Chapter 7- The Province.

1073 Words
Alas dies na ng gabi nang umuwi si Cathalea sa kanilang mansion.Sumama pa siya sa mansion ng Stanford bago umuwi. Nagpasya siya na sa kwarto na niya muna siya matutulog. She misses her room so much.Ganito na siguro kapag single,sariling kwarto lamang ang namimiss. Tutal ang sabi ni Levi ay alas dies ng umaga pa raw ang lakad nito bukas,pupunta kasi sila sa probinsya ng Aurora sa pinapatayong commercial building ng mga Stanford. Isang linggo silang mananatili sa probinsya kaya bago pa man umalis ay umuwi na muna siya at kukumustahin ang kanyang kwarto na mahal na mahal niya, next to Levi Nathaniel. Ang parents niya ay nasa abroad. They are on a tour, ganito ang kan'yang mga magulang kapag anibersaryo ng kasal ng mga ito. Umakyat siya papunta sa kanyang kwarto nang makita ang isang pamilyar na anino na papasok sa kwarto ng kanilang maid. "Tsk! F*ck that assh*le!" mura niya at lumapit sa kwarto ni Tanya at inilapit sa pintuan ang kanyang isang taynga. Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa narinig na mga ungol at halinghing sa loob ng kwarto. Mygad! Ilang beses na niyang sinabihan ang katulong nila na mag-ingat sa Kuya niya pero sadyang nahulog pa rin ito sa diskarte ng isang Johnson. Kung alam lang ni Tanya kung gaano ka playboy ang amo nito!Paano ba naman. Ang katulong nila ay mukhang isang among princesa na may lahing banyaga. Tanya is just eighteen at napakabata pa nito para magpaloko sa kuya niya. She can't blame her kung bumigay man ito, she knows her brother well. Dumiretso na lamang siya sa kanyang kwarto. She took a hot shower then humiga na sa kanyang kama na namiss niya ng sobra. Unti unti na siyang nilalamon ng antok nang biglang may notification siyang natanggap sa kanyang sss. It's from Samara. Kinakamusta siya nito at tinatanong kung kailan sila maghahang-out.Nireplayan na lamang niya ang kaibigan na pagbalik na lamang niya galing probinsya. Ibabalik na sana niya anh kanyang cellphone sa bedside table nang bigla itong tumunog. "Hello, Levibaby miss mo na ba ako kaya ka napatawag?" lihim siyang natuwa dahil alas onse na ay tumawag ito sa kanya. Baka naman, napagtanto na nito na inlove rin ito sa kanya. "Nasa'n ka na ba? Wala ka ba'ng balak na magpaalam sa amo mo kapag aalis ka? Ganyan ka ba talaga, Cathalea? Biglang susulpot at biglang mawawala?" sa tono ng pananalita ng binata ay alam niyang inis na inis ito. Nagtataka siya sa biglang mood swings ng binata. Daig pa nito ang dalagang may regla kapag sinusumpong. " Hey, dahan-dahan naman. Nandiyan ang kanang kamay ko, si Brandon. Siya na muna ang papalit sa akin ngayong gabi. Bukas na lang ako babalik para sa tour natin sa province for our honeymoon!" natatawang sambit niya na alam niyang mas dadagdagan ang inis nito sa kanya. " Listen, I don't know that Brandon! And excuse me, walang honeymoon, walang tayo! " " Hmmmp, mas makakapagkatiwalaan mo pa si Brandon kaysa sa akin noh! And teka naman, daig mo pa si John Lloyd Cruz sa linyahan na 'yan! Sorry na, matulog ka na lang. Kung miss mo' ko, nandito lang ako sa mansion, sa loob ng kwarto ko. Just come here, nakatiwangwang ang magkabila kong paa at hita habang inaantay ka. " " Hindi ka talaga makausap ng matino. " anito. " Hoy, seryoso ako ha! Ikaw la'g naman ang hindi seryoso sa akin! " " Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng kulang na lang ay manligaw sa lalake. " " Oh sige, bukas na bukas rin eh pakipot na'ko, promise baby! " " Ewan ko sa'yo! Basta bukas maaga ka! " " Yes, basta't ikaw. I love you. " aniya rito ngunit wala na siyang narinig na sagot mula sa binata dail binabaan na siya nito ng tawag. Pangiti-ngiti pa siya na parang baliw habang ninanamnam ang boses nito. Hinawakan niya ang kanyang mga labi nang maalala ang halik nito. Gosh, hindi talaga siya marunong dahil first kiss niya iyon.Ganu'n pala ang lips to lips, tila nawawalan ka sa katinuan. Pinisil rin niya ang kanyang dibdib kung sa'n hinimas ni Levi. Sobrang straight forward ng bunganga niya pero napakainosente niya sa mga ganitong bagay! Literal na isa siyang badass virgin. Wala naman siyang ibang mahihiling pa kundi ang makadama ng kahit na katiting na paghanga mula kay Levi. Sa oras na malalaman niyang may pagtingin rin ito sa kanya kahit na 1% lang ay hindi na siya magdadalawang isip na idaan ito sa dahas. For now, tamang landi portion at pangungulit na muna. ---------- Nakafitted black tights at white fitted spaghetti strap ang suot niya kinabukasan. Nakarugged boots rin siya at nakatali ang kanyang brown leather jacket sa beywang niya na kakulay ng boots niya. Naka-braid rin ang mahaba niyang buhok. Kitang kita niya ang paglunok ng mga kasamahan niyang escorts ni Levi na puro lalake. Can she blame them? Of course, sino ang hindi hahanga sa kurba ng katawan niya na lumitaw dahil sa fitted outfit niya. Her boobs is almost perfect. Pagkatapos niyang magbriefing sa mga kasamahan ay pumasok na siya sa loob ng mansion ng mga Stanford. Naabutan niyang nagkakape si Levi sa dining area habang nagbabasa ng online balita mula sa tablet nito. Nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito nang makita siyang papalapit rito. Kahit na nakakunot ito, may bagay na nakikita niya mula sa mga mata ng binata na hindi niya maipaliwanag. "Relax ka lang, ako lang 'to baby." paalala niya rito na iki' umpas pa ang isang palad niya sa tapat ng mukha nito. Umiling na lamang ang lalake dahil sa kakulitan niya. "So, what's the plan for trip?" tanong niya sa lalake. "As usual, we'll stay there for a week as I'll monitor the construction. Kapag okay na ang lahat, makakabalik na tayo sa Manila." "Ahhh sige, ganu'n kasimple lang naman pala. Baka pwede naman tayong dalawa na lang ang pupunta sa Province." aniya rito. " 'Ayan ka na naman!" banta nito sa kanya. "Okay, kung ayaw mo edi huwag." Umuulan habang bumibiyahe sila patungo sa probinsya. Nang buksan nila ang car stereo ay may papasok na bagyo pala. Tumiming talaga ang bagyo sa biyahe nila. Si Trixie pala ay bumalik na sa ibang bansa. Pero after a year, alam niyang babalik ang babae para sa kasalan nila ni Levi. Hindi naman siya nag-aalala tungkol sa bagay na 'yon dahil alam niyang makukuha niya si Stanford.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD