Irene Ang akala ko, nasa labas lang ng syudad ang bodega pinagtataguan sa akin. Naaalala ko pa noong pinipilit kong kumakawala sa kanila, ay papalabas kami ng syudad. Iyon pala, paglabas mo sa bodegang ito, isang komunidad ng mga informal settlers ang makikita mo. Hindi nila pansin na labas masok kami sa bodega. Hindi nila alam na sa loob ng bodegang ito, may katulad ko na naghihirap. Naghihinagpis. Pilit na tumatakas. Hindi ko rin alam kung gising na ba si Vios, kailangan na niyang isagawa ang plano namin. "Mukhang mayaman 'yong kliyente mo kagabi huh?" Pag-uusisa ni Jo. "Pakialam ko." Sagot ko lang. Tingin ko siya ang na-check ng CCTV, hindi ko alam kung ano ang kinalabasan don, pero ginawa namin ni Vios lahat para hindi kami mabisto. "Bibili si Alejandro ng telebisyon sa susunod.