Chapter 2- The Saviour

1565 Words
Janelle POV* Mahigit limang oras kaming nagbabyahe at ang masasabi ko lang gutom na ako. Jusko di ko alam ganito pala ka layo ang pupuntahan naming school. Napatingin ako sa binigay na bag ni Keana. Mabuti 20 lang kami at occupied namin ang dalawang chair sa tabi namin kaya doon ko inilagay ang bagahe na bigay ni Keana at pagbukas ko ang daming pagkain! "The best ka talaga bestfriend Keana," mahinang sabi ko at nilantakan ang pagkaing nasa bag. Napatingin ako sa labas ng bintana nakikita ko lamang ang mga malalaking puno yun lang parang forest atah ang pinasukan namin. Pagtingin ko sa harapan nanlaki ang mata ko sa nakita ko ang laki ng gate! Hanggang makapasok na kami sa loob at naka nganga lang ako habang nakatingin sa loob ng school ang ganda ng style pangmayaman talaga. Makikita mo din ang ganda ng mga halaman at bulaklak sa paligid at mayroon ding mga statue na parang totoo na parang gawa sa ginto. "Okey, ihanda niyo na ang mga gamit niyo dahil malapit na tayong bumaba." Sabi nung babaeng nasa harapan namin. Agad ko namang hinanda ang gamit ko at naramdaman naming huminto ang bus at napatingin ako sa gate bumukas ito. Dalawang gate talaga! At pumasok na ang bus namin at napatingin ako sa mataas na daan bago ka pa makaabot sa entrance ng school. Ang laki ng field may park pa at fountain. "Students, we're here. Behave kayo ha." "Opo, maam," sabay naming sabi at pinababa na kami at nakanganga pa din akong nakatingin sa paligid. "Nasa langit ba ako?" Wala sa sariling sabi ko. Bakit pakiramdam ko parang nasa langit na ako? "Young Lady, you're not." Napatingin ako sa nagsalita at nanlalaki ang mata kong nakatingin sa isang Adonis na nakangiti sa akin. Isa din ba siyang Anghel dito? "Woah! Anghel! Nasa langit na nga ako." Namamanghang sabi ko at napatawa naman siya at pinat ako sa ulo. "You know I like you na agad," sabi niya sabay kindat namula naman ang mukha ko sa ginawa niya. Don't tell me nagka-crush agad ako sa Anghel? Pumunta siya sa harapan at nagsalita teka sino ba siya? "Good Afternoon, Newbees. I'm Christopher Sanchez and I'm a teacher. I hope mag enjoy kayo dito. So Welcome here in Claymore University." Nagpalakpakan naman sila at napangiti na lang ako. Napatawa na lang ako sa sarili ko. Di pwede magkagusto sa Guro. Please pigilan mo sarili mo, Janelle. Masasabi mo talaga na pangmayaman ang school na toh dahil sa parang pang Europe style ang University at puro salamin pa. Mukhang gaganahan ako sa pagste-stay dito. Sana ang school ay gaganahan din sa akin para quits kaming dalawa. "So let's go to your dorms." Naglalakad ako habang hinahanap ang dorm ko at nakita ko na pumasok na ang mga kaschoolmate ko sa mga dorms nila. Maganda din naman ang loob parang normal room lang pero mas prefer pa ako nung ganun kesa parehas sa ibang mayayamang students dito na parang mansion na ang dorm. Sanay kaya akong matulog sa gilid lang o sa basement. At sabi ni Sir Chris kanina mababase sa rank mo ang dorm mo. Di ko maintindihan kung ano yung Rank na sinasabi niya. Pero magsisimula daw ang mga newbees sa Rank D. Nandito ako sa harapan ng dorm ko sabi kasi ni Sir Chris na every dorm ay isa isa lang daw ang students. Kaya heto ako lang mag isang nakatayo sa harapan ng dorm ko tiningnan ko ang Dorm number ko. #112317 Diba ang dami ang mga rooms dami din kasi ng mga students dito eh. At di naman kami mamroblema sa pag akyat kasi may elevator naman. Binuksan ko ang dorm ko at nanlalaki ang mga mata ko sa nakita. Wait! Tama naman ang dorm number ko. Kinusot ko ang mga mata ko dahil sa nakita. Pumasok ako bakit ganito? Pang VIP ang dorm ko. Baka na mali lang. Napatingin ako sa telepono sa gilid ng kama kaya agad akong pumunta doon at pasalamat ako may mga numbers dito na tatawagan. Dinial ko na ang Dorm head dito. "Hello, Good Day. This is Dorm Head, may I help you?" "Uhmm... Miss baka nagkamali po ako ng dorm.... sa Room #112317 po. Sino po ang nagmamay ari ng dorm na ito?" tanong ko sa kanya. Baka kasi na mali lang ang bigay ng susi sa akin. Kinabahan ako baka kasi trespassing ako eh. "Titingnan ko po.... Ang nagmamay ari po ng room na yan ay si Miss Janelle Rodriguez po. Kayo naman po yun diba?" Natulala ako sa narinig. "Y-Yes po, teka lang po--" "Miss, sa dean ka na lang magtanong dahil siya naman po ang nag assign sa lahat ng estudyante kung saan sila titira. Dahil siya ang nakakaalam ng lahat." At binaba na niya ang tawag at napaupo ako sa higaan at nilibot ang paningin sa kwarto ko ngayon. Bakit may special treatment ako? Talaga bang Full sun ngayon? Hindi naman gabi ngayon kaya hindi full moon. Pero as in wala akong maintindihan! Nakahiga ako sa higaan habang nakatingin sa dingding. Di ako makatulog kaya napatayo ako at pumunta sa may balcony at tiningnan ang boung university. At ngayon dahil gabi na ay nakikita ko na ang full moon na sinasabi ko kanina. Gusto kong kunan ng litrato ang boung school pero wala naman akong cellphone. Napatingin ako sa isang banda may mga estudyanteng nagtitipon doon. Dahil sa curious ako nagbihis ako ng shorts at black sando at jacket na itim at nag rubber shoes. At tinalian ko ang aking buhok at lumabas ng dorm ko. Naglalakad ako papunta sa elevator at pinindot ko ang pababa hanggang makababa na ako at marami pa ding mga tao na iba iba ang mga kasuotan parang panglaban. Pumasok ako at nanlaki ang mata ko dahil nag aaway ang mga estudyante. "B-bakit sila nag aaway!" sabi ko habang nakatingin sa kanila. May mga dugo na sa katawan nila pero di pa din sila tumitigil. "Ang galing bro, sa pagkaka alam ko Mafia at Assassin ang naglalaban ngayon." "Oo nga. Ang kakalabanin ko din mamaya ay isang yakuza kaya nga naghahanda na ako ngayon." Natigilan ako sa sinabi nila. At napatingin sa paligid. Teka ano ba talaga ang mga estudyante dito? Sino ba sila? Teka akala ko... Agad akong tumakbo palabas ng biglang may humarang sa akin. "Where are you going, Pretty?" Napatingin ako sa tatlong lalaki na nakapalibot sa akin. "H-ha? S-sa CR..." "Samahan ka na namin." "Wag na... teka bitawan niyo nga ako," sigaw ko dahil hinawakan na kasi ako eh. "Sige na. Samahan ka na namin. Alam naman namin kung saan ang banyo." Agad nila akong binuhat papunta sa lugar na wala masyadong tao. "Get off of me! Bitawan niyo ko!" Pilit akong kumakawala pero malakas sila. Ano lang naman ang lakas ko sa lakas nila diba? "Shut up, woman! Don't worry, masarap ang gagawin namin sayo marami kang malalabas kaysa malalabas sa cr." Nagtawanan naman silang tatlo. Gumalaw-galaw naman ako para makatakas sa kanila. "Tulong! Tulong!" sigaw ko at nag isip ako ng paraan para makatakas dito. "Bro, ayos na ang lugar dito walang tao," sabi nung isa at binaba naman ako at yun ang oras para gawin ang plano ko tinuhod ko ang ano niya at tumakbo. "F*ck! Get her!" sigaw nung lalaki at tumakbo ako at nakita ko na sinundan ako ng dalawa. "Waaaa! Tulong!" Mabilis akong tumakbo at nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong may humila sa buhok ko kaya napatumba ako. Bakit ba ako napunta sa ganito. Umiiyak ako nang maramdaman ko ang suntok niya sa tyan ko. "Tatakas ka pa." "Mahina ka pala eh. Bakit ka naman pumasok dito kung mahina ka?" Umiiyak ako di ko alam parang nawalan ako ng pag asa. Bakit ba ang hina ko? Hinawakan nung isa ang mukha ko. Napapikit na lang ako. Nanghihina ako at di ko kayang gumalaw dahil sa pagsuntok nito sa tiyan ko kanina. "Ang kinis at ang ganda... akin ka na...." Tahimik akong umiiyak dahil tinakpan nito ang bibig ko. Please, someone help me. Please.... "Bro!" Napamulat ako at nakita ko na nakabulagta na sa sahig yung lalaking sumuntok at humawak sa akin. "Sh*t! Who did that!" Napatingin sila sa isang lalaki na naka hood. At nakita ko sa mga mata ng lalaking naka hood ang galit. Lumapit siya at pinagsusuntok ito at pinagsisipa hanggang sa mawalan ang tatlo ng malay. Tulala naman akong nakatingin sa kanya. Lumapit siya sa akin napaatras naman ako baka kung ano ang gawin niya sa akin. "Don't hurt me... please." Hinawakan niya ang mukha ko at nakita ko ang nag aalalang mga mata niya. "Are you okey?" Napailing ako at umiyak. Muntik na akong magahasa. Niyakap ko ang sarili ko habang nanginginig pa din ako dahil sa takot. Niyakap naman niya ako at naramdaman ko ang pagkalma ko at niyakap ko din siya pabalik. "Shhh... I'm here to protect you, my Princess," sabi niya di ko na lang pinansin ang sinabi niya. Kahit di ko kita ang boung mukha niya dahil sa madilim ang paligid ramdam ko na safe ako sa kanya. Di niya ako sasaktan. Binuhat niya ako parang Prinsesa. "You may sleep now, my Princess." Niyakap ko ang leeg niya at pumikit na. Ang pabango niya parang naaaddict ako. Hanggang sa makatulog na ako pakiramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko na nasa tabi ko siya. ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD