Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto matapos kumain ng hapunan. Nakailang silip na yata ako sa cellphone ko para tingnan kung kailan mag-oonline si Gelo. Kadalasan kasi ay ganitong oras s’ya nagmemessage dahil alam n’yang nasa bahay na ako. Hindi ako mapakali dahil hindi sumasagot si Kira sa tawag ko. Itatanong ko sana sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Gelene sa akin kanina na uuwi na ang Kuya Gelo n’ya. Wala naman kasing binabanggit sa akin si Gelo. O baka nakaligtaan n’ya lang kaya? Imposible naman yata ‘yon dahil wala namang araw na hindi kami nagchachat kahit saglit lang sa isang araw! “Baka naman fake news ‘yon?” bulong ko at saka agad na napatitig sa screen nang makitang online na si Gelo. Ilang sandali lang ay nag-abang na ako sa chat n’ya. Halos hindi ako humihinga nang makitang n