Chapter 14

1519 Words
Napabuntong hininga nalang si Angelica habang sinusuklay ang basang buhok niya. Mag - isa lang siya sa isang napakagandang silid pagkatapos siyang makabihis at dalhin roon. Nakasuot siya ng bistidang may belt tie na nakakabit sa may harapan na mas nagbibigay ganda ng ayos niya at kurba ng katawan. Perfect din ang suot niya na may bohemian style. Hindi rin magpapahuli ang high slit skirt nito na nakakapang-akit dahil kitang - kita ang maputi nitong balat. "Sigh!" Pabagsak na napaupo si Angelica sa malambot nitong kama. Sa pag - iisa niya sa silid ay mas naaalala niya ang mga kaibigan. Hindi niya maiwasang hindi mag - alala kina Maya at Sophie. "Okay lang kaya sila? Sana okay lang sila." ------ Sa isang silid naroon sina Maya at Sophie na magkasamang nakaupo sa sahig. Madungis ang mga itsura nila lalo na ang kanilang buhok na wala na sa ayos. Ang suot nila ay ang dati pa rin nilang suot noong kinuha sila sa kasal ng mga di kilalang lalaki. "Miss Sophie, okay lang po ba kayo?" usisa ni Maya habang pinapahiran ng kanyang palad ang pisngi ni Sophie. "Hindi ako okay! Paano ako magiging okay?" "Miss Sophie.." Napaiyak si Sophie. Hindi na niya mapigilan ang kanyang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata. Mas lalong narumihan ang mukha nito dahil sa make up na wala na sa ayos. Nangingitim na rin ang mga mata dahil sa itim na eyeliner. Mas lalo itong humagolgol. "Miss Sophie tama na po. Tumahan na po kayo." ani ni Maya na namumula na rin ang mga mata dahil naiiyak na rin sya. "Ayoko na! Ayoko na! Kailan ba tayo makakaalis rito!" Hinawakan nalang ni Maya ang kamay ni Sophie. "Magpakatatag ka Miss Sophie." "Nasira na ang aking kasal. Hindi na ako makakasal! Wala na!" Niyakap ni Maya ang kaibigan. Nagpatuloy naman ito sa pag-iyak. "I hate this! I hate this!" sigaw ni Sophie sabay pagsuntok sa sahig ng sariling kamao. "Tama na po. Huwag niyo pong saktan ang sarili. Magpakatatag po kayo." "Kailan ba tayo makakaalis? Kailan?" "Makakaalis din tayo rito. Siguradong may tutulong sa atin!" Sumandal ang ulo ni Sophie sa may dibdib ni Maya. Tumigil na rin sya sa pagsuntok sa sahig. Hindi na rin ito umiyak pero napatulala ito. "Wala na rin si Angelica. Wala na ang kaibigan ko.." "Po? Nasaan po si Miss Angelica?" usisa ni Maya na hindi alam ang nangyari sa kaibigan. "Sapilitan nilang kinuha siya. Nasa kamay na nila si Angelica." sagot ni Sophie. "Huh? Anong ginawa nila sa kanya?" "Siguradong naghihirap siya ngayon na mag - isa. Pinagsasaluhan ng mga walang pusong mga lalaking iyon. Pinags*s*mantalahan siya." "Ano? O hindi." Napatakip ng bibig gamit ang isang kamay si Maya. Naawa tuloy siya kay Angelica lalo na mag - isa ito. Hindi nila alam kung buhay pa ba ang kaibigan. Pumasok ang isang matabang babae sa silid na kinaroroonan nina Maya at Sophie kasama ang isang dalaga na suot ang pangkatulong. Napakaseryoso ng mataba na tinatawag nilang si Madam Bing. Tumayo ito malapit sa kanila kaya napaupo ng maayos ang dalawa na nakaangat ang mukha sa babaeng nasa harapan. Sa likod naman ni Madam Bing ay si Tori na may dalang tray ng tinapay. "Habang narito kayo sa pamamahay ng boss namin, magiging mga katulong kayo!" balita ni Madam Bing. "Ano?" "Ako ang nangangasiwa rito kaya kailangan ninyong makinig at sundin ang aking mga utos." "Teka, anong ginawa namin para ganituhin ninyo kami?" Matapang na tanong ni Maya na naguguluhan na talaga sa mga nangyayari. "Kayo ang kabayaran sa ginawa ng babaeng na may pangalang Stacey!" "Si Ate Stacey?" gulat na reaksyon ni Sophie na siyang kapatid ni Stacey. "Hanggat hindi siya magpapakita at ibabalik ang mga kinuha niya sa boss namin, mananatili kayong bihag. Kayo ang magbabayad sa lahat." Nanggigigil sa galit tuloy si Sophie. Hindi niya maisip na hahantong sa ganito ang lahat. Hindi siya makapaniwala na dahil sa kanyang kapatid ay nagdudusa siya at higit sa lahat ay nasira ang kasal nito. "Si Ate pala ang dahilan..." pabulong ni Sophie na napayuko. Kumalam bigla ang sikmura ni Sophie na narinig nila Madam Bing. Ilang araw na sila sa lugar at di pa sila kumakain. Napahaplos siya sa kanyang tiyan at napapasingkit rin ng isang mata. "Okay ka lang ba Miss Sophie?" "Gutom na ako. Gutom na gutom na ako Maya." mahinang sagot ni Sophie. Suminyas naman si Madam Bing kay Tori kaya lumapit si Tori sa dalawa. Inihagis niya ang dalang limang tinapay sa mga dalaga sa sahig. Nanlaki ang mga mata ng dalawa at nalalaway sa tinapay na nasa sahig. "Kumain kayo." Agad kinuha ni Maya ang isang tinapay. Dali - dali niyang nilamon ito na parang patay gutom. Si Sophie naman ay nandiri itong nakita ang mga tinapay na nasa sahig lamang. Kahit gutom ay pinigilan niya ang sarili. "Miss, kumain ka na.." payo ni Maya na hawak ang pangalawang tinapay. "Kung ayaw mong kumain, huwag kang kumain at mamatay ka sa gutom!" sumbat ni Madam Bing. Kinuha ni Maya ang isa at pinagpag ito bago ibinigay kay Sophie. Sa pagkakataong ito ay wala ng magawa si Sophie. Tinanggap niya ang tinapay at mahinhing kinain ito. Dumating pa ang isang babae na sa aura palang ay napakataray na. Siya si Madam O. Nabigla si Madam Bing sa pagdating ni Madam O na siyang katiwala ni Ace. "Anong ginagawa mo rito?" Usisa ni Madam Bing. Mayabang na sumagot si Madam O. "Narito ako para pangasiwaan din ang mga bihag sa utos ng aking boss." Hinarap naman siya ni Madam Bing. "Nasa teritoryo ka ng aking boss kaya ako ang mangangasiwa!" "Sa pagkakaalam ko ay parehong sangkot ang mga boss natin kaya pareho tayong mangangasiwa sa kanila." Hindi na nagsalita si Madam Bing. "Hindi kita pakikialaman sa mga gagawin mo sa kanila at gayundin sana ang gagawin mo. Gawin mo ang sa iyo at gagawin ko ang tungkulin ko." dagdag ni Madam O. "Sige, sang - ayon ako." Napatingin si Madam O sa dalawa na kumakain ng tinapay. Napa-devil smile pa ito nang napahakbang patungo sa dalawa. May dalawang tinapay pa ang naiwan sa sahig pero inapakan ni Madam O ang dalawa. Namilog ang mga mata ng dalawang dalaga ng makitang tinapakan niya ang mga tinapay. Bakas sa mukha ng madam ang kasiyahan sa ginagawa. "Hayan, kainin na ninyo!" Binigyan ng masamang tingin ni Sophie si Madam O. Sinagot pa nya ito ng pabalang. "Anong tingin mo sa amin hayop at kakainin namin iyan!?" Napalakpak si Madam O sa katapangan ni Sophie. "Marunong ka palang sumagot! Magaling!" Yumuko si Madam O at pinulot niya ang isang tinapay mula sa ilalim ng kanyang sapatos. "Kainin mo kung gusto mo!" hamon ni Sophie. Napangiwi si Madam O. Humakbang siya papalapit sa kinaroroonan ni Sophie. Napayuko ito at desperadang hinawakan ang bibig ni Sophie. Pinisil pa niya ang bibig habang pumipiglas naman si Sophie. "Kainin mo ito!" pilit ni Madam O na ang mga mata ay namimilog sa kasiyahan sa ginagawa. Pilit niyang isubo sa loob ng bibig ni Sophie. Nanood lamang sina Tori at Madam Bing. "Madam, tama na po. Ako na lang po ang kakain!" ani ni Maya na sanay na sa pagiging katulong. "Tumahimik ka!" Hindi nagtagal ay napasok na rin sa bibig ni Sophie. Tumulo nalang ang kanyang mga luha habang tuwang - tuwa si Madam O sa ginagawa. Napaiyak naman si Maya habang pinapanood ang kaibigan. "Simula pa iyan sa pagpapahirap namin sa inyo!" bulong ni Madam O. Samantala, napahiga si Angelica sa kama. Mula sa kama ay pinagmamasdan niya ang bintana na may mahabang kurtina. "Sigh!' Buntong hininga niya. Pumasok ang isang katulong sa silid ni Angelica kaya napabangon ang dalaga. May dalang tray ang maid at nagtungo ito agad sa maliit na pabilog na mesa roon. "Miss Lady, kumain na po kayo." aya ng maid. Inilapag niya pagkain sa mesa at inayos ang plato at iba pa. "Bakit mo ako tinatawag na Miss Lady? Pwede Angelica nalang?" "Kayo po ang masusunod Miss Angelica." Tumayo si Angelica mula sa kama at nagtungo sa mesa. Sa mesa ay naroon ang dalawang putahe. "Kumain na po kayo Miss. Huwag po kayong magpapagutom." "Mukhang masarap." "Opo. Pinahanda po talaga iyan ni Sir King para sa inyo. Kaya kumain na po kayo." Umupo si Angelica sa upuan sa harap ng masarap na pagkain. Napatanong ang dalaga. "Anong pangalan mo?" "Rita po." "Ahh.." "Kumain na po kayo." "Inutos niya ba talaga na ipaghanda ako ng makakain?" "Opo Miss. Ayaw niya pong magutom kayo." "Hmmm.." May biglang naisip si Angelica. Napapabulong siya sa sarili. "Let see.." "Miss, may kailangan po pa ba kayo?" "Pwede mag request ng makakain mamaya?" "Sige po!" "Gusto ko ng spaghetti. Gusto ko rin ng cordon bleu. Gusto ko rin ng kare - kare. Gusto ko ng sinigang!Idagdag mo na rin ang mango float at ice cream." Napakamot ng ulo si Rita. Napatingala siya sa kisame at inalala ang mga sinabi ng dalaga. "Spaghetti, cordon bleu, kare - kare, sinigang.." Napangiwi nalang si Angelica na nakatingin kay Rita. Sa isip nito. "Kaya kaya niyang ibigay sa akin ang mga iyon? Masubukan nga siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD