IRENE "Mabuti nalang talaga bago ka inuwi dito ay naexamine ka na." Sabi ni Bam. "Nasa'n si Dane?" Tanong ko. I don't trust anyone except Dane. Alam 'yon ng mga kaibigan ko at naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Alam na nila na nag-iba na ang lahat simula no'ng nawala ako sa bahay na 'to. "Parating na 'yon." Ngumiti ng mapakla si Bam. "I guess, siya talaga ang gusto mong makasama huh?" Hindi ko na siya pinansin, inabot ko ang bag ko. I don't need f*****g dramas today, I need to go. I'm f*****g busy! Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Habang nagtatagal ako sa bahay na 'to ay mas lalo akong nahihirapang huminga. They always insist that they are sorry. It was their fault. They want my forgiveness. Tss. "Gusto mong samahan kita sa NBI?" Tanong ni Ate Christine. Nilagpasan ko lan