She didn't know what just happened. Hindi nya maintindihan ang pumasok sa utak nya kung bakit nya hinayaang maganap ang mga nangyari kanina. Alam nya sa sarili nya na hindi nya yun ginusto pero may bahagi ng utak nya na nagsasabing gusto nya rin ang nangyari. Sa katunayan nga ay kahit saglit hindi nawala sa isip nya ang halik nito. Hindi yun ang first kiss nya pero hindi nya maintindihan ang naramdaman nya sa halik ng lalaki. Hindi nya alam kung anong dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso nya, ang pagkaubos ba ng halik dahil sa halik nito o dahil sa kakaibang nararamdaman nya para sa lalaki. Hindi ito ang unang beses nyang naramdaman ang klase ng pakiramdam na iyon. Naramdaman na nya yun once nung magtama ang tingin nila nung lalaki sa coffee shop. She thinks that time that it was love at first sight, ibig bang sabihin nun may gusto din sya kay Nic.
Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ang itsura ng lalaking nakita nya noon sa coffee shop. Doon nag sink in sa kanya na si Nic at yung lalaki ay iisa. Hindi nya alam kung masyado lang ba talagang joker si lord at hinayaan nyang mangyari ang napakalaking coincidence na ito. Actually it's not a coincidence, it was a DISASTER! Sabi nila wala naman daw talagang term na coincedence dahil ang lahat ng nangyayari ay nakatakda at may dahilan. Ibig sabihin ba nito nakatakda talaga syang mahalin ang gunggong na lalaking katulad ng Dominique Alexander Wright III na yun? Ang unfair naman yata nun? Ano bang kasalanan ang ginawa nya sa past life ko para parusahan sya ng ganito?
Pinag iisipan nya tuloy kung ipagpapatuloy nya pa rin ang pagtatrabaho sa lalaki.
"Pagkatapos ng nangyari I'm sure hindi na gugustuhin nun na makita pa akong muli."
"Sampalin ko ba naman sya eh talagang magagalit yun" sabi nya pa sa sarili.
"Haaayyysss Ano bang gagawin ko?" sa isang coffee shop sya dinala ng mga paa nya. Nagdesisyon na muna syang umuwi dahil yun ang mas makakabuti lalo na at mainit pa ang dugo nila sa isa't isa ni Nic. Pero sa halip na sa bahay eh dito sya dinala ng mga paa nya sa coffee shop. Umorder sya ng kape at saka lumabas para humanap ng table. Ng makahanap na sya ay inilabas nya na ang isang kaha ng sigarilyo.
"Alam mo bang masama sa kalusugan ang paninigarilyo?" dinig nyang sabi ng lalaki sa likod nya.
Hinarap nya ang lalaking nagsalita upang tarayan. Ngunit nabigla sya ng mapagtantong si Nic pala iyon.
"Anong ginagawa mo dito? Siguro naman may hiya ka pang natitira sa katawan mo kaya hindi mo naman siguro ako mamanyakin sa public place?" tanong niya.
"On the contrary, nandito ako to say sorry, hinabol kita pero hindi kita naabutan nakaalis ka na kaagad kaya sinundan na lang kita. I want us to start from scratch kalimutan natin ang lahat ng nangyari at magsimula muli. Just think that we haven't met before at ito ang unang araw na magkikita at magkakakilala tayo. Are you okay with that?" mahabang sabi ni Nic.
"Sa tingin nya ba ganun lang kadaling kalimutang yung halik na yun? Palibahasa babaero! Marami na kasi syang nahalikan kaya balewala na yun para sa kanya. Baka nga may STD na yan sa dami ng babaeng nai-kama na nya." sabi ni Carrie sa sarili. Hindi nya alam na medyo napapalakas na pala ang pagbigkas nya sa isip nya.
"Anong sabi mo? May sinasabi ka ba?" tanong ni Nic.
"A-a-ah wala wala! Sabi ko sure sige let's start again. By the way, I'm Cassandra Marie Altamiranda, and you are?"
"Dominique Alexander Wright III, your boss!" sabay tanggap sa nakalahad na kamay ni Carrie at nag shake hands sila.
"Hindi mo pa rin talaga napigilan ang pagiging arrogant mo no?" natatawang wika ni Carrie
"Well, it runs in my genes, so I can't help it. And besides masasanay ka din medyo matagal tagal pa tayong magsasama."
"Well goodluck to me. Sana matagalan ko yang ugali mo!"
"Hey Hey! I thought magsisimula tayo sa maganda bat nagsisimula ka na naman?"
"Okay fine sorry! I can't help it. Masyado ka kasing mayabang."
"Well nasanay na akong' ganun eh. Wala namang nagrereklamo, ikaw palang so mahirap magbago at hindi yun mababago agad agad okay?"
"Okay! Okay! sige sabi mo eh. So ipapaliwanag ko na kung anong dapat mong gawin?" Tanong ni Carrie
"Shoot!" hudyat ng pagpayag nya.
"So, since nakagawa na tayo ng legal actions regarding sa kumakalat mong videos ang next step naman natin ay kung paano mapapabuti ang image mo. So I suggest na limit yourself muna sa mga happenings like party, at gimmick unless it is business related such as business meetings or party ng mga investors at business partners mo." mahabang paliwanag ni Carrie.
"That's absurb! Hindi ako pwedeng mabuhay ng walang night life paano s*x life ko? Don't tell me pagbabawalan mo din ako dun?" medyo naiinis na sabi ni Nic.
"You don't have much choice Mr. Wright since have to work harder para mapaganda ang image mo so please cooperate." pagalit nya dito.
"Could you please do something about it? I can't live a day without nightlife and sex." pakiusap nito.
"Okay I'll figure something else to do about it." sandaling nagisip si Carrie
"Could you make a promise that you'll behave pag pinayagan kitang magkaroon ng nightlife? You'll stay out of trouble and be low profile. And please choose a bar na pwedeng promutekta sa privacy mo okay?"
"That's easy! Madali lang gawin yan. Walang bagay na hindi nababayaran ng pera." nakangisi nitong sabi.
"Okay since you promise. Papayagan kita but please, please, please stay out of trouble kung gusto mong mas mapadali ang paghihiwalay natin." sabi niya.
"Yes!" sagot naman nito na parang nanalo sa lotto.
"Ang OA? daig mo pa nanalo sa lotto o kaya sinagot ng nililigawan nya sa reaksyon mo ah?" natatawa nyang sabi kay Nic.
"Mas higit pa to sa mga sinabi mo. This is my life I can't live without party and s*x. Lalaki lang ako at hindi ko kasalanan kung ipinanganak akong mataas ang s*x drive." sabi ni Nic habang nakangisi.
"He-He, I'm not intersted on how much is your libido so please stop talking about it." panunuyang sabi ni Carrie.
"Oh really? Your not interested in my...." hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil pinasakan na sya ni Carrie ng donut sa bibig.
"Gutom lang yan! Ikain mo na lang, Libre ko na yan manahimik ka lang sa kamanyakan mo!" sabi nitong natatawa sa itsura ng lalaki sa harapan nya na punong puno ang bibig dahil sa donut na isinubo nya dito.