CHAPTER 1
=DISCLAIMER=
©2021 The Billionaire’s Code 1: CEO’S PROPERTY written by JL Dane
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
TIIM ang bagang ni Spencer habang madilim ang mga matang nakatutok ang tingin sa dalawang magkatabing nakahiga sa kama. Ang isa ay ang kanyang long time girlfriend or almost five years na binalak niyang pakasalan na sana. Magpo-propose na nga sana siya ngayong araw at balak niya itong surpresahin ngunit siya ang nasurpresa.
Kuyom ang dalawa niyang mga palad at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Umaapaw ang dugo sa kanyang katawan dahil sa galit, naglalabasan na rin ang mga ugat sa kanyang braso mula sa pagpipigil na lapitan ang dalawa.
“S-Spencer…” Kung hindi lamang nagmulat ng mga mata ang kanyang nobyang si Andrea Alfonce ay baka sinakal na niya ito habang natutulog. “S-Spencer, magpapaliwanag ako,” nanginginig na sabi nito na nanlalaki rin ang mga mata mula sa nangyaring akto.
“PALIWANAG!” Halos magiba ang kabahayan sa pagdagundong ng kanyang tinig. “Anong kasinungalingan ang sasabihin mo ngayong huli ka na sa akto na kasiping ang kuya ko. My god, Andrea! Of all men, bakit kuya ko pa!” Nakatayo pa rin siya sa harapan ng kama at kausap ang nobya na ngayon ay nakatapis ng kumot.
Dahil sa lakas ng kanyang boses ay nagising na ang mga tao sa loob ng bahay na iyon. Unang dumating ang kanyang ina.
“Ano bang ingay—ANDREA?” Gulat na gulat din ang kanyang ina nang makita ang dalawa.
Nagkukusot naman ng mga mata si Steven, ang kanyang kuya habang inaabot ang salamin sa mata. “Mom, Dad?”
Naroon na rin ang kanyang ama.
“What the hell you did, Steven? Bakit magkatabi kayong natulog ni Andrea?” tanong ng kanilang ama.
Nagkibit ng balikat si Steven na parang walang pakialam sa nangyayari. “I don’t know. Nagising na nga lang akong… Fvck! May nangyari sa amin kagabi?”
Hindi na napigilan ni Spencer ang galit. Sinugod niya si Steven at inambahan ng suntok. “Hayop ka! Kuya kita pero ginago mo ako! Napakaraming babae, si Andrea pa ang napili mong ahasin!”
“Tama na iyan! I said enough!”
Si Andrea naman ay wala na ring nagawa kung hindi ang umiyak.
“Let’s close this issue. Steven, you need to marry Andrea for the sake of the family’s name. Ayaw kong malagay sa pangalan ang pamilyang ito.” Ferdinand is a well known judge. Kaya ayaw nitong nalalagay sa alanganin ang kapakanan at pangalan ng pamilya.
“But dad, Andrea is my girlfriend,” tutol ni Spencer na namumula na ngayon sa galit.
“Girlfriend or not, they should obey me. Nabahiran na ni Steven si Andrea. Ginalaw niya ang girlfriend mo. At malaking kahihiyan ito sa pamilya kapag kumalat ang eskandalong ito.”
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Spencer ang patagong pagngisi ng kapatid na halatang sinadya o plinano nito ang lahat.
“Wala naman talaga akong boses sa pamilyang ito. Kung ito ang gusto ninyo, fine! Lalayas na ako sa bahay na ito!”
“Spencer, saan ka pupunta? Anak!” Hindi na nagawang pigilin pa ni Nerissa si Spencer na lumabas ng kwarto.
Hindi na kinaya ni Spencer ang lahat. Ginawa naman niya ang lahat ng gusto ng kanyang ama ngunit parang ang palaging paborito lamang ay ang kanyang kuya na wala namang ginawa kung hindi ang magbigay ng sakit ng ulo.
Mabuti na lamang at twenty-four na siya na kaya na niyang magdesisyon sa kanyang sarili. Kung hindi nga lamang dahil sa ina ay nais na sana niyang humiwalay ng tirahan. He already had a job, done with his studies, kakayanin na niyang magsarili.
Hinagis lang ni Spencer ang singsing sa kalsada nang makalayo na siya sa bahay ng mga Falcon. Kahit ang kanyang ina ay hindi na siya nagawa pang pigilan. Nang ihinto niya ang sasakyan sa tabi ay malakas na hinampas niya ang manibela.
Pulang-pula ang kanyang mukha sa galit. Naiinis siya sa ginawa ni Andrea na hindi na niya hinintay ang paliwanag. Kung talagang mas mahal ni Andrea ang kanyang kuya ay matatanggap naman niya kung makikipaghiwalay ito nang maayos sa kanya. Hindi iyong iiputan siya sa ulo.
“Napakalaki kong t*nga! Fvck! Bakit ko ba pinaniwalaan na magiging loyal ka sa akin!”
Spencer made his decision not to return on that house again. Nagbitiw na rin siya sa kanyang current job kung saan ay siya ang kasalukuyang engineer. May tinapusan naman siya at tiyak niya sa sariling kaya niyang muling umahon at mamuhay nang mag-isa.
Napakarami pa namang niyang pangarap kasama si Andrea. They even plan to get married and soon have a child but that dreams scattered. Ngayon ay naramdaman na niya kung gaano kasakit ang lokohin at pagtaksilan. Ganito pala ang nararamdaman ng mga babae ngunit doble ang sakit niyon sa kanya. Hindi lang ego ang tinamaan sa kanya. Pakiramdam niya ay nawala ang kanyang pagiging lalaki na parang hindi niya kayang maging lalaki para kay Andrea.
Malinaw naman ang lahat. Dahil kung walang gusto si Andrea sa kuya niya ay tumutol na sana ito ngunit sa nakita niya ay balewala lamang kung magpakasal ito. Napakaswerteng babae at dalawang magkapatid ang tinuhog. Baka nga mas magaling sa kama ang kanyang kuya at napaligaya ito nang husto.
NAGULAT si Patrick nang ibato Spencer ang baso ng alak. Mabuti na lamang at hindi sa direksyon nito.
Wala ng ibang mapuntahan si Spencer, mabuti nga at nagmagandang loob si Patrick na patuluyin siya habang ang mga magulang ay may inaasikasong business sa ibang bansa.
“Kahit naman ako ay magagalit din. But you have to be strong. Babae lang iyan, Spens.”
It’s not just a woman, for Pete’s sake! Nobya niya ang nakipagrelasyon sa iba. Kung hindi nga lang niya mahal si Andrea ay wala lang iyon sa kanya.
Kilala siya ni Patrick, kapag nagmahal siya ay buhos at wala sa dictionary niya ang maglaro sa damamin ng babae. Ang kuya Steven lang niya iyon na trip ang maging playboy. Kababata niya ang pinsang ito at lahat ay halos sinasabi niya rito. Mas malapit ito sa kanya kaysa sa kuya niyang extrovert.
“I can’t believe he’s this selfish. Hindi ko akalaing hindi lang laruan ang kaya niyang agawin.”
“Well, you didn’t know your brother yet. Akalain mong bantay-salakay.”
“Fvck him! He ruined my life. Inagaw na niya ang simpatya nina mom and dad and now my girlfriend? He has everything, bakit nobya ko pa?”
Tumabi sa kanya si Patrick habang nakaupo siya sa sahig at nakaharap sa pader. Nakakalat ang mga basyo ng bote ng alak habang ang isang kamay naman niya ay hawak ang boteng nangangalahati ang laman.
“Baka hindi talaga para sa iyo si Andrea.”
“I don’t know Patrick. I don’t know what else should I believe.”
“Naiintindihan kita, not because I experienced the same, but I understand that you went through a lot.”
“Thank you for letting me stay here just for a day. Bukas ay maghahanap na ako ng lilipatan. Ayaw kong puntahan ka ni dad or ni mom at mapahamak ka pa.”
“What is your plan afterward?”
Plano? Hindi na niya alam ang salitang iyon? Lugmok siya sa kasimireblehan. Kulang na nga lang ay magpakamat*y na lang siya dahil sa nangyari. Mahal niyang tunay si Andrea at hindi niya kayang mawala ito sa kanya pero pagkatapos ng lahat ay tila kandilang naupos ang kanyang mga pangarap na hindi na niya alam kung saan mag-uumpisa.
Nagkibit lang ng balikat si Spencer. Bahala na siguro.
Naghanap si Spencer ng upahang bahay, studio type. Hindi sapat ang savings niya para makabili ng sariling bahay at lupa. Isa pa ay ilalaan sana niya iyon para sa kasal nilang dalawa ni Andrea. Ang sasakyang mayroon siya na pahirapan para makuha niya sa kanyang ama ay binabalak niyang ibenta na lamang. Pinagsikapan niyang makuha ang sasakyang iyon. Straight A plus sa kanyang grades ang ginawa niya para lang makuha ang gantimpalang sasakyan.
Samantalang kay Steven ay kahit hindi nito hingiin ay kusang ibinibigay. Alam naman ni Spencer na si Steven ang paborito ng kanyang ama kaya nga kahit mababang posisyon ay tinanggap niya kahit alam niyang para iyon dapat kay Steven. Steven had the good position while he has none and everything need to work hard just to achieve it.
Wala na rin siyang dahilan para bumalik sa bahay na iyon dahil kailanman ay wala siyang makukuhang simpatya sa ama. Hindi naman sana pagpapakasal sa kanyang kapatid ang dapat na solusyon. But his father made enough to make him suffer more.
Napapreno nang mariin si Spencer nang may babaeng biglang tumawid kahit tapos na ang stoplight. Hindi tuloy niya alam kung masyadong mahaba ang kanyang malalim na pag-iisip.
“Hoy! Bumaba ka nga riyan! Marunong ka bang magmaneho?”
Ibinaba ni Spencer ang bintana ng sasakyan. “I’m sorry, I am wasted and space out.”
“Sorry mong mukha mo! Paano kung nasagasaan mo ako?”
Sa tinis ng boses nito ay halatang taklesa ito o bungangera.
“I said sorry, I am in a hurry. If you are one of asking for money. Well, sorry Miss, wala akong pera ngayon.”
“Marunong ka naman palang mag-tagalog, may pa-ingles-ingles ka pa.”
“Nag-sorry na nga ako, ano pa ba ang gusto mo?”
“Sorry? Natapon ang mga gulay at isda kong dadahin sa palengke, sorry lang ang magagawa mo?”
Huminga nang malalim si Spencer na parang nasagad na nito ang inis niya at pilit niyang pinakakalma ang sarili. “Fine, ganito na lang. Ihahatid na lang kita kapalit nang kamuntik kong pagsagasa sa iyo.”
Nag-isip muna ito kung papayag ba o hindi. “Fine!”
Ngunit bago pumasok ay pinulot muna nito ang mga nalaglag na mga gulay at ilang nahulog na isda mula sa dala nitong tumapong balde.
Dismayadong mukha ni Spencer ang bumungad sa babae dahil sa amoy ng malansang isda sa loob ng sasakyan.
“Ito ang isda at gulay na natapon sa kalsada, bilhin mo na lang para amanos na tayo,” mariing sabi ng babae sa kanya sabay abot ng plastic.
Spencer creased his face upon smelling the plastic the woman is handling to him.
Napabuntong hininga na lamang si Spencer na hindi alam kung anong gagawin sa naka-plastic na isda at gulay matapos matanggap iyon. Hindi naman kasi siya marunong magluto. Baka itapon na lamang niya iyon pagkatapos mabayaran. Problema na nga na nabawasan siya ng pera, problema pa na mabaho na ang loob ng sasakyan dahil sa babae.