"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ma! Wala pa si Irene hanggang ngayon!" Sigaw ni Christine. "We. Are. Doing. Our. Best." Mariing sagot ng kaniyang ina. Lahat sila ay nag-aalala sa kalagayan ngayon ni Irene. Ni hindi nila alam kung buhay pa o patay ito. Iniisip nalang nila na nasa maayos itong kalagayan at kumakain ng maayos. Minamadali nila ang paghahanap. Alalang-alala din ang mga kaibigan ni Irene. Lalong-lalo na iyong mga nagsabi ng mga masasama sa kaniya noon. "I'm so guilty! I cursed her..." umiiyak na sabi ni Queenly. Natahimik ang iba. Kumpleto sila ulit at nakikipagtulungan sa pamilya ni Irene. Ilang linggo na itong nawawala. Nakakabigla para sa kanila ang pagkawala nito habang papunta ito sa venue ng engagement nila ni Warren. After that weird, shouts and cries of Irene