Chapter 34

1871 Words
Inuwi ni King si Licca sa kanyang mansyon. Magsisimula na ang araw ng isang linggong palugit ni Ace sa kasunduan nila ni King. Mananatili ang dalaga sa piling ng binata gaya ng napagkasunduan pero hindi nakasaad kung saan ang dalawa pang bihag. "Boss, si Miss Maya lamang po ang naisama namin pabalik.." balita ni Mr. Franco sa boss niyang si King. Kunot - noong nagtaka ang binata. "What do you mean?" "Ang sabi po, ang kapatid ni Ms. Stacey ay mananatili muna sa kamay ni Sir Ace hanggat hindi pa kayo nagkakaroon ng bagong kasunduan." Mas lalong nagtaka si King. "Ano kaya ang balak ni Ace?" mahinang tanong nito sa sarili. "Si Sir Jack naman po ay nakauwi na sa kanila. Ang sabi babalik nalang siya sa inyong mansyon kapag handa na siya." dagdag ni Mr. Franco. "Ano? Anong ready? Bakit siya naghahanda?" usisa ni King na di alam ang mga nangyayari. "Hindi ko po alam sir." Napahaplos si King sa kanyang baba na tila nag - iisip sa mga balak ni Ace at mga nangyari na hindi niya alam. Ang alam lang niya ay pumasok si Ace sa kwarto nila na lasing at may balak na masama kay Licca. "Ano kaya ang nangyari kay Jack?" Pumasok si Rita sa silid kung saan naroon ang dalawang binata. "Sir, handa na po ang mga gamit. Ready na rin po si Miss Licca." "Okay! Good!" sagot ni King. "May ipag-uutos pa ba kayo sir?" "Wala na." Agad humakbang paalis sa kinatatayuan si King at lumabas ng silid. Pinuntahan niya agad si Licca sa kwarto. Nakadungaw sa bintana si Licca na napakalayo ng tingin. Nakasuot siya ng simpleng bistida na lagpas tuhod na kulay puti. Tahimik lamang siya sa mga oras na iyon. "Licca!" tawag ni King nang buksan niya ang pinto ng silid. Napalingon naman si Licca. "Hm?" Nilapitan ni King ang dalaga at agad hinablot ang kanang kamay. Medyo nagulat si Licca. "Tara!" aya ni King na hawak ang kamay ng dalaga. "Teka, saan tayo pupunta?" "Magbabakasyon muna tayo!" "Huh? Pero, kumusta na ang mga kaibigan ko?" tanong ni Licca habang naglalakad ang dalawa at hawak ang kamay niya ni King. "Okay naman sila kaya huwag ka ng mag - alala." sagot ni King na medyo nagmamadali. Naisipan ni King na lumayo muna silang dalawa ni Licca sa lugar at magbakasyon sa kanyang resort. Sa mga nangyayari, kailangang umiwas muna sa stress at problema ang dalaga lalo na't buntis ito. "Sure?" Paniniguro ni Licca habang naglalakad sila sa pasilyo na napakabilis ng mga hakbang na tila may hinahabol na flight. "Oo naman!" "Sure talaga na okay lang sila?" pag - aalala ni Licca na tila hindi naniniwala sa sinabi ni King. "Tanungin mo pa si Mr. Franco. Okay lang sila." "Sige." ------- Nanatili si Sophie sa mansyon ni Ace hindi bilang isang panauhin kundi bilang isang bihag. Sa isang silid ay nakaupo siya sa sahig na nakatali ang kamay nito sa likod. Ang suot lamang niya ay isang bistidang manipis na kulay puti. Wala man lang siyang bra at p*nty. Wala rin sa ayos ang kanyang buhok at bakas sa mukha ang panghihina. Sa tindi ng gyera ng pag-iisa ng katawan ng tatlong lalaki sa kanya na dumagdag pa si Ace ay talagang makakaubos ng lakas. Masakit ang panga at pisngi ni Ace dahil sa suntok ni King. Feeling din niya ay nasira ang gwapo niyang mukha. Habang naglalakad sina Ace at Mr. Randy patungo sa silid kung saan naroon ang kapatid ni Stacey, nakahawak si Ace sa mukha niya. "Sino ba ang sumuntok sa akin?" galit na usisa ni Ace na nakalimutan ang mga nangyari. "Sir, si Sir King," sagot ni Mr. Randy. "What? Anong dahilan niya para suntukin ako ng ganito!?" "Uhm,, hindi ko po alam." "Gagong King na iyon. May balak yatang sirain ang mukha ko! Ang akala niya malalagpasan niya ang kgwapuhan ko sa ginawa niya, nagkakamali siya!" Nagpatuloy sila sa paglalakad sa pasilyo. "Sino ba ang gwapo sa amin?" seryosong tanong ni Ace sa tauhan. "Syempre boss, kayo!" "Tama! Good ansswer!" Masayang marinig ni Ace ang sagot ni Mr. Randy. Naniniwala rin ang binatang siya ang mas gwapo sa kanila ni King. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa silid. Pagpasok nila ay agad nilibot ni Ace ang tingin sa buong kwarto. Nakita niya ang dalagang si Sophie pero hindi niya nabaling ang atensyon nito sa paligid na tila may hinahanap. "Saan ang kapatid ni Stacey?" Tanong ni Ace na may pagtataka. Nang narinig ito ni Sophie ay napaangat ang kanyang ulo para matingnan ang binata. Hindi man nakatingin ang binata sa kanya, naaninag naman ng dalaga ang kgwapuhan ni Ace kahit may pasa ito sa mukha. Napatitig si Sophie sa binata at hindi niya inalis ang tingin nito. Bigla nalang bumilis ang t***k ng puso niya. "Boss, siya po ang kapatid,"sagot ni Mr. Randy sabay turo kay Sophie. Napatingin na rin si Ace sa dalaga pero hindi mapinta ang kanyang mukha. "What? Siya?" Gulat naman ang katiwala sa reaksyon ng boss nya. "Yes boss. Hindi ba ninyo naaalala?" "Are you sure?" Mukhang hindi na naaalala ni Ace ang ibang mga nangyari kagabi lalo noong nagsimula na siyang malasing. May mga bagay na madali niyang nakakalimutan. "Yes boss!" Ulit, di makapaniwala si Ace na hindi kasingganda ni Stacey ang kapatid nito. "Oh sh*t!" pagmumura ng binata na napahilamos ng mukha. Ilang segundo lang ay naalala niyang alam niya na hindi ito maganda. "Kung sineswerte ka nga naman King at ako naman ay minamalas!" Habang nakatingin si Sophie sa binata, bigla nyang naalala na isa ito sa mga lalaking umangkin sa kanya. Namimilog ang mga mata ng dalaga na may halong galit at pighati sa ginawa nito sa kanya. Tumulo ang luha ni Sophie at walang salitang nagmula sa kanya. Naiyak nalang siyang mapagtanto na nawala na ang kanyang pinakaiingatan. Hindi na siya v*rgin. ----- Samantala, nakarating na rin sina King at Licca kasama si Mr. Franco sa isa sa mga resort na pagmamay - ari ni King. Mahaba ang kanilang byahe na tumagal ng ilang oras kaya napagod agad ang buntis. Napakaganda ng resort na may bughaw na mala-kristal na tubig dagat. Maganda ang tanawin at sariwa ang hangin lalo na sa tabing - dagat. Puti ang buhangin at pino. Mayroon ding pool na parihaba ang sukat. May iba't ibang klaseng cabin at kwarto para sa mga bisita. Ang mga gamit at mwebles ay talagang mamahalin. Inihanda talaga ang kwarto kung saan mananatili ang dalawa. Ito ang pinakamagadang kwarto na nasa pangatlong palapag ng bahay na matatanaw ang lawak at ganda ng resort lalo na ang dagat sa balcony nito. "Magpahinga ka muna.." ani ni King sa dalagang nakahiga sa malambot at malapad na kama. Bago umalis si King ay binigyan pa niya ng halik sa noo ang dalaga. Agad namang nakatulog si Licca. Iniwan muna ni King si Licca sa kwarto. Pinuntahan niya muna si Mr. Franco na nasa isang kwarto. "Anong problema Franco?" kunot noong usisa ni King pagkapasok sa silid. "Boss, ang sabi ng tauhan natin sa mansyon, susunduin daw ni Ace ang isa sa bihag na nasa mansyon?" balita ni Mr. Franco. "Ano? Bakit raw?" Alam niyang mga kaibigan ni Licca ang mga ito at mag-aalala talaga ang dalaga kapag nalaman niyang wala na sila sa mansyon. Napaisip tuloy si King. "Anong balak ni Ace? Bakit biglaan niyang kinuha ang isa at ngayon gusto pa niyang kunin ang isa pa? Bakit kaya?" tanong ng isip ni King na naguguluha sa gagawin ni Ace. "Boss, ibibigay po ba natin siya?" "Tuso itong si Ace. Alam kong may binabalak siya!" "So anong gagawin ninyo boss? Hindi po alam ni Miss Licca ang mga nangyari sa mga kaibigan niya. Mabibigla siguro siya kapag nalaman niyang nasa kamay sila ng iba at wala na sa mansyon." "Hindi niya dapat malaman." Biglang tumunog ang cellphone ni King. Napatingin siya sa hawak na cellphone at nakita ang pangalan ni Ace sa screen. "Speaking of the devil!' sambig ni King bago sinagot ang tawag. Bumungad ng bati si Ace kay King. "Kumusta King!? Nag -eenjoy ka ba?" Napasalubong ng kilay si King nang sumagot. "Anong kailangan mo Ace?" "Chill King! Chill!" "Sabihin mo na? Diretsohin mo na ako kung ano ang kailangan mo?" "Ang init ng ulo mo King. Chilax! Nadistorbo ko ba kayo? May ginagawa ba kayo ng jowa mo?" "Ano ba talaga ang kailangan mo?" Sa kabilang linya ay napaupo si Ace sa isang couch na pangiti - ngiti. "Siguro naman naabot na sa iyo ang balitang gusto kong sunduin ang isa pang bihag." "Oo pero bakit mo pa kukunin ang isa na nasa iyo naman ang isa na!" direktang sagot ni King. Sumagot si Ace. "Hindi naman pwedeng ikaw lang ang nagpapakasaya hindi ba? Ikaw lang ba ang pwedeng magpasarap?" "Ano ba talaga ang balak mo Ace?" "Syempre gusto kong magpakasaya! Gaya mo, gusto ko rin matikman ang dapat matikman kapalit sa naudlot noon. Pero hindi ko magagawang tikman ang isang di kaaya - ayang tikman kaya iyong isa nalang." Sinagot siya ni King. "Paano kung hindi ako papayag?" "Madali lang iyan, papipiliin kita King! Sino ang gusto mong ibigay, ang babaeng iyon o ang babaeng kasama mo ngayon? Mamili ka?" Napasuntok ng kamao si King sa mesang malapit sa kanya. "G*go ka talaga Ace! Subukan mo siyang lapitan na hindi pa natatapos ang kasunduan, makakalaban mo talaga ako!" Umuusok sa galit si King habang kausap sa cellphone si Ace. Tinukso pa lalo ng binata si King kaya mas lalong nainis ito. "Chill King. Huwag magover acting! Huwag mong kalimutang isang linggo lang ang palugit. Hindi natin alam ang mangyayari sa susunod!" "Alam ko pero habang hindi pa dumarating ang araw na iyon, wala kang gagawing masama sa babaeng kasama ko ngayon!" babala ni King. "Okay Okay! Basta sa akin muna iyong isa!" "Tatlong araw lamang!" kondisyon ni King na mananatili si Maya kay Ace. "Okay! Tatlong araw para pasayahin ako niya!" Hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Ace ay agad binaba ni King ang tawag. Pagkatapos nito ay tinapon niya ang cellphone sa couch. Wala ng magawa si King sa gusto ni Ace tungkol kay Maya kesa si Licca ang pagtripan ng binata. Bumalik ng kwarto si King. Tahimik lamang siyang pumasok sa kwarto pero laking gulat niyang wala na ang dalaga sa kama. "Licca?" Biglang kinabahan ang binata. Nilibot niya ang paningin sa buong silid pero wala ang dalaga. Kinapa niya ang kumot na baka nagtatago lang pero wala. Pinuntahan niya ang banyo na nasa loob lang ng kwarto pero walang Licca roon. "Licca!" pasigaw na tawag ni King. Hindi na siya mapakali kung nasaan ang dalaga. Kaba at takot ang umibabaw sa binata lalo na't bago lang niya nakausap si Ace. "Licca! Nasaan ka?" Nagtungo si King sa balcony. Tinanaw niya ang lugar na abot ng kanyang tingin. Mas lalo siyang kinakabahan ng ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat. Napahawak si King sa railing at napapaunat ang leeg na parang giraffe para matingnan lang ang bawat lugar sa resort. Kita niya ang lawak nito na hanggang sa dagat. Hanggang natigilan lang ang binata nang makita niya ang isang babaeng nakaputi na dahan - dahang naglalakad papunta sa dagat. "Licca?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD