Araw

499 Words
“Mitz, ano ba? Nandyan na si Kira sa labas!” Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Mama. Hindi ko naman kasi akalaing matagal palang magkulot ng buhok! Akala ko, saglit lang dahil dulo lang ang dapat kulutin pero inabot ako ng higit dalawang oras dito! “Bababa na nga, Mama! Saglit na lang!” sigaw ko at mabilis na kinuha ang bag ko. Sa labas na lang ako magpupulbos habang nag-aabang kami ng masasakyan ni Kira. Paglabas ko ng gate ay wala naman si Kira doon. Luminga pa ako sa paligid pero wala talaga. “Hindi kaya nainip na kakahintay?” bubulong-bulong na sabi ko habang naglalakad. Nagkibit balikat ako at nagpasyang i-tetext ko na lang. Dumukot muna ako sa bag ng pulbos at sakto namang may sasakyan na nakaparada sa di kalayuan kaya tumapat ako doon habang nagpupulbos ng mukha. “Parang di ko pa yata bagay ‘tong kulot ah? Nakakainis! Ang tagal kong ginawa ‘to tapos hindi naman pala maganda!” nakasimangot na sabi ko habang pilit na inuunat ang mga kulot sa dulo ng buhok. Nang maayos ko ‘yon ay huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid para mag-practice ng ngiti na ibibigay ko mamaya sa Kuya ni Kira. “Hind ba masyadong pilit itong ganitong ngiti?” bulong ko habang ngumingiti sa salamin. “Eh ganito kaya? Tapos sabay bati?” bulong ko ulit at sinubukang ibahin ang ngiti pero para lang akong timang na namamanhid ang mga labi sa kakangiti sa naging itsura ko. “Hi! Ako nga pala si Mitz!” sabi ko sabay practice ulit ng ngiti. “Pangit! ‘Wag na lang kaya akong ngumiti?” “Hi! I'm Mitz! Nice to meet you!” muling practice ko at saka ngumiti ulit pero agad na natigilan nang unti-unting bumukas ang salamin ng sasakyan. “Aren't you gonna ride yet?” biglang sabi ng lalaking nabungaran ko. Agad na napaatras ako dahil sa sobrang pagkabigla. Sh!t na malagkit! Si… si… si… si Gelo! Halos hindi ako huminga habang namimilog ang mga matang nakatulala sa mukha n'ya. “You're Mitz, right? Pinapasundo ka ni Kira. Our relatives came and she's busy entertaining them,” tuloy-tuloy na sabi n'ya habang nakatingin sa akin kaya lalo akong natulala at hindi nakapagsalita! Ilang sandali pa ay nakita kong bumaba na s’ya at lumakad palapit sa akin. Halos tingalain ko s’ya sa sobrang tangkad at… sh!t! Ang puti-puti at ang kinis-kinis! Parang hindi nasisikatan ng araw sa sobrang puti! “Wala bang araw sa England?” tanong ko. Halos himatayin na ako nang marinig ko mismo ang sarili kong boses na nagsalita matapos ang ginawa kong paninitig sa kanya! Lalo na nang unti-unting kumunot ang noo n’ya pagkatapos ay gumalaw ang mga labi na parang… nagpipigil ng tawa? Hindi na yata ako magpapakita kay Kira pagkatapos nitong birthday n’ya. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Este ‘yung kahihiyan ko na ubos na ubos na ngayon dahil sa Kuya n’ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD