Masayang pinagmamasdan niya ang grupo ng kaibigan na naglalaro sa pool. Hindi naman kasi siya marunong lumangoy. Mukhang mayayaman ang mga ito. Kaya naiilang din siya makisalamuha.
Habang nakatingin siya sa grupo ay biglang napako ang tingin niya sa bintana ng may lumabas na lalaki. Pinasadahan niya ang kabuuhan nito.
Napanganga siya ng makita ang hitsura nito. He looks like Adam Noah Levine ng Maroon 5 sa tayo pa lang nito. Napalunok siya bigla. Ang kaibahan lang nito ay walang tattoo sa katawan. Ang guwapo nito sa suot na white shirts at short. Malinis tingnan. Halatang batak din ang katawan nito.
Parang gano’n ang ideal guy niya. Wala sa sariling ibinalik ang mata sa laptop at nagtipa. Kanina pa niya iniisip ang ideal lead character niya para sa susunod na kuwento niya.
Ibinalik niya ang tingin sa bintana pero wala na ito doon. Bigla siyang nanghinayang. Parang bumalik naman ang mood niya sa pagsusulat ng maalala ang guwapong nasa bintana kanina.
Nagpaalam ulit siya sa bagong kaibigan at birthday girl na Si Arriane pati na din kay Keana na papasok muna sa kuwarto.
Ginanahan nga siya. Inabot siya ng madaling araw kakasulat. Mag aalas-dos na siya natapos. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom hindi siya lalabas.
Hinanap niya ang kaibigan na si Keana at nagpasama sa kusina. Mangilan ngilan na lang ang nasa pool. Pero iniwan lang siya nito doon dahil nag-eenjoy sa bagong kasama nitong lalaki.
Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan niya ang mga ginamit. Nagpunas siya ng kamay na basa sa isang malinis na telang nakasabit sa may gilid at lumabas na. Nabusog siya kaya naglakad-lakad muna siya sa labas. Binaybay niya ang daan papuntang dalampasigan.
Napatingin siya sa lalaking nasa unahan. Panay ang bato nito ng kung ano sa tubig. Panay din ang tungga nito sa beer. Medyo madilim kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Naglakad lakad pa siya hanggang sa lagpasan ito. Tumingin siya sa likod nito. Ang kisig naman nito. Parang ang sarap makulong sa mga bisig nito. Nang medyo lumagpas na siya ay nilingon niya ito, napa-Oh siya ng makilala ito. Ito ang lalaking nakita niya kanina.
Kaibigan kaya ito nila Arriane?
Derecho lang itong nakatingin sa kawalan. Parang ang lalim ng iniisip nito. Gusto man niyang lapitan para tanungin pero hindi niya magawa dahil baka mapahiya lang siya.
Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad. Pagbalik niya ay wala na doon ang lalaki. Kaya malungkot na pumasok siya sa kuwarto.
Kinabukasan alas-otso sila umalis pauwi ni Keana, dahil nagkaroon ng problema sa opisina nito. Ipinagpasalamat niya ang maagang pag-uwi para makapagpahinga na din siya.
Tanghali na ng makarating sila ng Maynila. Hinatid siya nito bago dumerecho sa opisina.
Bigla niyang naalala ang guwapong lalaki. Nanghinayang siya kasi hindi niya nakita ang lalaking nasa isipan niya ngayon. Kahit kaninang almusal wala ito doon.
Sino kaya siya?
Natulog muna siya hanggang alas-tres at sinimulang magsulat ulit.
Thirty minutes before five ay naligo na siya para sa shift niya.
Ganoon lagi ang gawain niya. Hindi naman siya nalalate kahit 5:20 siya umaalis ng bahay. Isang jeep lang kasi ang kailangan niyang sakayin papuntang fast food na pinagtatrabahuhan.
Kinabukasan ay nakatanggap na naman siya ng tawag kay Keana. May sorpresa daw ito sa kaniya kaya pag-out niya diderecho siya sa ZL Lounge na tambayan ng mga kaibigan nito.
Ayan na naman si Keana. Mapipilitan na naman siyang makihalubilo sa mga taong mahilig mag night life. Yeah, minsan sumasama siya kasi inaalam niya ang mga ginagawa ng mga tao na nandoon at isinasama niya sa kaniyang kuwento. Gusto rin niyang maranasan iyon siyempre.
Pagkalabas niya ay agad na pumara siya ng jeep pauwi at naligo. Nagbihis na din siya ng cropped T-shirt with black ankle high waisted jeans. Sneakers din ang pang-ibaba niya at side bag na canvas.
Hindi naman siya mahilig magdress gaya ni Keana. Ayaw niyang mabastos kaya hindi siya nagsusuot ng gano’n unless party.
Naglagay din siya ng blush on at liptint na romance coral ang shade.
"Simple and yet beautiful," nakangiting sabi niya sa sarili ng makita ang sarili sa salamin.
Sinong maga-akalang ang isang Dominique Esguerra ay isang manunulat? Ilang akda na niya ang pumatok sa mga mambabasa? Wild ang mga tumatakbo sa isipan niya but not in action. Never been kissed and touched. Pero hindi halata dahil sa mga isinusulat niya. Minsan natetempt na siyang magka-boyfriend. Pero wala. Wala pang nagkakamali.
Magtu-tweleve na siya nakarating ng ZL Lounge. ‘Di na siya nahirapan kasi nakailang punta na siya dito. Pero umaalis din siya agad.
Hinanap niya agad si Keana ng makapasok. Maingay na naman, panay hiyawan ng mga nasa gitna. Patay sindi naman ang mga ilaw. Iniisa isa niya ang table. Napalingon siya ng may tumawag sa kaniya. Napangiti siya ng makilala ito, nakaupo sa upuang nasa counter. Kumaway pa si Arriane sa kaniya.
"Kumusta? Si Keana?" tanong niya ng makalapit dito. Nakipagbeso-beso muna siya.
"Nasa comfort room lang, Dom," sabi nito. "One ladies drink nga, Kuya Dave," anitong bumaling sa lalaking nasa counter. Agad na naghanda ito at ibinigay sa kaniya.
Mayamaya ay lumapit na ang kaibigang si Keana. Agad na niyakap siya nito mula sa likod.
"Congratulations!" rinig niyang sabi nito kaya napalingon siya dito.
"Saan?" takang tanong niya.
"Sold out!" bulong nito sa tenga niya kaya napasigaw siya bigla na ikinatawa ng kaibigan niya.
"Weh, ‘di nga?" pagkuway tanong niya ulit nga.
"Oo nga, Promise!" anito at itinaas ang kanang kamay.
"Wow…" ‘yon na lang ang nasabi niya.
Inaya siya nito sa dance floor pero hindi siya sumama. Sila na lang ni Arriane ang magkasama.
Mayamaya ay may mga lalaking lumapit sa kanila. Yong isa pumasok sa counter at ang iba naman ay umalis din agad paakyat ng second floor.
"Arriane, you're here!" sabi ng isa at pumasok sa counter. Saka lang niya napagtanto na ito yong pinakilala din sa kaniya ni Keana na may-ari ng bar, si Ezekiel.
"Yeah," tipid lang na sagot ni Arriane.
"Alam ni Moore na nandito ka?" si Ezekiel
"What do you think?" sagot ni Arriane na sumimsim ng alak.
Natawa na lang ng pagak ang binatang may-ari.
Napatingin naman sa kaniya ang binata.
"Hi, have we met before?" tanong nito.
"Keana's friend!" sabi na lang niya.
Napa-ah na lang ito sa sinabi niya.
Mayamaya ay nagsalita ulit si Ezekiel na ikinalingon niya sa gawi kung saan ito nakatingin.
"Speaking of Moore, there he is! The loner Caleb Moore," halos hindi na niya marinig ang sinabi ni Ezekiel dahil nakatitig na siya sa lalaking papalapit.
Para bang ang bagal nitong maglakad ng mga oras na iyon. Parang naglalakad ito sa stage at binabandera ang angking kakisigan nito.
What the f**k! Adam Noah Levine is that you? sigaw niya sa isip.
Hindi niya alam kung sisigaw sa tuwa ng mga oras na iyon. Ang guwapo nito. Parang nakikita niya si Adam sa kaniya. Seksi din maglakad? Hindi niya napansing nakaawang ang mga labi niya.
Biglang lumukot ang mukha niya ng mapansin ang babaeng nakalingkis dito. Siguro ganoon ang mga tipo nito. Kaya naman ibinalik niya ang mga mata sa counter.
Nakinig na lang siya sa usapan nila. Naupo ito sa tabi niya. Kaya hindi siya mapakali. Minsan sumasagi ang damit nito sa kaniya kaya napapapikit siya.
Si Arriane kasi nasa pinakagilid kaya napagitnaan naman siya ng dalawa.
"Who are you with, sweetie?" ani ng baritonong boses na nagmumula sa kanan niya.
Pakiramdam niya parang siya ang kinakausap at tinatanong nito. Parang gusto niyang sagutin at lingunin ito. Binigyan ito ng maiinom ni Dave.
Mayamaya ay sumagot si Arriane kaya naman nalungkot siya.
"Friends," napakatipid naman nitong sumagot.
"You only have two hours left, sweetie," sabi pa ng katabing lalaki. Sa pagkaka-analisa niya magkapatid ito. Ito yata ang tinutukoy ni Ezekiel na Moore at iyon din ang surname ni Arriane sa pagkakatanda niya.
Parang may tension sa pagitan ng mga ito. Mayamaya ay umalis si Arriane at pumunta sa dance floor. Hindi pa rin umaalis sa tabi niya ang binata. Nalalanghap niya ang masculine scent nito. Hindi ito clingy sa kasama. Tanging si Dave ang kausap nito.
Ubos na ang iniinom niya kaya humingi siya ulit na ikinalingon ng binatang katabi sa kaniya. Saglit na nagtama ang kanilang paningin.
"Thank you!" sabi niya ng ilapag ni Dave ang alak.
Narinig niya ang pangalan niya nanggagaling sa dance floor kaya napalingon siya dito. Niyaya na naman siya ng kaibigan. Hindi talaga siya mahilig kaya hindi siya lumapit.
Nang maubos ang iniinom ay tumayo siya dahil nakaramdam na parang maiihi kaya tinungo niya ang banyo. Ilang minuto din ang itinagal niya doon.
Pagbalik niya ay nakaharap na ang guwapong katabi sa dance floor habang may lalaking bumubulong dito. Mayamaya ay napatingin ito sa kaniya na nakakunot ang noo.
Slow motion ang peg, feeling niya matutunaw na siya sa paraan ng titig nito. Hindi niya kayang makipagtitigan kaya iniwas niya ang tingin at ibinaling sa mga kaibigan. Ayaw niya sanang sumali sa mga ito kaya napilitan na lang siya. Dahan-dahan lang siyang gumagalaw dahil kita niya sa gilid ng mga mata niya na nakatitig ito sa kaniya.
Naiilang siya. Pakiramdam niya ay nakatingin pa rin ito sa kaniya kahit na tumalikod siya. Binulungan niya si Keana para magpaalam na niya. Hinatid naman na siya nito sa labas. May kinuha muna ito sa kotse na paperbag at ibinigay iyon sa kaniya.
Pagkuwan ay naghintay siya na may dumaang taxi. Wala pa rin kaya naupo muna siya sa semento mukha namang malinis. Pakiwari niya ay mga matang nakatunghay kaya napalinga siya. Wala naman. Nagbook na lang siya sa grab, mukhang madalang ang taxi. Mayamaya ay dumating na ang sasakyan at mabilis na sumakay.
Pagbaba niya sa tapat ng apartment ay napansin niya ang pagtigil ng isang mustang sa unahan. Wala namang bumaba doon. Bihira naman atang pumasok ang mga magagarang sasakyan sa lugar nila dahil sa likod ng mga iyon ay mga eskinita na at maraming basagulero.
Binaybay niya ang daan paakyat ng apartment at bitbit ang bigay ni Keana na nasa paperbag.
Binuksan niya ito agad pagkapasok.
Napangiti siya ng makita ang ipad. Bagong labas iyon ng apple. Galante talaga ang boss niya kapag madaming benta. Sa wakas ‘di na niya kailangang bitbitin ang laptop. Masyadong bulky, kaya malaking side bag ang laging dala niya lagi.
Bago matulog ay nasagi na naman sa isipan niya ang binatang Moore. Sayang lang at may girlfriend na ito.
Nakatulugan niya ang pag-iisip sa binata.
Nagising siya kinabukasan dahil sa pagkalam ng tiyan niya. Alas-otso na kaya naghilamos siya at bumaba. Tinungo niya ang karinderya ni Nana Lucing. Napakunot noo siya ng mapansin ulit ang Mustang na nakaparada sa harap ng karinderya.
Tinawag niya si Erick at tinanong ito. Kung kanino ang sasakyan na nasa harap.
Hindi daw nito kilala. Halos kakarating lang daw niyon at hindi din bumaba ang may-ari ng sasakyan.
Napangiti siya ng makaisip ng kapilyuhan. Kumuha siya ng toothpick bago lumabas ng karinderya, dumerecho siya sa harap ng mustang at sinipat ang sarili sa tinted window. Inayos niya ang sarili kuno. Hindi niya maaninag ang nasa loob, tinted kasi. Nilabas niya ang toothpick at ibinuka ang bibig, kitang kita naman niya ang mapuputing ngipin at sinipat kung may mga pagkaing nakasuksok sa mga ngipin. Alam niyang naiinis na ang nasa loob ng sasakyan. Ikaw ba naman gawing salamin ang magarang sasakyan mo.
Pagkatapos ay dumerecho siya sa basketball na malapit. Napansin niyang umandar ang sasakyan. Parang sumusunod sa kaniya.
Tinanguhan niya lang ang mga binatilyo na tumawag sa kaniya. Hindi pa nagsisimula ng maglaro ang mga ito kaya lumapit siya sa gitna at hiniram niya ang bola. Pumapalakpak naman ang mga binatilyo sa tuwing nakakashoot siya. Exercise na din ito para sa kaniya. Pero tumigil din siya kasi kompleto na ang kupunan. Siyempre kila Dagul siya kakampi. Ang pagkakaalam niya kaibigan ito ni Erick. Nilatag niya ang kaniyang pusta. Panay ang sigaw niya kapag nakakashoot ang manok, ‘pag hindi naman naiinis siya. Suwerte yata siya ngayon dahil sunod sunod ang pagshoot ng bola nila Dagul kaya naman nalamangan nila ng sampung puntos. Tuwang-tuwa naman ito ng hindi niya kinuha ang panalo at ibinigay sa kanila.
Medyo nakakaramdam na siya ng init kaya naisipan niyang umuwi na. Muntik na siyang matisod dahil sa medyo malaking batong nakaharang no’ng palabas ng court. Kaya sa sobrang inis niya ay sinipa niya ito ng malakas at laking gulat niya ng makitang tumama ito sa Mustang na nakaparada!
"Bullshit!" napamura siya ng makita kung gaano kalaki ang impact ng batong tumama sa sasakyan. Hindi pa lumabas ang driver niyon.
Bigla siyang napasabunot sa ulo. Laking bayarin nito panigurado. Lalapitan na sana niya ang sasakyan ng biglang bumukas ang pintuan ng driver seat nito.