"Ma'am Lai, Good afternoon. Ito na yung pinapirma niyo kay Boss." Nakangiting sabi niya pagkatapos ay iniabot kay Lai na manager ng Sales and Marketing ang mga papeles.
"Salamat, Ielle. Ikaw naman, ikaw pa nagdala. P'wede ko naman ipakuha doon."
"No worries, Ma'am. May ka-meeting si Boss kaya wala rin ako gagawin sa office sa oras na 'to."
"Naku, salamat talaga ha? Kailangan na talaga ng client 'to eh."
"Welcome po." Sabi niya pa bago naman lumapit sa cubicle sa kabila. "Excuse me, si Ma'am Mitch? Nand'yan? Ito na yung pinapirmahan niya."
"Teka, si Ielle ba 'yan?" Rinig niyang boses ni Mitch na Manager naman Design department. Sumilip ito mula sa pantry at may hawak pang kape.
"Uy, Ielle! Tara dali, may meryenda dito. Mag-meryenda ka muna dali."
Lumapit si Mitch sa kaniya, "Ito na ba yung mga pinapipirmahan ko?, wow ang bilis naman. Teka, ibaba mo na muna nga iyan. Tara rito, nagkape ka na ba?" Anito pa sa kaniya at inabutan siya ng paper cup.
"Hindi na po, I'm fine. Actually, I just had coffee before ako magpunta rito."
"Ay, ganon ba? Ah sige. Pero ito oh, kumain ka muna ng ensaymada. Masarap 'to, binili namin kay Thelma." Anito pa at kumaway naman si Thelma na siyang naglilinis madalas sa building na ito.
Alam niyang masarap ang mga meryenda ni Ate Thelma kaya naman ay kumuha siya. "Thank you po."
"Naku, kumuha ka pa ng isa. Ibigay mo kay Boss." Ngisi pa ni Mitch bago sumimsim ng kape.
"Sige po, ilagay ko na lang sa desk niya." Aniya at inilagay ang ensaymada sa paper plate na naroon.
"Ielle, may tanong ako. Di ba? Halos kalahating taon ka na niyang secretary?"
"Opo."
"So close na kayo ni Boss?"
Close nga ba? Hindi niya masasabing close. Like super close pero madalas na nakakausap niya ito. Lalo pa at malamang ay siya ang secretary nito at madalas kailangan dito sa opisina. Pero bukod sa trabaho niya sa opisina at ang paminsan-minsan na personal na pakisuyo nito ay wala nang iba.
"Bakit po?"
"Eh kasi may narinig kami na chismis. Alam mo naman si Sir diba? May paka-misteryoso. Na kami na matagal na rito at hindi pa siya ang chairman ay ni minsan hindi namin nakita ang girlfriend niya. May balita raw kasi na balak na raw pakasalan ni Boss yung girlfriend niya? Totoo ba?"
Kumunot ang noo niya dahil sa totoo lang din ay wala siyang alam tungkol sa sinasabi nila na plano na nitong magpakasal. Pero bilang secretary nga nito ay nakita na niya ang kasintahan ng kaniyang boss. Isa itong sikat na modelo na naging kababata nito. Medyo pribadonang relasyon ng dalawa lalo pa dahil sa mga contracts ng girlfriend ng kaniyang Boss. Pero, madalas nga ng mga personal na pinakisusuyo nito sa kaniya ay para sa kasintahan nito.
"Sige na oh, baka naman may alam ka? Siyempre.. kung sakali naman na ikasal na si Boss. Malamang madadagdagan ang boss natin dito. Para siyempre diba? Alam natin kung ano ang magiging adjustment natin dito."
Umiling siya, "Wala rin akong alam eh. Sa totoo lang hindi ko rin nakita pa ang girlfriend niya. Alam niyo naman 'yon si Boss--"
"Arielle."
Gulat silang napalingon ng marinig nila ang boses ni Alexander. Napagtanto nila na kakarating lang nito mula sa meeting kasama ang isa sa mga bagong investor. Agad na binati ito ng mga naroon pari na rin silang dalawa. Tumango lang naman si Alexander bago napatingin ulit sa kaniya. Pagkatapos ay dire-diretso ito sa opisina nito na nasa kabilang silid lang.
"Sige na, ako na ang mag-distrobute ng mga documents na kailangan mong ibigay." Dagdag ni Mitch bago ngumiti.
"Salamat po."
"Pero, basta ha? Alam mo na."
Tipid lang siyang ngumiti pagkatapos ay agad siyang nagpaalam kay Mitch at kinuha ang ensaymada na nasa mesa.
Pagkapasok niya sa opisina ni Alexander ay nakita niyang nagtatanggal ng coat ito at inilagay iyon sa hanger. "Why didn't you told them na nakita mo na ang girlfriend ko?"
Tipid siyang ngumiti at inilapag ang ensaymada sa mesa ni Alexander. "Because it's none of their business, Boss. Hindi na nila kailan na malaman pa." Napangiti si Alexander sa kaniyang sagot. "Sir, gawa ni Ate Thelma. Kumain ka muna." Aniya pa bago kinagatan ang hawak na ensaymada.
Lumapit naman si Alexander at kinuha ang kaniya. "Arielle, I know this is random. However, what's the size of your ring finger?"
Napakunot ang noo niya. "My ribg finger?"
"Yes, your ring finger."
Napatingin siya sa kaniyang kamay. "Hmm the last time I checked. It's 6.5."
Tumango-tango si Alexander. "May pupuntahan ka ba after work?"
Napahinto si Arielle pero ilang sandali lang ay agad na umiling din. "Wala naman, Boss. Bakit?"
"Good!" Inisang subo ni Alexander ang ensaymada na hawak bago ipinagpag ang kamay. "Let's go. I need your help with something. Sa sasakyan mo na kainin 'yan."
--
Napatingin si Arielle sa Engagement ring na nasa palasingsingan niya. Kumikinang ang dyamante non at napakaganda talaga. Para sa kaniya, kung hindi naman siya ikakasal ay malamang bilhin niya rin ang singsing na 'to.
"Kasya?" Tanong pa ni Alexander at agad naman na tumango si Arielle.
"Sakto lang naman. Boss" Aniya pa at mas pinagmasdan ang singsing. Teka, para bang nangkamali siyang ito ang kaniyang pinili. Para kasing gusto niya talaga ito.
Mapangiti si Alexander. "Good, maganda ba? If ikaw ang tatanungin, nagagandahan ka ba? Or nagustuhan mo?" Tanong pa nito kaya parang napaisip siya bigla kung magdadahilan siya o hindi.
"Yes, for me ha? Maganda, Boss." Napadungaw siya sa may estante. "Pero, Boss? Parang ito mas maganda dito kaysa sa suot ko na 'to. I think mas magugustuhan 'to ng fiancé mo."
Piliin mo.. palitan mo... Para naman akin na lang 'to. Sa tingin ko rin naman ay mas gusto ng Jowa mo ang malaki ang dyamante.
"I don't think so, I think I like that one." Sabi nito at napalingon sa sales lady. "Miss, I'll get this. Kindly put it in a nice red velvet box."
Napasimangot si Arielle, dahil nagandaan talaga siya sa singsing. Pero wala siyang magagawa ngayon kundi alisin iyon sa kaniyang daliri upang ibalik sa sales lady.
"Thank you, Arielle for helping me. I'm kinda worried it might not fit on her."
"Paano ka naman makakasiguro, Boss na same ring size kami?".
"I'm measuring it with my eyes." Anito bago napatingin sa kamay niya. "I know what her hands looks like. And I kinda stared at yours. Looks like you two have the same size."
"Luh?" Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito. Pero naalala niyang boss niya ito. "Boss, you can't just measure it with your eyes. You should know her ring size."
"But, that's the problem, I don't know her ring size. And one more thing. Wouldn't be too obvious if I ask her?"
"You have a point." Aniya pa bago napabuntong-hininga. Sana lang din talaga ay kumasya ang singsing na binili nito kundi sayang naman...
Pero kung di kasya pwede naman niyang bilhin na lang.
"Alam ko lang din yung pakiramdam."
"Ha?" Nagtatakang tanong niya at napatingin ito sa kamay niya.
"May I?" Tanong nito, pero bago pa man siya sunagot ay kinuha nito ang palad niya pagkatapos ay pinagsiklop ang mga daliri nito sa daliri niya. "Yeah, Just what I've thought. You two have the same size." .
Hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha. Lalo pa at hindi naman siya nahawakan pa nito. There's a weird feeling about it. Maybe because he doesn't know something about she's feeling right now.
"Oh, I'm sorry.." hindi ng pasensya nito dahil napansin ang kaniyang pagkailang.
"Okay lang, Boss." Napatingin siya sa paligid. "Mahirap na kasi, Boss. Mamaya may makakita. Iba pa ang isipin."
"Yeah.. thank you, by the way for doing that." Anito at napatingin sa sales lady dahil inabot na nito ang napili na singsing. "Umm, Arielle?" Napalingon ito ulit sa kaniya. "So? Ihatid na muna kita sa company dahil nandoon ang car mo."
"Ay, hindi na po, Boss." Aniya at napailing. "Mag-tataxi na lang po ako. May kailangan din kasi ako bilhin dito sa mall. Sakto rin talaga na dito ka po bumili. Para mamaya is, diretso na akong uuwi, medyo mapapalayo kasi ako if babalik pa ako rito to buy. Saka, Boss. Baka ma-late ka. Anong oras na kaya oh. Traffic pa naman. Alam mo na, mahirap na at baka mauna siya doon. Sige ikaw rin." Aniya pa dahil ngayon rin balak nito na mag-propose sa kasintahan.
Uuwi kasi ito ngayong gabi at biglaan lang iyon kaya na man ay kukunin na itong pagkakataon ni Alexander.
"Ganon ba? O sige pala. Umm.. thank you again for coming and helping me. I know this is not part of your job, but I really appreciate it."
"You're welcome, Boss. Saka wala po ito, I'm glad I was able to help you." Tipid niya pang sabi bago napangiti.
Napangiti si Alexander, "Don't worry, I'll send you an invitation."
Hindi siya sumagot sa sinabi nito, bagkus ay kinawayan na lamang ito pabalik nang mapalingon ulit sa kaniya upang magpaalam. Nang tuluyan nang mawala si Alexander sa kaniyang paningin ay agad siyang napabuntong-hininga.
"Huy, Arielle... Tumigil ka nga. Ikakasal na yung tao eh." Saway niya sa kaniyang sarili. Bago pinagtatampal ang kaniyang pisngi.
Masaya siya para sa kaniyang boss. Na sa wakas ay mag-popropose na ito sa girlfriend nito. Alam naman niya kasing mahal ito ng kaniyang Boss. Sino ba sya para tumutol sa ikaliligaya nito 'di ba?
"Focus, Arielle, Focus..." Aniya pa bago kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan.
"Marie? Umm. Yes, papunta na ako. By the way, pasuyo naman ako sa auto ko, oh. Naiwan ko sa company. Can you go there and pick it up? Okay, thank you so much." Aniya pagkatapos ay ibinaba na ang tawag kailangan niyang magmadali lalo pa at late na siya sa appointment niya ngayong gabi.