Chapter 18

1978 Words
Hindi maalis sa isip ni Angelica ang mga nangyari sa kanya lalo na ang ginawa niyang b**w j*b na may ibang taong naroon sa lugar. Parang binagsakan siya ng langit ng kahihiyan. Wala na yata siyang mukhang ihaharap. Naiinis siya sa sarili kung bakit nilamon na siya ng kalasingan at wala ng magawa kundi maghasik ng kalib*gan. "Haist! Ano ba iyan?" Naiinis na reaksyon ni Angelica ng maalala ang mga nangyari at ang pagsuka niya direkta sa alaga ng binata. Habang mag - isang nakaupo sa harap ng mesa ay pinupukol niya ang sariling ulo. "Ano ba ang nangyayari sa iyo Angelica? Sigh!" Mag - isang nakaupo sa upuan ang dalaga para mag - almusal. Nakahanda sa mesa ang tinapay, fried eggs at hotdog. Saglit ay iniwan muna siya ni Rita para kumuha ng maiinom ng dalaga. "Asar naman! Sigh!" buntong hininga ni Angelica na nabaling ang tingin sa hotdog na nasa plato sa harapan niya. Napatitig siya sa jumbong hotdog na halatang mainit - init pa at juicy. "Talaga bang ginawa ko iyon? Wala talaga akong maalala! Paano ko kaya iyon ginawa?" Kinakausap ng dalaga ang sarili habang pinapagulong - gulong at nilalaro ang hotdog sa plato gamit ang tinidor. Titig na titig siya at nanggigigil ito. "Hindi naman kasinglaki nito ang kanya. Hindi rin naman kasinghaba pero..." Hindi matuloy - tuloy na sasabihin ng dalaga nang napadila siya sa sariling labi. "Matikman nga kung gaano ito kasarap." Tinuhog ni Angelica ang hotdog ng hawak niyang tinidor. Pagtuhog nya ay nangibabaw ang pagka-juicy nito at laman. Napapikit ng mga mata ang dalaga. Ipinasok niya ang hotdog sa bibig na di man lang kinagat. Nilasap muna niya ang mainit - init na balat nito na medyo juicy. "Hmmm..." Dahan - dahan niyang nilabas - masok ang h*tdog sa kanyang bibig. "Hmmm.." Napapahalik din siya at pinapaikot ang dila sa h*tdog na kakainin na nya sana. Paulit - ulit ang kanyang ginagawa na tumagal ng ilang minuto. Hanggang di na niya napigilan at kinagat na niya ito. Dumilat na ang kanyang mga mata at napatingin sa h*tdog na may lumalabas na cheese sa loob. "Masarap pala ito! Masarap ang may cheese." Dumating si Rita na may dalang inumin. Nakita niyang kinakain na ni Angelica ang inihandang almusal. "Masarap ba siya Miss Angelica?" usisa ng katulong. Napatango si Angelica. "Masarap! Masarap siya." "Mabuti naman." Pangiting pagsagot ni Rita na habang nilalagyan ng tubig ang baso mula sa pitsel na dala. "Iyong h*tdog ha! Hindi siya!" mataray na sabi ni Angelica na napainom ng tubig pagkatapos. "Po?" sabay kamot ng ulo ni Rita. "Anong ibig niyo pong sabihin?" Agad namang nagising sa katotohanan si Angelica at nahiya sa pinagsasabi sa inosenteng katulong. "Wala wala! Huwag mo ng isipin iyon." ------ Nagising bigla si Sophie nang buhusan siya ng tubig ni Madam O habang nakahiga sa matigas niyang kama sa isa sa mga Maid's quarter. "Gumising ka na!" Pasigaw ni Madam O sabay buhos ng malamig na tubig sa dalagang nakahiga. "Ang tatamad!" Napaupo ang dalagang napapanga-nga ang bibig at hinahabol ang hininga. Basang - basa na siya. "Tumayo ka na ryan!" Binigyan ng masamang tingin ni Sophie si Madam O. "Labhan mo ang bedsheet at kumot na iyan. Hindi ka pwedeng mag - almusal hanggat hindi mo matatapos ang paglalaba ng mga iyan!" utos ni Madam O sabay turo sa tambak na bedsheet at mga kumot. Isa sa mga bedsheet ay may suka pati sa kumot. Nangigigil sa inis si Sophie pero nagpigil nalang ito. Dumating si Maya na kakatapos lang sa pinaggawa sa kanya. Nakita niya si Sophie na basang - basa at medyo nangnginig sa lamig. "Miss Sophie.." sambit ni Maya na naawa sa kaibigan. "Gayahin mo ang isang ito, maagang gumising. Tapos na rin ang unang gawain. Makakain na siya!" ani ni Madam O. Napayuko nalang si Maya hanggang nakaalis na si Madam O. Pagka- alis ni Madam O ay agad pinuntahan ni Maya ang kaibigan sa kinauupuan nito. "Miss Sophie, okey ka lang ba?" pag - aalala ni Maya sabay upo sa tabi ni Sophie. Nang nakaupo na siya ay inangat ni Sophie ang kanyang kamay at hinarap si Maya. Bigla niyang sinampal ang dalagang kaharap. Nanglaki naman ang mga mata ni Maya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan ang gagawin ni Sophie. "Bakit hindi mo ako ginising?" galit na tanong ni Sophie kay Maya. Napahawak sa pisnging nasampal si Maya at napatingin sa kaibigan. Hindi agad nakasagot si Maya kaya inulit ni Sophie ang tanong na pasigaw. "Bakit hindi mo ako ginising? Gusto mo talaga akong mapahiya at mapagalitan!" "Hindi po.. hinayaan kitang matulog para makapagpahinga po kayo." paliwanag ni Maya. "Tingnan mo anong nangyari Maya! Kasalanan mo ito!" "Sorry Miss. sorry!" Paghingi ng tawad ni Maya na nakayuko ang ulo. "Pasensya na Miss Sophie. Hindi na mauulit." "Ang pinaka ayoko ay kinukumpara ako! Higit pa na ayoko na ikompara ako sa isang katulong!" Tumayo na si Sophie at pinuntahan ang nakatambak na kumot at bedsheet. Hindi na nagsalita si Maya at bumakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Dumating naman si Madam Bing. Napatingin siya sa dalawa. Napansin niyang basang - basa ang isang dalaga at alam niyang kagagawan ito ni Madam O pero wala siyang magagawa sa gusto niyang parusa. "Pagkatapos niyo sa inyong gawain, ikaw tutulong ka sa kusina!" utos ni Madam Bing kay Maya. Napaangat ang ulo ni Maya at agad sumagot. "Opo." Tinuro naman niya si Sophie. "Ikaw, linisan mo ang bandang pool area na nasa loob ng mansyon." Hindi sumagot si Sophie. Nagkakasalubong na ang kanyang kilay at iwas tingin ito kay Madam Bing. Napansin naman ito ng madam pero hinayaan nalang niya ito. "Madam, may itatanong lang po ako..." malumanay na ani ni Maya. "Ano iyon?" "Maaari ko bang tulungan siya sa paglalaba ng mga bedsheet at kumot. Kahit mamaya na po ako kumain, okay lang po. Sabay nalang po kami. Pwede po ba?" pakiusap ni Maya. "Bahala kayo!" At tuluyan ng umalis si Madam Bing. "Salamat po!" Samantala, habang naglalakad si Angelica sa mansyon ay may malalim siyang iniisip. Ilang beses itong napapabungtong hininga at napapatulala. Malayang naglakad - lakad ang dalaga pero hindi inaasahang maliligaw siya sa lawak ng mansyon. Napahinto siya sa paglalakad at nilibot ang paningin sa buong paligid. Napakatahimik ng lugar at ni isang tao ay wala siyang makita. "Teka, nasaan ba ako? Saan ba pabalik sa kwarto ko? Naku naman.." pag- alalang ani ni Angelica sa sarili."Naliligaw na yata ako." Bigla nalang siyang kinabahan. "Makabalik na nga.." Bawat hakbang niya ay patingin - tingin siya sa paligid. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang makakita ng ibang tao o matatakot. Biglang sumagi sa isip niya na bihag siya at ngayon ay malaya siyang nakakalakad. Huminto saglit si Angelica at napaisip. "Ano kaya kung... makakatakas ba ako? pero paano sila?" bulong ni Angelica sa sarili. "Hanapin ko kaya sila.." Dali - daling naglakad si Angelica sa pasilyo. Palingon - lingon ang dalaga sa bawat sulok na madaanan niya. "Sophie.. Maya, nasaan kayo?" May mga kwarto din na nadaanan nya at sinubukan niyang buksan pero lahat ay naka-lock. "Saan sulok ba ng mansyon kayo tinago?" Ilang minuto din ang ginugol ni Angelica para hanapin ang dalawa niyang kaibigan. Napahinto nalang siya malapit sa pinto. Ang pintong nasa harapan niya ay isa sa pintong palabas ng mansyon na nasa may likuran kung saan nalalaba ang mga katulong. "Bakit ang lawak ng mansyong ito? Feeling ko nasa loob ako ng maze!" Sa labas ay naroon si Maya at mag - isang naglalaba ng bedsheet at kumot. "Kumusta na kaya si Miss Angelica? Okay lang kaya siya? Sana okay lang siya. Naniniwala akong okay lang sya." pabulong ni Maya sa sarili habang kinukusot ang nilalabang mga kumot na gamit lamang ang kamay. Napakrus ng kamay si Angelica nang may bigla siyang naisip. "Bakit hindi ko tanungin ang lalaking iyon? Alam kong alam niya kung saan sila! Sympre alam niya dahil siya ay isa sa mga pasimuno nito!" Nagdesisyon si Angelica na bumalik sa dinaanan niya. Kahit alam niyang naliligaw siya ay matapang itong naghanap ng taong maaari niyang tanungin kung nasaan ang boss nila. ------ Sa pool area na nasa loob lamang ng mansyon ay naroon si Sophie. Katulad ng pool sa labas malapit sa hardin ay may 7ft din ang lalim nito. Inutusan siyang maglinis sa lugar pero sa tingin naman ng dalaga ay malinis naman. "Malinis naman rito, bakit ko pa lilinisan?" angal ni Sophie na hawak ang mop. "Tsk!" Palakad - lakad si Sophie sa lugar at patingin - tingin sa paligid. Namangha rin siya sa ganda ng pool area pati sa pool na napakalinaw ng tubig. "Ang galing naman, ang yaman talaga siguro ng may - ari rito. Tsk tsk.. maling tao ang nakaharap ni Ate. Anong klase kayang tao ang nagmamay - ari rito? Bakit ayaw ni ate sa kanya?" Patuloy ang paglilibot ni Sophie sa lugar na di man lang naglinis. "Siguro kahit ako ay ayaw ko rin sa kanya. Baka isang matandang mayaman ang nagmamay-ari rito. Kaya siguro tinakasan ni ate ang mga iyon. Buti nalang at kasama ko si Angelica at siya ang sumalo. Kung hindi dahil sa kanya, siguradong hindi na ako v*rgin sa mga oras na ito at nakuha ang v ko sa isang pangit na matandang mayaman. Ew. Nakakapangilabot naman!" Biglang may narinig na mga ingay na nag- uusap na mga tao na papunta sa pool area si Sophie. Nataranta ang dalaga at dali - daling naghanap ng pagtataguan. Nakakita siya ng malaking aparador na kasya ang isang tao na nasa gilid at doon siya pumasok. Pumasok sa pool area ang dalawang binata. "Boss, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ni Mr. Franco na sinamahan si King papasok sa pinto ng pool area. "Wala na. Just do what I ask you to do." sagot ni King na naglalakad patungo sa may pool area. "Opo boss." "Maliligo muna ako. Do not disturb me." "Yes boos!" Napasilip si Sophie habang nasa loob ng aparador. Naging curious siya sa mga boses ng lalaking nag- uusap. Mas lumapit pa sa may pool si King. Habang nakayuko ito na nakatingin sa tubig sa pool ay dahan - dahan naman niyang hinubad ang suot na pang- itaas. Namilog ang mga mata ni Sophie nang makita niya ang napakakisig na katawan ng binata. "Siya ba ang boss nila? Tinawag siyang boss kanina edi ibig sabihin siya ang boss nila.." pabulong na sabi ni Sophie na napatitig sa mala-adonis nitong pangangatawan. "Oh my!" Hinubad din niya ang suot na pantalon hanggang brief nalang ang suot nito. Mas nanlaki ang mga mata ng dalaga at mas tinitigan pa ang gitna ng hita ng binata. "Ang laking umbok.. sh*t!" Pakagat - labing napatulala si Sophie. Katakam - takam talaga ang buong katawan ng binata at walang tapon ito. "Ang gwapo din niya.. sh*t! Sa panaginip ko lang talaga nakikita ang ganitong lalaki. Hindi ko akalain na nag - eexist pala sila." Naguunat ng braso si King na nag-reready sa pagtalon sa pool. Mas lalong kita ni Sophie ang umbok ng alaga ng binata dahil sa posisyon ng kinaroroonan niya. "Iba ang kanya.. iba kay Hero. Iba ang charm niya kesa kay Hero!" Napalingon si King sa bandang kaliwa niya kung saan naroon ang aparador. May kung anong naramdaman siya na bigla siyang napalingon roon. Nagulat naman si Sophie nang makitang nakatingin ang binata sa kanya. Napatakip nalang siya ng bibig. "Nakatingin ba siya rito? Teka, nakatingin ba sya sa akin?" tanong ni Sophie sa kanyang isipan. Biglang namula ang mukha ng dalaga at ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib nang makitang lumalapit ang binata. "Nakatingin siya! Pupuntahan niya ako.." Kunot - noong humahakbang si King patungo sa may aparador. Habang papalapit ito ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ni Sophie. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang sumasaya. Napangiti si Sophie na di niya namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD