THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Nagising si Alejandro at mura agad ang lumabas sa bibig. Nilingon niya ang babaeng katabi at mahimbing pa itong natutulog. Anong oras na? Nasaan ang kasama niya? Ang bihag nila nasa kwarto pa kaya? Mabilis itong bumalikwas sa kinahihigaan. Mapapatay siya ng boss kapag nakatakas ito, at malamang hindi pa ito patay at pinag-gagalaw pa nila. Mabilis niyang kinuha ang mga kasuotan niya at bumaba sa groundfloor ng motel. Doon naghihintay ang tulog parin niyang kasama. "Tarantado! Gising!" Pukaw nito sa kasama. "Hoy Alejandro, kagabe pa kita kinakatok sa room ninyo. Nagkagulo dahil ayaw ng babae mong buksan ang pinto!" Sabi ng babaeng manager ng motel. Nagtaka ang lalaki, siguro ay nawala ang wisyo niya sa mundo at nilantakan niya na ang babaeng nakahain para