bc

Sweet Revenge (Billionaire's Forever Love)

book_age18+
629
FOLLOW
4.2K
READ
fated
sweet
gorgeous
seductive
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na 26 masasabi ni Maia na she's a strong woman. Kinaya niyang mawalay sa magulang dahil na rin sa pagkawasak ng kanyang puso. Ngunit napauwi ng biglaan si Maia Sandoval sa Pilipinas dahil sa maysakit ang kanyang papa. Kailangan niyang magtake over sa kompanya nila. Ayaw man sana niyang bumalik na sa bansa dahil sa mga nangyari sa kanya na nagpabago sa kung sino man siya ngayon.

Worse is kailangan niyang makipag meeting sa kompanya na pagmamay-ari ng ex-boyfriend na si Vince Dela Fuente. The man who breaks her heart into pieces. Si Vince lang ang makakatulong sa kanya sa papalubog na rin nilang kompanya dahil sa sakit ng kanyang papa.

Vincent Dela Fuente 28 taong gulang. A successful businessman at palikero na ding masasabi pero only one woman can make his heart go faster just by merely seeing her smile. Ang babaeng minahal at nagbigay din ng ibayong sakit sa kanyang damdamin ng iwanan siya nito sa hindi niya alam na dahilan.

Nabuhayan ng loob si Vince ng humingi ng tulong ang papa ni Maia sa kanya to save their company. Malalaman na kaya ni Vince ang dahilan ng pag-alis ni Maia at pag-iwan sa kanya? Would Maia beg to Vince para matulungan sila na umangat uli o hahayaan na lang niyang mawala ang kompanyang pinaghirapan ng kanyang papa? Makikipag-ayos siya sa dating kasintahan para matulungan ang kanilang pamilya. Naging maganda naman ang kanilang pagbabalikan at nagkaayos na din sila ngunit isang aksidente ang makapagbabago sa maganda na sanang nilang pagsasama.

Abangan ang kapana-panabik na kwento nila Maia at Vince :)

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Ngayon ang uwi ni Maia sa Pilipinas. Nawindang siya sa balitang nasa ospital ang kanyang papa. Hindi na siya dapat uuwi sa bansa dahil ayaw na niyang bumalik sa lugar kung saan nawasak ang puso niya. But she has no choice dahil sa rin sa kanyang papa na nasa kritikal na kondisyon. Napabuntung hininga na lang si Maia habang paakyat ng eroplano na patungong Pilipinas. Flash Back "Oooppss. Sorry". Saad ni Maia ng may mabangga siya sa hallway ng paaralan nila dahil malelate na siya sa klase niya. Hindi pala siya nakapag alarm kaya ayon sermon ang abot niya sa mama ng magising siya dahil late na nga siya sa klase. "You should watch your way. Bakit ka kasi nagmamadali". Sungit na saad ng nakabangga ni Maia. "Late na kasi ako Mister so I'm sorry" . Saad na lang nito at patakbo ng tinungo ang silid aralan. Nakahinga ng maluwag si Maia at wala pa ang guro nila. "Besh bat ngayon ka lang? Mabuti wala pa ang guro natin". Sambit ni Ara sa kanya ang kanyang best friend. "Oo nga eh. Na late ako ng gising besh. Sandamakmak na sermon ang inabot ko kay mama". "Alam mo ba ang latest?" "Ano naman yun?" Takang tanong niya kay Ara. "May transferre kasi at ngayon ang dating. Magiging kaklase natin". "Talaga? Sino naman yun at mukhang nagpapaganda ang mga kaklase natin". Saad ni Maia na nakikitang nagkukumahog sa pag make-up ang mga kaklase. "Malalaman natin mamaya. Kahit hindi ka naman magpaganda maganda ka naman talaga". "Best friend talaga kita". Pagsang-ayon ni Maia kay Ara. "Syempre naman. Sino pa ba ang magbobolahan kundi tayo lang". Natatawang sagot naman ni Ara sa kanya. "Kainis ka naman besh. Akala ko talaga totoong maganda ako". Sambit na lang ni Maia at nag apply na lang ng press powder at mukha na siyang ewan. Napatingin sila lahat ng may pumasok na grupo ng mga lalaki sa room nila. "Hi ladies. Is this English class for BSBA?" Tanong ng baritonong boses na nagpalingon kay Maia. "Yes handsome". Sagot naman ni Trina na naghawi pa ng buhok nito. Napalaki ang mata ni Maia ng mapagtantong ang lalaking nakabangga pala niya kanina ang nagtatanong. "I'm the new transferee here. Nagpasama lang ako sa mga pinsan ko na nag-aaral din dito". Sabay turo na lang nito sa mga pinsan na umalis na din. Puro matitikas din ang mga pinsan nito pero bukod tanging ang lalaki lang ang nagpalakas ng t***k ng puso ni Maia. "Is this seat taken?", tanong ni Vince sa babaeng nakabangga kanina. Naalala niya ito ng makita niyang parang natulala ito ng makita siya. "Hindi pogi. Umupo ka na para tabi kayo ng magandang kaibigan ko." Si Ara na ang sumagot sa tanong ng kaklase nila. "Ara nga pala. And you are?" "Vince Dela Fuente." Sagot naman nito at nakipagkamay kay Ara. "And you miss beautiful?" Tanong ni Vince sa nakabangga. "Maia Sandoval." "Hi Maia.. Nice name, it suits you." "Sorry nga pala kanina. Nagmamadali lang talaga ako. I woke up late." "It's ok. Medyo nasungitan din kita so pasensya din." "Aheeemmmm. Mukhang out of place na ako ah." Biro naman ni Ara sa kanila. "Ikaw talaga besh." Ngumiti na lang si Maia kay Vince at ngakunwaring may binabasa. "Can I invite you for lunch later?" Tanong ni Vince kay Maia. "Ha?" Kunyaring nabingi si Maia sa tanong ni Vince. "Pwede ka bang maimbitahan kumain ng tanghalian? Ayan tagalog," pabirong sagot naman ni Vince. "Uhmm. Baka kasi sumabay si Ara." "Ano ka ba besh. Kayo na lang dalawa. May gagawin pa ako mamaya." Sagot naman ni Ara na nakikinig pala sa kanila. "Thanks Ara." Kindat naman ni Vince dito na kinakilig naman nito. "Walang anuman pogi. Basta alagaan mo ang kaibigan ko ha. Single naman yan at sana single ka din." "Oo naman. I'm single." Sagot agad ni Vince dito. "Mabuti naman kung ganun. Magkakaroon na ng buhay ang paligid ng aking mahal na kaibigan." "Ikaw talaga. Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo diyan. Baka maniwala naman itong si Vince sayo." "Bakit may boyfriend ka ba besh. Di ba wala naman so pwede ka naman mag-estima ng manliligaw kung sakali." "Ligaw agad." Kiming sagot naman ni Maia. "Doon din naman ang punta nun besh. Di ba Vince." "Opps besh. Tama na yan. Andyan na si Prof. Huwag ka ng sumagot." Pinandilatan na ni Maia si Ara sa kadaldalan nito. Natapos na ang klase nila at natuloy nga ang pagkain nila ng tanghalian ni Vince. Tinutukso pa sila ni Ara ng lumabas sila ng classroom. "Huwag mo ng pansinin ang kaibigan ko at makulit talaga yun." "Ok lang yun. Masaya nga kapag ganun ang kasama mo eh. Hindi boring." "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Vince kay Maia. "Ikaw na ang bahala. Kahit ano naman ang nakahain kakainin ko." Sagot naman ni Ara dito. "Ok. I love sinigang so yun na lang order natin. Ako na bahala sa iba." "Sige. Walang problema." Masayang nagkwentuhan si Maia at Vince na kumain sa canteen ng paaralan. "Bakit nga pala lumipat ka ng school?" Tanong ni Maia kay Vince. "Ah.. Kasi masyadong magulo sa dati kong school." Sagot naman nito. "Magulo? In what sense?" "I want to be honest with you pero sana maintindihan mo." "Ano yun?" Naguguluhang tanong ni Maia. "Kasi madaming humahabol na babae sa dati Kong school. Hindi na ako makapagconcentrate sa pag-aaral ko. I need to finish college para mamahala ng kompanya namin." "I see. Hearthrobe ka pala." "Hindi ko naman sila pinapansin kaso ang kulit talaga eh kaya lumipat na lang ako." "Bakit dito ba, hindi ka hahabulin?" Tanong nito sa binata. "Sana nga hindi na. Kaya nga gusto ko ng may kaibigan agad para alam nilang hindi na ako makikipag-usap sa iba." "Thank you for choosing Philippine Airlines." Napilig ni Maia ang ulo dahil sa alaalang bumalik. Nasa Pilipinas na pala siya. Dalangin niyang huwag ng magkrus ang landas nila ng ex boyfriend niya na yun. Inaantay siya ng driver nila paglabas niya ng Airport. "Manong sa ospital na po tayo." Saad ni Maia dito. "Sige iha. Welcome back." "Salamat po." Sagot ng dalaga sa driver nila bago sumakay ng sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook