IRENE Palala ng palala ang pinaggagawa nila sa akin. Minsan ay nahihilo na ako dahil hindi nila ako pinapakain. Minsan naaalala nilang kailangan nila akong pakainin minsan hindi. Para akong laruan na binibihisan minsan hindi, madalas pinaglalaruan. Wala ng silbi ang buhay ko. Matagal ko na itong tanggap. Simula ng kinuha nila ang isa sa pinakamahalaga sa akin ay patay na ako ngayon. Kulang nalang maging literal. I declared myself dead. I know, I will suffer more, hindi lang double dead kung quotang-quota ng kamatayan. Nasa malambot ako na bagay at nakapiring parin ang mata, mahigpit na nakatikom ang bibig gamit ang masking tape at nakagapos parin sa kamay at paa. Walang kalayaan na naghihintay. "Ganda niyan, Pare." sabi ng matandang boses. "Oo. Sabi dito pwede kang umorder. Gusto bago