Alas kwatro ng hapon at kasalukuyan kaming lulan ng isang black mercedes benz at tinutumbok ang daan patungo sa Villa ng mga Zimmer. Ngayong araw ay nakatakda ang paghaharap namin ng mga magulang ng aking asawa. Imbes na kabahan ay wala akong pakialam sa aking paligid habang patuloy lang na lumalamon. Hindi na halos maipinta ang mukha ng asawa ko, nakingiwi pa ang mukha nito habang pasimple itong sumusulyap sa akin. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na nakapag-asawa siya ng isang katulad ko. “Ehem, saan mo ba nilalagay ang mga kinakain mo at wala kang tigil sa kangunguya?” Hindi nakatiis na tanong niya sa akin, “tubig.” Walang gana kong utos sa kanya habang inaayos ang mga pinagkainan ko. Ni hindi ko binigyang pansin ang tanong niya sa akin. “Excuse me?” Napipikon