Chapter 1 " THE VISITOR "

1837 Words
April 14, 2023 - 2 minutes before 11 o'clock in the evening, kasalukuyan ng isinasara na ni Ms. Lala Morales ang opisina at tanggapan ng SJS CDG BUILDING na pagaari ng famous detective ng Makati City ng may hindi inaasahan na isang panauhin na dumating at hinahabol ang paghinga na nagsabi na gusto niyang makausap si detective Leumas Nugas. " I'm sorry sir but we are about to close, bumalik na lamang kayo sa susunod na araw " magalang na sabi ng secretary ng detective. " please kahit sandali lang, this is urgent and very important " pakiusap ng lalaki. " do you have an exclusive appointment to detective Leumas Nugas sir? " saglit siyang tinitigan ni Ms. Morales at sa kanyang maikling pagsusuri sa lalaki ay napansin niyang hindi ito basta ordinaryong tao lamang. Nakasuot ito ng formal dress, leather shoes na lubhang makintab na sa tingin niya ay hindi man lamang naalikabukan.Tinernuhan nito ang kanyang suot na dark brown khaki pants ng isang long sleeve na kulay puti na mukha ring mamahalin at nakatuping hanggang siko at kapuna puna din ang maka-agaw pansin niyang Rolex watch na hindi baba ang halaga sa 100k kung hindi siya nagkakamali. May hawak siyang isang attache case at sa estimate ni Ms. Morales ay may taas itong 5feet 10 inches, medyo maputi at nagtataglay ng pambihirang awra. " I don't have any personal appointment Ms... but i beg you it's an urgent matter and i can't afford any delay kahit ilang minuto lang please " pakiusap ng lalaki na noon lamang niya nakita sa unang pagkakataon.Saglit na nag-isip si Ms. Morales at pagkatapos ay muli siyang nagsalita. " Ms.Morales sir...sandali lang po sir at itatanong ko sa butihing detective kung nais pa nitong tumanggap ng panauhin sa mga ganitong oras " nagpasalamat naman ang lalaki, hindi na muna siya pinapasok ni Ms. Morales sa may reception, isinara nito ang glass panel door at nanatiling nakatayo doon ang panauhin. Mga ilang sandali pa ay muling bumalik si Ms. Morales at kinausap ang lalaki. " sir , ipinapatanong po ng butihing detective kung sino po kayo at kung ano po ang inyong mahalagang sadya sa kanya." sa halip na magpakilala ang lalaki ay naglabas ito ng calling card mula sa bulsa ng kanyang suot na long sleeve na sa tingin ng secretary ay nakahanda na iyon bago pa man siya nagpunta doon.She took the calling card and manage to glance at an instant at nakalimbag doon ang pangalan ng lalaki. MR. JAMES PEREZ EXECUTIVE SECRETARY THE STAR GROVE TOWER Ang star grove tower ay isa sa mga leading developer ng mga high rise buildings and condominiums na Hindi lamang matatagpuan sa buong Metro Manila kundi maging sa ibang panig ng bansa particularly Metro Cebu at may branches din sila sa Singapore at karatig na mga bansa sa Asya. " may i know sir kung ano po ang sadya niyo sa butihing detective? " magalang na tanong ng sekretarya. " This is a confidential matter Ms... let's say I'm a client that needs an urgent advice and I'm hoping that you will consider my reason of being here right now. " na sense ni Ms. Morales ang flactuations ng kanyang boses na wari ay tensionado ito at medyo naiirita marahil sa dami ng kanyang hinihingi na explanations sa kanya.Sa wakas ay pinapasok niya ang lalaki at pinaupo sa isang silya sa may reception area. " wait a second sir at ipapaalam ko sa butihing detective ang ating pinag usapan " muling tumalikod si Ms. Morales at sinundan lamang siya ng tingin ni Mr. James Perez, at sa matahimik na opisina ay dinig na dinig pa nito ang lagatok ng 2 inches stilleto footwear ng magandang sekretarya. Pagbalik ni Ms. Morales ay sinabihan niya si Mr. James Perez na sumunod sa kanya. Dinala siya nito sa isang hindi gaanong maluwang na kuwarto na may isang lamesa at dalawang upuan, iniwan siya doon ng secretary. Hindi maiwasan ni Mr. James Perez na suriin ang lugar na pinagdalhan sa kanya at may pakiwari siya na Hindi iyon ang mismong opisina ng butihing detective dahil lubha itong maliit at napaka simple.Nasa gayon siyang pagninilay nilay ng bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang taong kanyang sinadya.Napatayo ito bilang pagbibigay galang sa butihing detective. " oh good evening Mr. James Perez, please have a seat " nakangiting sabi ng detective. " oh God thanks for accepting my urgent request sir I badly need your advice " walang paligoy ligoy na sabi ni Mr. James Perez.Hindi muna nagbigay ng kumento ang detective at pinatapos muna niyang pakinggan ang iba pa nitong sasabihin. " I'm so sorry sir Nugas kung lubhang nagambala ko kayo sa inyong pamamahinga " dagdag nitong pahayag. " it's okey Mr. Perez anyway ano ang importanteng bagay na sinasabi mo na siyang nais mong idulog sa akin? " hindi naman nag aksaya si Mr. James Perez na ipaliwanag sa detective ang kanyang sadya dito. " nais ko po sanang Kunin ang inyong serbisyo sir Nugas " agad na saad ni Mr. Perez. " what kind of service ang sinasabi mo Mr. Perez please paki elaborate " tugon ng detective. " dalawang dahilan po ang ipinunta ko rito sir Nugas,UNA ay nais kong idulog sa inyo ang isa sa aking malubhang suliranin, dahil nitong mga nakakaraang araw ay madalas akong makatanggap ng sulat na sa wari ko ay pinagbabantaan ang aking buhay " ma emosyonal na pahayag ni Mr. Perez. " maaari mo bang ikuwento sa akin ang sinasabi mong pagbabanta sa iyong buhay Mr. Perez ? " sinimulan niyang isalaysay ang lahat ng kaganapan at tahimik lamang na nakinig si detective Leumas Nugas. " nagsimula po akong makatanggap ng pagbabanta sa aking buhay noon lamang nakaraang Linggo. Bale pangatlong pagkakataon na akong nakakarecieve ng death threat at ang pinaka huli ay kaninang umaga lang kaya nakapag desisyon akong hindi ito dapat ipagwalang bahala sir Nugas at kayo Po ang unang unang pumasok sa isip ko na makakatulong sa akin ng malaki. mahabang paliwanag ni Mr. James Perez. " Maaari ko bang makita ang mga sulat na sinasabi mo Mr. Perez? " kaagad namang tumalima si Mr. Perez at dali dali niyang binuksan ang dala niyang attache case at buhat doon ay kinuha niya ang isang envelope at iniabot iyon sa detective.Sa loob ng malaking envelope ay tatlong magkakaparehong uri ng ordinaryong greetings card na ipinadala pa thru LBC. Isa isang binuksan ng detective ang tatlong unsealed envelope at siniyasat nito ang pahatid na mensahe.Sa unang envelope ay naglalaman ng ganitong mensahe: 'NALALAPIT NA ANG ARAW MO MR. PEREZ... KAUNTING PANAHON NA LAMANG ANG NALALABI SAYO... NAKAHANDA NA ANG PINTUAN NG IMPIYERNONG PAGDADALHAN SAYO HA HA HA !!! " sa kanang bahagi ng card ay naroon ang isang cut out caption na idinikit buhat sa Hindi matiyak na lumang diyaryo may naka drawing doon na caricature na tinutusok ni Satanas ang isang lalaking nakahiga sa ibabaw ng gabundok na pera.Sa pangalawang card naman ay may nakasulat na ganito: ' ILANG HAKBANG NA LAMANG MR. PEREZ AY DADALHIN KANA NG SARILI MONG MGA PAA SA KUMUNOY NG WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN... HINDI MAGTATAGAL AY LALAMUNIN NG NAGLILIYAB NA APOY ANG IYONG KATAWANG LUPA AT ANG IYONG KALULUWA AY PASASA-IMPIYERNO MAGPAKAILAN-KAILANMAN HA HA HA!!!" sa kanang bahagi ng card ay naroon muli ang isa pang caricature na nakaapak ang isang paa ni kamatayan sa bungo ng isang kalansay.At sa pangatlong envelope ay naka sulat naman ang ganito: " NGAYON NA ANG ARAW NG PAGSUNDO SAYO... " sa kanang bahagi ng card ay walang nakalagay doon na caricature ngunit may sulat kamay na nakalimbag doon, nakasulat doon ang isang animoy lapida ni Mr. James Perez. Habang tinitignan iyon ng detective ay hindi niya maiwasan ang mag insinuate ng mga bagay bagay, sa unang tingin ay akalain mong isa lamang itong PRANK ng isang taong walang magawa sa buhay.Pero Hindi niya masisisi si Mr. James Perez na Hindi mabahala sa ganoong uri ng pagbibiro. Nang mag angat ng ulo si detective Nugas ay napatitig siya kay Mr. Perez at naramdaman ng detective ang tila bagay na Hindi niya maipaliwanag na nagpasikdo ng kanyang dibdib hindi niya mawari kung para saan iyon ngunit isa lang ang natitiyak niya, na ang idinudulog ng kanyang panauhin ay may kaakibat na pangyayari, somewhat evil at ngayon pa lamang ay tila kinikilabutan siya sa mga susunod pang mga araw. "may pinagsususpetsahan ka ba kung sino ang nasa likod nito Mr. Perez? " walang pagaalinlangang sinagot iyon ni Mr. Perez. " please go on Mr. Perez at makikinig Ako " Saad ng detective.Muling naglabas ng isa pang sobre si Mr. James Perez buhat sa kanyang dalang attache case at ibinigay niya ito sa detective. Binuksan iyon ng detective at inilabas ang laman nito na isang larawan ng isang napakagandang babae. " She is my wife sir Nugas, her name is VERONICA and I'm 99 percent sure na siya ang nasa likod ng mga pananakot sa akin, I hate her, I really really hate her!!! " bulalas ni Mr. Perez.Pinagmasdan muli ni detective Nugas ang larawan ni Veronica, isang kaakit akit na nilalang na kahit sinong lalaki ay hahangarin siyang makita siya ng personal, she looks hot and gorgeous sa kanyang suot na damit, naka two piece ito na nakapameywang at nakasumbrero ng malaki hawak ng kanyang kamay ang kanyang sunglass. Kuha iyon sa isang beach na hindi matukoy kung saan 'who would have thought that this very beautiful lady was hated by his husband ' naisaloob ng detective. " may i know kung bakit siya ang pinaghihilaan mo Mr. Perez any significant reason? " gustong makatiyak ng detective. " she cheated me detective, may kalaguyo siya at batid kong sa una palang ay pera lang ang habol niya sa akin, and now she's planning to get away with that man, at isa lang ang tanging paraan...to scare me to death... dahil alam niyang may sakit ako sa puso and I'm having a very weak heart...she wanted me dead sir Nugas in a different way without laying her hand to me and I really hate her for that! " nangilid ang luha sa mga mata ni Mr. James Perez, at sino naman siya para hindi mahabag sa isang kapwa niya lalaki na umiiyak sa harap niya at nagsusumamo para humingi ng tulong. " Anong tulong ang magagawa ko para sayo Mr. Perez? " tanong ng detective. " I want to put her in jail sir Nugas, but in order for me to do that I want you to gather some evidences to prove her involvement sa patuloy na pagbabanta sa buhay ko at maging sa pagtataksil niya sa akin". naniningkit ang mga mata ni Mr. James Perez at banaag ng detective ang tila nagaapoy nitong Galit sa kanyang asawang si VERONICA. Minsan pang tinitigan ni detective Nugas ang larawan ng kanyang asawa at sa aminin man niya o hindi ay isa siya sa naghahangad ngayon na makita siya ng personal isang babaeng pinagkalooban ng mala Diyosang kagandahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD