Hazel’s Pov SABAY kaming kumakain ng pamangkin ko habang ang mga tao dito sa bahay ay tulog na. Nakakainis talaga ‘to si Kane. Ginagawa talaga niya akong baby dahil panay nag lagay niya sa ‘kin ng pagkain sa plato ko. Nahihiya tuloy ako at baka may makakita samin. “Pwede ba, Kane! Kaya ko maglagay ng pagkain ko sa plato.” Saad ko sa mahinang boses. “I know. Alam kong kaya mo maglagay ng pagkain sa plato mo. But, I want to serve you.” Saad ng pamangkin ko sa malambing na boses. Inirapan ko siya para hindi mahalata na kinikilig ako. Pereng tenge telege ‘tong pamangkin ko. “Heh! Kumain ka na nga! Pagkatapos mong kumain ha, umuwi ka na sa bahay niyo at magsasara na ako ng pinto.” Saad ko saka ako sumubo ng pagkain. Gabing gabi na din kasi kaya tulog na talaga ang mga tao. Ang tahimik na