IRENE Pinilit kong buksan ang mga pinto ng sasakyan. Nagwawala na talaga ako. Ayaw ko na. Ito pala? Ito na pala ang kahihinatnan ng buhay ko? Gosh! This is not worth it. Ganun-ganoon nalang? Dahil nabisto sila ay ididispatsa na nila ako? f**k! Ganoon ka kadali? Did I work hard for nothing? Sana na lang ay sa simula palang. Noong tinanggap ko na sa sarili kong mamatay na ako. Pero hindi nila ginawa. Binuhay pa rin nila ako ng matagal. Ngayong may rason na akong mabuhay ay papatayin na nila ako? What the f*****g hell? Where's the mercy there!? Ito ba ang gusto ng sinasabi nila Diyos? Wow! This is some kind of prolonging the agony. And now, I'm just a f*****g trash who needs to be disposed. "HOY! Tumigil ka diyan!" Sigaw ni Jo sa harapan. Napahiga na ako sa upuan at sinisipa ang salamin