"I'm sure that it was really Summer whom I saw that night from outside the glass wall.” Nababahala na sabi ni Johnny habang pabalik-balik itong naglalakad sa harapan ni Wilma.
“Are you not happy? Because we don’t need to hide behind her, and it’s not hard for us to tell her about our relationship.” Kalmado na sabi ni Wilma habang nakaupo ito sa ibabaw ng office table ni Johnny. Sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat kilos ng binata. Sa totoo lang ay labis na nagdiriwang ang kanyang kalooban dahil sa wakas ay tuluyan ng napunta sa kanya ang lalaking kay tagal na niyang inaasam.
Hindi na niya kailangan pang magpanggap sa harap ng kaibigan na si Summer, kung sakaling totoo nga ang hinala ni Johnny na si Summer talaga ang nakita nito mula sa labas ng glass wall.” Ito ang tumatakbo sa isipan ni Wilma ngunit ang kasiyahan na nararamdaman niya ay taliwas sa nararamdaman ng binata.
Hindi mapakali si Johnny at labis siyang nababahala sa biglaang pagkawala ng kanyang nobya. Sinubukan niya na kausapin ang pamilya nito ngunit bigo siya na makakuha ng anumang sagot mula sa pamilya ng kanyang fiancee. Dahil ayon sa kanila ay maging sila hindi ma-contact ang dalaga. Isang buwan ang mabilis na lumipas at isang buwan na ring nawawala si Summer. Nakapatay ang cellphone nito, maging ang lahat ng kanyang online account ay isang buwan na ring hindi nabubuksan. Kaya palaisipan para sa lahat ang pagkawala ni Summer.
“Did you hear yourself? You’re such a selfish, hindi mo naisip ang magiging kinabukasan ng kumpanya ko sa oras na tuluyan akong iwan ni Summer!” Halos pagalit na saad ni Johnny, mukha itong nanggigil dahil tila mahirap umintindi ang taong kaharap.
“Mas mahalaga pa ba ang perang mawawala sayo kaysa sa akin?” Puno ng hinanakit na tanong ni Wilma, ni hindi ito kumukurap mula sa pagkaka-titig sa mukha ng kanyang nobyo. Dahil nais niyang makita ang totoong saloobin nito sa kanya.
“Yes.” Walang pag-aalinlangan na sagot ni Johnny, pakiramdam ni Wilma ay parang may crystal na nabasag sa loob ng kanyang puso dahil sa naging sagot ng binata. Tumayo siya ng tuwid at galit na hinarap ang nobyo.
“So, Ano pala ako sayo? Parausan? Ganun?” Nanggigil sa galit na tanong ng dalaga habang ang mga mata nito ay nagsisimula ng manubig. “Ikaw ang lumapit sa akin at ikaw rin ang naghain ng sarili mo sa harap ko kaya hindi ko na kasalanan ang lahat kung naging marupok ako, lalaki lang ako na may pangangailangan”- “PAK!” Isang malakas na sampal ang naging tugon ni Wilma sa tinuran ni Johnny.
Hilam na sa luha ang kanyang mga mata at makikita sa mukha nito ang matinding sakit at labis na pagkabigo. “How dare you! Ginamit mo lang ako!” Naghi-hysterical na sabi ni Wilma habang binabayo sa dibdib ang binata.
“Enough, Wilma! We need to end this relationship because I need to find my fiancee. I’m sorry, okay.” Iyon lang ang huling sinabi ni Johnny bago tuluyang iniwan na mag-isa ang dalaga sa loob ng kanyang opisina.
“I know, Summer, she’s not stupid para balikan pa ang isang walang kwentang lalaki na katulad mo!” Galit na sigaw ni Wilma habang mariin na nakakuyom ang kanyang mga kamay at nanginginig na sa galit ang kanyang katawan. Walang lingon likod na lumabas ng pintuan si Johnny habang si Wilma naman ay nanghihina na umupo sa sahig. Nakadama siya ng labis na pagsisisi. Ngayon lang niya napagtanto ang malaking pagkakamali na nagawa niya sa kanyang kaibigan. Nang mga sandaling ito ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin at kung paano na hihingi ng tawad sa kanyang kaibigan.
Wala ng nagawa pa si Wilma kundi ang tahimik na umiyak at tiisin ang sakit ng kabiguan na kanyang nararamdaman. “Marahil ay ito ang kabayaran sa pagpatol ko sa boyfriend ng aking kaibigan. Sana nga lang ay mapatawad pa ako ni Summer.” Anya sa kanyang isipan na may halong pagsisisi habang patuloy lang siya sa kanyang pagtangis…
Samantala mula sa isang kwarto ay tahimik na nakaupo ang isang babae na walang humpay sa paglamon. Wala na siyang ginawa kundi ang humilata at kumain buong maghapon habang nakabukas ang flat screen tv na may sukat na eighty six inches. Madilim ang buong kwarto at tanging ang liwanag na namumula sa tv ang nagsisilbing ilaw nito.
Maya-maya ay kumilos ang mataba niyang kamay at dumakot ng popcorn na nakapatong sa kanyang kandungan. Halos lumobo ang kanyang mga pisngi ng isubo niya ang napakaraming papcorn sa kanyang bibig. Tahimik na nanonood lang ang babae habang nanatiling blangko ang mukha nito. Natigil sa akmang pagdampot ng popcorn ang dalaga ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Nang makita ang pangalan ng kanyang ama ay mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ang tawag.
“Dad! I miss you…” malambing niyang bungad, sinadya niyang unahan sa pagsasalita ang kanyang ama dahil alam niya na galit na ito sa kanya.
“I’ll give you ten minutes para magpakita sa akin ngayon din dahil kung hindi ka sisipot? I will freeze all your assets.” Anya sa makapangyarihang tinig bago pinatay ang tawag. “D-Dad!” Naalarma ang dalaga at mabilis pa sa alas kwatro na tinungo ang banyo kahit na nahihirapan na itong kumilos dahil sa laki ng kanyang katawan. Kilala niya ang ama at may isang salita ito. Actually wala siyang pakialam kahit pa i-freeze nito ang lahat ng kanyang pag-aari ngunit ang labis na kinatatakutan niya ay ang magalit ito sa kanya. Magalit na ang lahat huwag lang ang kanyang daddy dahil ito ang pinakamahalagang tao para sa kanya.
Mula sa loob ng isang sikat at mamahaling restaurant ay kasalukuyang nag-uusap si Mr. Hilton at Mr. Jimenez kasama ang kani-kanilang mga esposa at ang nag-iisang anak ni Mr. Jimenez na si Lorenzo. Nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng marriage agreement sa pagitan ng kanilang mga pamilya para sa ikabubuti ng kanilang mga negosyo.
“Isang malaking karangalan kung sakaling mapabilang ang pamilya ko sa pamilya n’yo, Kumpadre.” Nagagalak na sabi ng matandang lalaki, si Mr. Jimenez. Makikita sa mukha nito ang labis na kasiyahan. Nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon sila ng isang family dinner upang ipakilala sa isa’t-isa ang kanilang mga anak.
“Don’t worry, Kumpadre, hindi lang maganda ang anak ko kundi napakabait pa nito, kaya sigurado ako na magkakasundo sila ng anak mo.” Seryosong sabi ni Mr. Hilton. Lalong lumapad ang ngiti ni Mr. Jimenez at ng anak nito na si Lorenzo na halatang nasasabik na makadaupang palad ang nag-iisang anak ng pinakamayamang tao sa bansa. Mula sa isipan ng binata ay ginugunita niya ang maganda at seksing imahe ng dalaga na ipinakita sa kanya ng kanyang Ama bago sila makipagkita sa mag-asawang Hilton.
“Ang balita ko ay isang sundalo ang iyong anak?” Naiintriga na tanong ni Mr. Jimenez, maging ang atensyon ni Mrs. Jimenez ay napukaw ng usapang ito. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa bibig ni Mr. Hilton ng marinig ang tanong ng kanyang kausap. Kahit na taliwas ang kinuhang propesyon ng kanyang anak sa nais niya para dito ay ipinagmamalaki pa rin niya ito. Likas na matalino ang kanyang mga anak kaya kahit hindi na sila magpakadalubhasa sa pag-aaral tungkol sa negosyo ay kayang mamahala ng kanyang mga anak nang isang kumpanya.
“Tama ka, Kumpadre, sadyang matalino ang anak kong iyon, at higit sa lahat ay ma-prinsipyo. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ang lahat ng mga anak ko ay may kanya-kanya ng kumpanya. Kaya malaki ang maitutulong ng talino ng anak ko sa inyong kumpanya kung sakaling maikasal sila ng anak mo.” Mahabang pahayag ni Mr. Hilton. Hindi maikakaila ang labis na bilib nito sa kanyang unica hija.
“Ngayon pa lang ay nasasabik na akong makilala ang anak mong ‘yan, Mrs. Hilton.” Nasisiyahan na sabi ni Mrs. Jimenez kay Lexie Hilton, ang esposa ni Mr. Hilton. Isang matamis na ngiti naman ang naging tugon nito. Habang si Lorenzo ay nagniningning ang mga mata dahil sa mga magagandang komento para sa babaeng ipinagkasundo sa kanya. “Ehem” isang malakas na tikhim ang pumukaw sa atensyon ng lahat mula sa likuran ni Mr. Hilton. Halos isang tao na nagtaas sila ng tingin at tumingin sa mukha ng taong tumikhim.
Nagtataka ang mag-anak na Jimenez habang nakatingin sa isang malaki at matabang babae na may lollipop pa sa bibig. Halos dalawa na ang baba nito dahil sa sobrang katabaan, habang ang mukha niya ay natatakpan ng isang makapal na salamin at bangs na mas mataas pa sa kanyang makapal na kilay. Halos lumubog na ang ilong nito dahil sa sobrang tambok ng kanyang mga pisngi. Nakatayo ito sa likuran ni Mr. Hilton habang hawak ang kanyang backpack na nakasukbit sa kanang balikat nito. “Yes?” Nagtataka na tanong ni Mr. Jimenez sa matabang babae habang ang anak nito ay parang gustong bumunghalit ng tawa dahil sa hitsura ng babae. Taas kilay naman na tiningnan ni Mrs. Jimenez mula ulo hanggang paa ang matabang babae. Makikita sa mukha ng ginang na hindi nito nagustuhan ang pang-aabala ng dalaga sa maganda nilang usapan.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Hilton ng makita ang hitsura ng kanyang anak at hindi iyon nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Mr. Cedric Hilton. Pumihit siya paharap sa kanyang likuran upang malaman niya kung ano ang tinitingnan ng kanyang mga kasama.
“Daddy!” Masayang tawag ni Summer sa kanyang Ama na siyang ikinakunot ng noo ni Mr. Hilton. “D-Daddy?” Halos sabay na bigkas ni Mr. and Mrs. Jimenez maging ang kanilang anak na si Lorenzo ay hindi makapaniwala sa itsura ng unica hija ni Mr. Hilton. Dahil napakalayo ng itsura ng dalaga mula sa larawan nito.
“S-Summer?” Hindi makapaniwala na sambit ni Mr. Hilton, kahit na iba ang itsura ng kanyang anak ay hindi maikakaila ang pagiging mag-ama nila dahil sa asul nilang mga mata.