IYA "Nice view," mahinang sambit ko bago humigop ng kape sa tasa ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nagwo-workout sa labas ng bakuran sa katabing bahay. Mahigit isang linggo na rin nang maging kapitbahay ko si Rohan. At sa loob ng mahigit isang linggong iyon, we didn't get a chance to ask each other's name. Kapag naman tumatawag siya sa akin sa telepono ay para lang makiusap na hinaan ko ang pagpapatugtog ng music. He didn't bother to ask my name. And vice versa. Kung hindi ko pa tinanong si Desmond kung sino ang guwapong kapitbahay ko, hindi ko pa malalaman ang pangalan niya. At nalaman ko rin na best friend siya ni Desmond. Kapag naman nakikita ko siyang nakatambay sa The Sweet Cafe at binabati siya, hindi ako pinapansin ng lalaki na para bang hindi niya ako kilala. Gaya noo