Chapter 20 " THE PARCEL "

1575 Words
Nakaugalian na ni Veronica na maligo muna bago siya matulog and it's a part of her routine ang beauty regiment ang magbabad sa full size luxurious bath tub na yari sa kulay purplish blue marble na nagbuhat pa sa romblon.It takes half an hour na nakalubog ang kanyang katawan sa tubig na hinaluan niya ng isang hydrating soft skin milk bath with rose petals.Habang siya ay nakababad sa tubig ay hindi niya maiwasang maipikit ang kanyang mga mata at sandaling naglakbay ang kanyang diwa pabalik sa nakaraan kung kailan sila unang magkakilala ni James. Nagsimula ang kanilang pagkikita sa isang arts gallery na matatagpuan sa isang sikat na mall sa Makati City na pinangalang ARTS HAVEN. Nakatitig si Veronica sa isang obra maestra ng hindi gasinong popular na artist na nagngangalang JAZZYJAM. Ang painting ay pinaghalong acrylic paint at mga pinatuyong dahon ng iba't ibang uri ng halaman. Kung titingnan sa malayo ang painting ay para itong isang uri ng malaking mata ng babae na parang nakapikit at para ding naka mulat depende iyon sa tumitingin which makes Veronica to wonder. Pero ng lapitan niya ito ay isa pala itong larawan ng isang babaeng buntis na animoy matiyagang hinihintay na mai-silang ang sanggol sa kanyang sinapupunan.Na amaze siya sa ganda ng pagkaka execute ng painting and it is actually an abstract painting at naipasya ni Veronica na bilhin ang painting na iyon. " do you like the painting Ms.? tinig iyon ng isang lalaki na nagmumula sa kanyang likuran. Pero hindi tuminag si Veronica para lingunin ang lalaki at ipinagpatuloy lang nito ang pag scrutinize sa painting. " you better not to expect much of that painting my dear, because that painting was already reserved for an important customer which happened to be a friend of mine " doon na hinarap ni Veronica ang lalaki at pagharap nito sa may ari ng tinig ay nakangiti ito sa kanya habang iniaabot nito ang kanyang kamay. " By the way ako nga pala si James Perez " pero hindi siya pinansin ni Veronica at hindi rin tinugon ang pakikipag kamay nito dahil sa hindi niya nagustuhan ang approach ng lalaki sa kanya dahil pakiramdam ni Veronica ay over conceited ito at brusko masyado.Pinanatili ni Veronica Ang paningin sa painting. Pero medyo makulit si James at nagawa parin nitong mangusap sa kabila ng hindi pagpansin sa kanya ni Veronica. " But wait... i can fixed things for you my dear, I mean I can give you that painting for free! all you have to do is to tell me your name and you'll let me invite you to have a dinner with me tonight. " animoy nagbibirong pahayag ni James. " how and why? " tanong sa kanya ni Veronica. " simply because I want it! and as an added info. this man infront of you is the owner of this arts museum and gallery. " pahayag ni James habang itoy nakangiti. " oh so you are the owner of this arts gallery kung kayat magagawa mo ring bawiin sa isang customer ang painting kahit pa kasasabi mo lang sa akin kanina na itoy nakalaan na sa kaibigan mo, oh I can't imagine how rude you are Mr. Perez. " seryosong nasabi ni Veronica na tinawanan lang ni James. " well sorry kung nagsinungaling ako sayo kanina but honestly speaking that painting was not sold or reserved for anyone simply because that is one of my top collection na hindi ko ipinagbibili. " paliwanag ni James. " but you just have told me a while ago that you can be able to give me that painting for free right mr. Perez? " naiiritang sabi ni Veronica. " of course not! as I have said this painting is a top personal favorite of mine and i intend to used it for display only." wari nang aasar namang pahayag ni James habang ito ay nakangiti. " OMG you're so pathetic, hmmpt ang labo mong kausap Mr.Perez,you don't really deserved to be an owner of such kind dahil wala ka ng tinatawag na word of honor. " pagkasabi niya nito ay lumayo siya sa kanya at nagtungo sa mga naguumpukang grupo ng mga spectator sa isa pang obra maestra ng artist na si JAZZYJAM. Nang lingunin ni Veronica ang lalaki ay wala na ito doon kung saan niya ito iniwan kanina at ang mas nakatawag sa kanya ng pansin ay kung bakit wala narin doon ang painting na gusto sana niyang bilhin. Dala ng curiousity ay lumapit siya sa isang guest relation officer na babae at siya ay nagtanong. " ah excuse me Ms. bakit wala na yung painting na nasabit kanina lang sa may tapat ng hagdan I just saw it hanging there a couple of minutes ago but now it's gone " nagtatakang tanong ni Veronica sa babae na May name tag na Hanna Lee. " wait a second mam I'll check it for you " mga ilang sandali lang ay muling bumalik si Hanna Lee pagkatapos niyang i-scan ang kanilang records sa computer. " sold na po pala yun mam kahapon pa at kanina lang po kinuha ng nakabili " magalang na sabi ng babae. " ah ganun ba,puwede ko bang malaman kung sino ang nakabili ng painting miss? " pakisuyo ni Veronica sa nakangiting babae. " a certain James Perez po ang naka register sa aming record sa may computer mam." sagot ng babae. " what? diba siya ang may ari ng gallery tapos siya rin ang bibili? I don't quite get it! " wala sa loob ni Veronica na nasabi ang bagay na iyon sa babae. " excuse me? did i heard it right? actually he's not the owner of this art gallery pero isa po siya sa mga top customer ng ARTS HAVEN na madalas bumili ng aming paintings usually he makes the purchase thru online at pagkatapos ay saka niya ito kukunin dito ng personal." mahabang paliwanag ng babae. " ang real owner naman po ng arts gallery na ito ay si Mrs.Rowena Tamesa and base sa mga naririnig ko ay pamangkin niyang buo ang isa sa mga top producer ng painting na nagngangalang JAZZYJAM na siya ring best sellers this month " masayang ibinabalita iyon ni miss Hanna Lee, subalit hindi na iyon pinakinggan ni Veronica dahil nakakaramdam na ito ng pagka irita sa kausap niyang lalaki kanina na nagngangalang James Perez.Matapos niyang magpasalamat sa babae ay dali dali siyang lumabas ng gusali at nagtungo sa isang elevator upang pumunta sa basement kung saan naka park ang kanyang kotse.Pagbaba niya sa may basement ay tila parang sinasadya naman na naroon din si James na kasalukuyang inaayos ang kanyang mga pinamili na katabi mismo ng kanyang kotse. " hoy ikaw! pinagmukha mo akong tanga kanina you're so rude alam mo ba? " naiiritang pahayag ni Veronica habang ito'y nakapamewang sa harap niya. " well sorry for being rude miss,but i just wanna make your day so that you may not be so upset.Ginawa ko lang yun sa kagustuhan kong makilala ka.Anyway let me apologized sa nagawa ko sayo kanina at para maniwala ka na seryoso na ako this time ay gusto kong tanggapin mo ang painting as a peace offering ko sayo and if you don't mind,i want to invite you for a dinner tonight,gusto ko sanang makilala ka ng lubusan." Doon lamang niya napansin ang nakatagong assets ni James ng muli itong ngumiti sa kanya at lumitaw ang maliliit na dimples sa magkabilang gilid ng kanyang mapulang labi na parang kay Mickey Cojuangco na binagayan pa ng kanyang mapuputi at pantay na mga ngipin.Hindi na niya matanggihan ang alok na iyon ni James at makalipas lamang ang isang buwan niyang panliligaw sa kanya ay sinagot na niya ito at wala pa halos isang Linggo ang matuling lumipas ay nag-proposed na ito ng kasal sa kanya na kanya namang tinanggap. Marami sa mga kasamahan niya sa trabaho ang naiingit kay James dahil sa angking kagandahan ni veronica.Binati pa siya ng May ari ng the groved at niregaluhan siya ng dalawang ticket na magagamit nilang mag asawa para sa kanilang honeymoon sa France.Sa opisina ni James ay nakasabit doon ang isang welcome banner na may nakalagay na congratulatory salutations na May nakasulat na: ' Behind the success of a man is a beautiful woman ' doon naputol ang pagbabalik tanaw ni Veronica at minabuti niyang umahon buhat sa may bathtub at matapos niyang mag-shower ng warm water ay binalot niya ang kanyang katawan ng isang bathrobe na regalo sa kanya ni James noong huli niyang kaarawan.Umupo siya sa harap ng malaking salamin at doon ay pinagsawaan niyang pagmasdan ang kanyang napaka gandang mukha habang sinusuklay nito ang kanyang mahaba at makintab na buhok.Saglit siyang natigilan ng buhat sa reflection ng salamin ay mahagip ng kanyang paningin ang parcel na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama na iniabot kanina ni Elena na ibinigay naman ng isang courier galing sa hindi niya nakikilalang sender.Na curious siya kung ano ang laman ng box kaya minabuti niya itong buksan sa tulong ng isang gunting.Mula doon ay tumambad sa kanyang paningin ang isang bagay na ni sa hinagap ay hindi niya inisip na padadalhan siya ng ganoong uri ng parcel. " holy s**t " may kalakasan niyang nasabi at sa sobrang inis niya ay muli niya itong ibinalik sa loob ng kahon at pagkatapos ay saka niya ito itinapon sa may waste basket na nasa loob mismo ng kanyang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD