“Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang inis, akala ko pa naman ay may magandang mangyayari sa pagsama ko dito sa trabaho ng aking asawa. Mukhang masusukat ang haba ng pasensya ko dito. Halos isang oras na ako sa loob ng sasakyan at talagang nababagot na ako. Ang magaling na lalaki ay iniwan akong mag-isa dito habang nag sho-shooting sila sa labas. Ang bilin niya sa akin ay huwag lalabas ng sasakyan pero mukhang hindi ko masusunod ang nais nito. Dahil hindi ko na kaya pang tumagal kahit isang minuto sa loob ng sasakyan. Para na ngang sinisilihan ang pwet ko. Pagbukas ko sa pintuan ng sasakyan ay napalingon sa akin ang ilang mga staff na hindi magkandatuto sa kanilang mga ginagawa. Walang pakialam na isinarado ko muli ang pintuan ng kotse saka inilibot ang aking paningin