Bumukas ang pinto kaya naman ay agad na napatingin si Arielle at Charity sa doon, at kagaya ng inaasahan nila ay si Alexander iyon. Una itong tumingin kay Charity bago sa kaniya kaya agad na umiwas ng tingin si Arielle. "Baby.. Oh god, finally, kanina pa kita hinihintay." bungad ni Charity sa kaniya bago ito lumapit. Napatingin si Arielle sa kanila at nakita nito na hinalikan ni Charity si Alexander. Bagay na ikinagulat ng kaniyang boss kaya agad itong umiwas at humakbang paatras. Ganon pa man ang naging reaksyon ni Alex, at kahit pa na tila sanay na siyang makita na ganito ang dalawa noong magkarelasyon pa ito ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng inis at selos. Bagay na alam niyang hindi niya dapat maramdaman. Kaya naman ay tuluyan na siyang tumalikod upang hindi makita ang dalawa