Chapter 26

1662 Words
Binuhat ni King ang dalagang si Licca. Napasandal naman ang ulo ng dalaga sa dibdib ng binata habang buhat siya nito. Laking gulat nina Tori at Madam O ang biglang pagdating ni King sa lugar. Natahimik sila at nakatayong nanood sa pagbuhat ni King kay Licca. "Walang pwedeng manakit sa kanya!" seryosong paalala ni King na patuloy sa paghakbang. Natigil rin ang pagpaparusa kay Sophie. Ang lahat ng mga tauhang lalaki roon ay nakayuko nang dumating ang binata. Naiyak si Maya na may halong saya nang mailigtas si Licca sa kamay nila Tori at natigil ang ginawa nila kay Sophie. Nakahinga na siya ng maluwag. ------- Inuwi ni King si Licca sa mansyon. Sinuri din siya ni Doc Vaughn sa silid nila habang silang dalawa ni Mr. Franco ay naghihintay sa study room. Pabalik - balik ang lakad ni King. Di na ito mapakali. Magkahalong kaba, pag - aalala at inis ang nararamdaman nito. Naiinis siya sa pinaggagawa nila Madam O na tauhan ni Ace. "Humanda sila! Akala nila palalampasin ko ito!" "Ano po ang balak ninyo boss?" usisa ni Mr. Franco. "Paparusahan ko sila!" "Tauhan po ni sir Ace si Madam O. Hindi po natin sila hawak. Ang mga lalaking naroon din ay mga tauhan nila." paliwanag ni Mr. Franco. "Kahit na! Humanda sila!" "Si Tori lang po ang kasama nilang tauhan natin." "Ibigay sa kanya ang parusang dapat maranasan niya. Huwag ninyo siyang kaawaan!" "Opo!" "Kakausapin ko si Ace na dapat parusahan si Madam O at ang mga tauhan niya!" "Boss, ang sabi po kaya po nila pinarusahan sila dahil nagtangkang tumakas ang tatlo. Ginawa lang nila ang dapat!" Tumigil si King sa paglalakad at humarap kay Mr. Franco. Napakaseryoso ng mukha ng binata. "Kahit na! Wala silang karapatang saktan siya! Saktan nila ang iba, huwag lang siya!" Pumasok na si Dr. Vaughn sa study room kung saan naroon sina King. Pagpasok niya ay napalingon ang dalawa. Agad nilapitan ni King ang doctor para alamin ang kalagayan ng dalaga. Napakaseryoso ng doctor na napatingin kay King habang si King naman ay di mapakali. "Kumusta na siya doc? Okay lang ba siya? Kumusta ang kanyang mga sugat? Okay lang naman siya di ba?" sunod - sunod na pagtatanong ni King. "Brett.." sambit ni Doc Vaughn sa totoong pangalan ni King. Natigilan saglit si King na kinakabahan. Hindi niya inaasahan na tatawagin siya sa tunay nitong pangalan. Dahil dito ay kakaiba ang interpretasyon nya. "May problema po ba?" Kinabahan din si Mr. Franco. Hinintay nila ang ibabalita ng doctor. Hindi na napatumpik- tumpik pa si Doc Vaughn na sabihin ang nalaman. "She's pregnant!" Nanlaki ang mga mata ni King nang marinig niya mula sa doctor ang isang balita tungkol kay Licca. Natahimik siya at di nakapagsalita. Gulat din si Mr. Franco na di makapaniwala. "She's two weeks pregnant..." dagdag ng doctor. Natulala bigla si King at di alam ang dapat na reaksyon. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib at pinapawisan siya. "Teka teka.. tama ba ang narinig ko? Buntis siya?" "Buntis siya Brett." kalmadong sagot ng doctor. "Boss!" tawag ni Mr. Franco sa boss niya. Nahalata ng doctor ang pagkatulala ni King. "Bakit Brett, may problema ba?" "Buntis siya..." sambit ni King na umalis ng dahan - dahan sa kanyang kinatatayuan. Sinundan naman ng tingin ng dalawa ang binatang wala sa sarili. "Sa pagkakaalam ko, magdadalawang linggo pa siya rito. Ibig sabihin nabuo ito bago ninyo sila binihag." paliwanag ng doctor. "Buntis siya.. Two weeks..." sambit ulit ni King na napaupo sa couch. "She needs some rest. Kailangan rin niyang kumain ng masustansyang pagkain. Bawal sa kanya ang stress." payo ni doc. Napatanong si Mr. Franco na sumulyap sa boss niya. "Bawal din po ba ang s*x?" Napalingon agad si King sa dalawa at mariing nakinig sa payo ng doctor. "Pwede naman pero kung maaari ay pigilan. Kung may pagtat*lik man, huwag sobrahan. Nagiging agresibo din kasi ang mga buntis." "Ahh..." reaksyon ni Mr. Franco na sumulyap ulit sa boss niya. Nagpaalam na si Doc Vaughn kaya naiwan nalang ang dalawa sa study room. Nakatulala pa rin si King. Tahimik itong nag - iisip. Hindi niya akalain na buntis na pala ang dalaga nang binihag nila sila at nakipags*x sa kanya. "Ang lalim ng iniisip ninyo boss.. " "Two weeks.. hmmm..." "Iniisip ba ninyo kung sino ang ama?" "Two weeks na siyang buntis... ibig sabihin..." mahinang ani ni King na narinig naman ni Mr. Franco. "Two weeks na po ang nakakaraan noong nakita ninyo siya sa bar at dinala sa isang hotel." Seryosong napatingin si King sa binata. "She's v*rgin that time..." Nagulat si Mr. Franco sa narinig dahil mukhang alam na niya ang sagot sa tanong niya. Napangiti ito at medyo kinilig. Di niya inaasahan na makakabuo ang kanyang boss na napakaingat pagdating sa ganoong bagay. "Boss, mukhang ikaw yata ang ama ng dinadala ni Miss Licca!" Napatayo bigla si King. Iba ang reaksyon ng binata. "Ano!? Huwag ka ngang magbiro!" "Boss, hindi ako nagbibiro. Maaaring ikaw ang ama!" "Imposible!" "Sabi mo nga, v*rgin siya noong ginalaw mo siya sa gabing iyon." "Tapos kung v*rgin siya? Maari rin namang may nangyari sa kanya sa iba. May boyfriend din siya!" "Pero paano kung ikaw lang ang naka--- you know.." "Haist! Tumahimik ka nga Franco!" galit na sermon ni King na di alam ano ang dapat na gagawin. Maraming bumabagabag talaga sa kanya. "Boss naman.. magiging daddy ka na!" tukso ni Mr. Franco. "Hindi mangyayari iyon. Hindi ako ang ama ng bata!" giit ni King. "Boss, mukhang ikaw lang naman ang gumalaw sa kanya. Isa pa, nagtatal*k naman kayo ngayon. Panindigan nalang ninyo!" "Imposible! Maaaring nakipags*x siya sa boyfriend niya. May nabuo agad. They make love!" "Sure ka ba? Eh, paano sir kung walang nangyari sa kanila ng boyfriend niya? Walang iba maliban lang sa gabing iyon." "Edi ako ang ama!" "Tumpak!" Napalakpak ng isang beses si Mr. Franco. "Haist! Bakit nangyari ito? Marami na akong mga babaeng nakama at maingat ako. Niisa naman walang nabuo!" "Huwag na kayong magtaka. Iba po si Miss Licca! Iba ang tama ninyo sa kanya!" "Pero.." pag-aalangan ni King. "Boss, congratulations!" masayang pagbati ni Mr. Franco. Napatingin si King kay Mr. Franco, ang assistant niya na napakaloyal sa kanya. Biglang bumakas sa binata ang pag - aalala. Napansin agad ito ni Mr. Franco. "Boss?" "Hindi niya alam na ako iyon..kaya hindi niya alam kung sino ang nakatal*k niya sa gabing iyon na siyang kumuha sa kanyang v*riginity." "Tsk tsk..." reaksyon ni Mr. Franco na nalungkot sa sinabi ng boss. "Paano iyan boss?" "Hindi niya kailangang malaman!" "Pero boss.." "Hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon niya." ------- Nagising na rin si Licca na nakahiga sa kama. Dahan - dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ang kanyang katawan ay napakahina kaya nahirapan pa siyang bumangon para maupo. Pinilit niyang bumangon pero agad namang napasandal sa unan sa may headrest ng kama. Huminga siya ng malalim at napatingala sa kisame. "Anong nangyari?" tanong niya sa sarili. Pumasok si Rita na may dalang tray na may pagkain. Masaya itong makitang gising na si Miss Licca. "Mabuti naman po at gising na kayo. Talagang nag - alala kami sa inyo Miss Licca," ani ni Rita na patungo sa mesa na malapit sa kama. Nilapag niya ang dalang tray sa mesa. "Anong nangyari?" "Pinuntahan kayo ni Sir King sa farm kung saan kayo dinala ni Madam O. Niligtas niya po kayo. Talagang nag - alala po sa inyo Miss." "Naalala ko na. Sumama ako sa isang katulong na tinatawag nilang Tori. Tapos dumating pa ang iba at dinala kami roon." "Opo, sina Tori at Madam O ang nagpahirap sa inyo. Buti nalang nakita ko si Tori na kakaiba ang kilos. Pumunta siya ng farm kaya sinundan ko siya. Ipinaalam ko kaagad kay sir at pinuntahan ka nila." "Ahhh.." "Sama nila! Ano ba ang balak nila? Hindi pa talaga sila kontento." dagdag ni Rita na naghahanda sa pagkain ni Licca. "Nasaan na ang mga kaibigan ko?" usisa ni Licca. "Binalik sila sa maid's quarter. Sa ngayon nagpapahinga sila." Nalungkot si Licca. "Hindi ko maintidihan kung bakit nangyayari ito sa amin.. ano ba ang nagawa namin at kami ang nagdudusa?" "Miss..." "Alam kung nagdurusa silang dalawa at pinapahirapan bilang katulong. Ako naman ay narito, bihag din." Nalungkot si Rita habang nakikinig kay Licca. Bakas sa mukha ni Licca ang lungkot at pag-aalala na napansin agad ni Rita. "Miss, huwag na po kayong mag - alala. Nakakasama po ang stress sa inyo. Kumain na lang po kayo." ani ni Rita sabay abot ang bowl ng pagkain na may kutsara. "Wala akong ganang kumain." "Kumain po kayo Miss Licca. Kumain po kayo para sa dinadala ninyo." "Eh?" Gulat na reaksyon ng dalaga ng marinig iyon sa bibig ni Rita. Napalingon siya agad sa katulong. "Anong ibig mong sabihin?" Napatakip ng bibig si Rita na di alam kung ano ang palusot nito. "Ops!" Kunot noong napatanong ulit si Licca. "Anong dinadala? Anong ibig mong sabihin?" "Uhm. kasi po..." "Sabihin mo!" "Buntis po kayo Miss Licca." Napilitan ng sabihin ni Rita ang nalaman niya. Namilog naman ang mga mata ni Licca sa di inaasahang balita. "Buntis ako?" "Two weeks na raw po kayong buntis..." Hindi makapaniwala ang dalaga na buntis siya. Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan habang napatulala. "Miss okay lang po ba kayo?" "Bu-buntis ako?" "Miss Licca..." Bumalik sa alaala ni Licca noong nasa bar siya at may mga lalaking nakilala siya roon na nagsabing kaibigan ng kaibigan niya. Iyon din ang araw na nawala ang v*riginity niya. "Hindi ito maaari! Hindi ito maaari! Hindi ito maaari!" Tumulo ang kanyang luha. Parang may kung anong bagay na siyang sumasaksak sa puso niya. Ayaw niyang maniwala na may nabuo sa kagagawan ng mga lalaking hindi niya kilala. Hindi nya mapigilan ang kanyang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Napapikit ang mga mata ni Licca at napasigaw. "Hindi!!" sigaw ni Licca bago siya nawalan ulit ng malay. "Miss Licca!" Napahiga ang dalaga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD