t. Carl!” “That’s why I told you to make a Plan B,” ani Ismael. “I’ll back you up, Carl. Lumayo kayo sa escape route ng boss. I’ll handle him here.” “Roger that.” Wala nang nagawa si Aljand kung hindi ang bigyan ng back up si Ismael. Kahit na nag-aalala ay hinayaan niya si Carl sa loob. He’s skilled, and he’s strong. Jess isn’t really the combative type, but he can handle himself. “Sorry to worry you all,” ani Jess. “I just finished giving myself first aid. Thank you, myself. You’re so awesome!” Nakahinga nang maluwag si Aljand kahit papaano, pero hindi pa rin maalis sa kaniya ang pag-aalala. He sounded bad a while ago. “Attention,” ani Ismael, “target on sight.” Mabilis itong lumusob sa mga bantay ng mafia boss. Naging mabilis ang kilos niya kaya wala nang pagkakataon ang mga bantay nito na makalaban pa. Ni hindi na nagawa ni Aljand na kalabitin pa ang sniper niya dahil sa bilis ng pangyayari. Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang isang putok ng baril na tumama sa didbib ni Ismael. Pinilit pa niya ang sarili na lumapit sa mafia boss upang tapusin ang misyon ngunit hindi na niya nagawa. Bumagsak na ang katawan nito sa lupa habang nakadilat ang mga mata. Kumalat ang dugo niya sa konkretong sahig. Gamit ang scope, kitang-kita ni Aljand kung saan tumama ang bala ng baril. Ngunit imbis na panghinaan ng loob ay sinubukan pa niyang tawagin ang pangalan nito sa earpiece. “Hey, man,” mahinang tawag nito. “It’s not the time to joke around, Scorpion. The mafia boss is just in front of you.” Ngunit hindi na ito gumagalaw. Hindi na rin kumukurap ang mga mata nito at wala na sa focus. Nanginginig niyang tinapat ang sniper sa mafia boss ngunit laking gulat niyang nang isang armored van ang humarang sa line of sight niya. “f**k!” bulalas niya. Sinubukan pa niyang paputukan ang van pero wala rin ‘yong naging silbi. Patuloy lang siya sa pagmumura at hindi na napansin pa ang tanong nina Carl at Jess. “What the hell is happening? Aljand!” bulalas ni Carl. “f**k! Argh.” Doon lang natauhan si Aljand. “What happened?” “I’m hit. Tinamaan ako sa tuhod. I can’t walk.” Muling napamura si Aljand at napahawak sa ulo. Ismael’s face is still fresh inside his head. He didn’t know what was happening anymore. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na gagawin. Everything’s so messed up! “S-Scorpion’s down,” bulong niya, tama lang para marinig nilang dalawa. “The mafia boss got away.” Natahimik naman sila dahil alam nila kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ‘yon. Ang huling pag-asa nila kanina ay tuluyan nang nawala. Ang malamang wala na ang isa sa mga kaibigan nila ay mas lalong nagpahina sa kanilang loob. Huminga nang malalim si Aljand. “I’m going inside. I’m getting you two out of there.” Mabilis niyang niligpit ang mga laptop at nilagay sa malaking bag niya. Bitbit ang kaniyang sniper, bumaba siya sa building na kaniyang kinaroroonan at hinagis ang mga iyon sa isang talahiban. Kinuha niya ang mga baril na magagamit niya sa close-range combat. Kinabit niya rin ang belt na naglalaman ng mga magazine ng baril sa kaniyang beywang. Nang masiguradong handa na siya ay saka siya tumakbo palapit sa mansyon at umakyat sa pader. Ngunit hindi pa man siya nakalalapit ay siya namang pagsabog ng buong mansyon. Tumilapon siya pabalik sa kinaroroonan niya at naramdaman ang pagtama ng likod niya sa pader. Halos mabingaw siya sa lakas ng pagsabog. He heard some kind of static inside his head. Ang buong akala niya ay mabibingi na siya sa sobrang sakit ng tainga niya. Napaubo siya at pinilit na tumayo, ngunit nanlumo nang makita ang kalagayan ng mansyon. May mga mahihina pang pagsabog ang narinig sa kabilang bahagi ng mansyon. Nang huminahon ‘yon ay mabilis siyang tumakbo sa loob at hinanap sina Carl. “Carl!” sigaw niya. Wala na siyang pakialam kung may ibang makarinig sa kaniya. “Jess! Answer me, f**k it!” Nagtungo siya kung saan dumaan kanina sina Carl at Jess. Hindi naman nagtagal ay nakita niya ang dalawa na halos ilang dipa lang ang pagitan. May malay pa si Jess, ngunit hindi na rin gumagalaw si Carl sa hindi kalayuan. Dinaluhan niya agad si Jess. “Hey, man. You’re okay. You’re going to be okay.” Hindi niya alam kung sino ang kinukumbinsi niya sa mga salitang ‘yon lalo na nang makita ang malaking stain ng dugo sa kaniyang suot. “No need, boss. I—” He coughed out more blood. “I know how bad it is. I’m a doctor, after all.” Hindi na nagsalita si Aljand. “And Carl?” Naglakad ito palapit kay Carl at halos mapaluha na lang sa kalagayan nito. May malaking butas ito sa tiyan na may kaunting mga bato pa na nanggaling sa pagsabog kanina. Tahimik itong bumalik sa tabi ni Jess nang walang sinasabi. “I see,” tanging sambit lang nito. “We’re going out of here.” Hinawakan niya ang braso nito at akmang ipupulupot sa kaniyang balikat nang isang malakas na alingawngaw ulit ang kaniyang narinig. Napaingit ito nang maramdamang tumama ang bala sa kaniyang kanang braso. He stayed low on the ground. Hinanap niya ang kinaroroonan ng ingay at agad pinaputukan ang lalaki. Sakto ang tama no’n sa kaniyang noo. “Just leave me here, boss.” “Don’t be ridiculous! I’m getting us out of here.” “Hindi na rin ako magtatagal sa lagay ko. Kung makaalis man tayong pareho rito, hindi pa rin ako aabot sa ospital. Like I said, I’m a doctor. I just know.” Nagawa pa nitong tumawa na para bang wala lang. “You need to survive, boss. Hindi pa tapos ang misyon natin. Kailangan mong mapatay ang mafia boss. Alam mo ‘yan. Ipaghiganti mo na lang kaming tatlo. Sa ganoong paraan lang matatahimik ang mga kaluluwa namin.” Muli itong tumawa ngunit napaubo lang ulit ng dugo. “You’re an idiot.” Sinubukan pa rin niyang patayuin si Jess ngunit hindi na niya nagawa dahil sa sunod-sunod na putukan ng baril sa lugar. Napatago na lang siya sa malapit na pader upang iwasan ang mga bala. Sinilip pa niyang muli si Jess na ngayon ay nakangiti na sa kaniya. “Go!” Matapos sumigaw ay tinutok niya ang kaniyang baril sa mga paparating at pinaputukan ang mga ito. “I’m here, fucktards! Come and get me.” Labag man sa kaniyang kalooban ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumalikod at iwan ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD