Chapter 3

1903 Words
Angelica's POV Loko talaga iyong si Hero. Nagawa talaga niyang mag-joke ng ganoong bagay. Mukhang masaya pa siya at excited kapag iba na ang pinag-uusapan kesa sa kanyang kasal. Hindi ko siya maintindihan. Concern ako sa aking kaibigang si Sophie at ayokong masaktan siya sa lalaking iyon. Pero wala akong magawa dahil desisyon ni Sophie na pakasalan siya. Nakilala namin si Hero dahil sa kapatid niyang si Stacey. Pinakilala niya ang binatang iyon sa kanyang kapatid at doon na nagsimula. Patay na patay rin itong kaibigan ko kahit binabalewala lang siya hanggang ngayon na ikakasal na sila. "Sigh!" buntong hininga ko. Naglalakad akong mag-isa sa isang kalye. Naghiwalay na muna kami ng pupuntahan ni Sophie kaya mag - isa nalang ako. Gusto kong uminom ng kape para pampakalma kaya pumasok ako sa isang cafe na nadaanan ko. Pagpasok ko ay diretso akong umupo sa upuan sa may dingding na salamin na kitang - kita ang labas. Lumapit ang isang waiter at kinuha ang aking order. "One cappuccino!" Habang naghihintay ako ay napatingin ako sa labas. Pinagmamasdan ko ang mga taong dumadaan. May matandang mag - isang naglalakad. Meron ding mga teenager na makukulit na dumaan. Ang mga magkasintahan naman ay magkahawak ng kamay. Habang pinapanood ko sila, napangiti ako. I'm happy already with my honeybear. I love him and he loves me so much. Wala na akong hahanapin pa. My honeybear Ted Francisco is the most handsome guy in my eyes and he is my everything. "We will also get married soon!" ani ko sa aking sarili na nagpapa-excite sa akin. Kinikilig tuloy ako kapag iniisip ko na magpropropose siya. Hindi na ako makapaghintay na yayain niya akong magpakasal. I will definitely say "Yes!" Sa kalagitnaan ng aking pagpapantasya, nakita ko bigla sa kabilang kalye si Hero. Si Hero ay may kasamang ibang babae. Napaupo akong tuwid at direktang nakatingin sa kanila. "Si Hero ba iyon?" Napakunot - noo akong napatanong sa sarili. Hindi ko na napigilan ang sarili at napatayo na ako na ang mga tingin ay nasa kanila pa rin. Bigla akong kinabahan at gusto kong makita at masiguro kung si Hero ba iyon. Umalis ako sa aking upuan at iyon din ang pagdating ng inorder ko. "Ma'am, ang order niyo po!" Tumakbo ako palabas ng cafe at pinuntahan ang kabilang kalye kung saan ko nakita si Hero na may kasamang iba. Sa kasamaang palad, pagdating ko roon ay hindi ko na sila nakita. Hindi ko naabutan ang isang binata na kamukha ni Hero na may kasamang isang dalaga. Napalinga - linga ako sa paligid. Nilibot ko ang aking paningin pero hindi ko sila nakita. "Namamalikmata lang yata ako..." May biglang humawak sa aking balikat. Medyo nagulat ako pero lumingon ako sa likod. "Ma'am order ninyo po." "Eh?" Tumunog ang cellphone ni Angelica dahil sa text. -------- Samantala, ready na ang lahat para sa pagkikita ni Stacey at King sa isang luxury hotel. Ni-reserba ng binata ang pinakamaganda at magarang room. They prepared everything mula sa higaan, furnitures, food na nasa mesa with candlelight at romantic music. Nagmumukhang mag-pupulot gata ang gagamit sa silid dahil na rin sa mga talulot ng mga bulaklak sa kama at sa sahig. Handa rin ang mga damit na binili niya para sa dalaga. "Sir King may problema po!" balita ni Mr. Franco. Napasalubong ang mga kilay ni King na humarap sa kanyang assistant. "What do you mean?" "Nakausap namin ang kompanyang hawak si Ms. Stacey at ang sabi nila ay humihingi ng dagdag na bayad po ang dalaga. Sa ibibigay niyang serbisyo sa inyo, kailangan ang bayad ay higit pa. Hindi po siya darating ngayon." Napasuntok ng kanyang kamao sa mesang malapit si King dahil sa galit. He was already expecting that night but it was interrupted. "F*cking sh*t!" Galit na ang kanyang junior na gusto ng makawala at handa na sanang makipags*x pero naudlot lang. Sa galit din niya ay naihagis rin niya ang plorera sa sahig. "Damn it! Mother f*cker!" Walang tigil na pagmumura ng binata. Nagsalita ng mahinahon si Mr. Franco, "Excuse me sir.." "What!?" galit na reaksyon ni King na umiinit na talaga ang ulo. "She will do her service tomorrow if we will give what she wants." dagdag nito. "Go! Triple the price! Give her the VIP chances and all she wants!" utos ni King. Pabagsak na umupo ito sa couch. He is really mad. Umaapoy sa galit ang binata. "Yes sir!" "Tingnan lang natin at di ka pa magpapakita. I want your service My lady!" pabulong na sabi niya sa sarili. Sa kabilang hotel naman kung saan naroon si Ace ay nabalitaan din niya ang nangyari. Siya ang pangalawa na bibigyan ni Stacey ng VIP na serbisyo. "Hindi po natuloy..." balita ni Mr. Randy ang assistant ni Ace. Pumalakpak si Ace at tuwang - tuwa sa nangyari. "Sigurado akong umuusok na sa galit si King. Hindi ko inaasahan ito na maaantala. Kawawa naman siya." "Ano po ang ating gagawin? May sinabi po si Ms. Stacey na kung sino po ang mas malaki na ibabayad ay siyang uunahin niya. She said it privately at walang kaalam- alam ang kompanya sa kasunduan." "Double the price kung magkano ang ibibigay ni King. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Give her what she demands. Gusto kong maging akin siya bago kay King!" "Yes sir!" Palihim man ang kasunduan nila Ace at Stacey tungkol sa pera ay nalaman pa rin ito ni King kaya mas dinagdagan pa niya ang binigay niya para sa dalaga. Hindi rin magpapatalo si Ace kaya binigay rin niya ang mas higit pa sa binigay ni King. King was so disappointed. Nauwi ang paghahanda niya sa gabi sa wala. Dahil sa kabiguan niya ay pumunta nalang siya sa isang high class na bar at doon uminom. Ang naroon ay karamihan mga mayayaman at may kaya. Sa isang VIP couch nakaupo ang binata na harap lamang sa disco stage. May bodyguard ang binata na nakatayo sa gilid na nakasuot ng itim na suit na may sunglasses at kasama rin nila si Mr. Franco. Sa mesa nito ay mga mamahaling inumin at pika - pika. Tahimik lamang ang binata na nanonood sa mga sumasayaw sa disco stage ng bar. Masayang sumasayaw ang mga babae at lalaki kasabay sa tugtog at mga makukulay na mga ilaw na gumagalaw. He sip the wine from his glass while watching. "Sayaw pa!" hiyaw ng mga sumasayaw sa disco stage. "Sophie, huwag kang mahiyang sumayaw!" ani ni Angelica na patuloy sa pag-indak sa tugtog ng musika. Si Sophie naman ay nakatayo lamang sa stage at nahihiyang gumalaw habang si Angelica ay nag-eenjoy na inaangat pa ang mga kamay. "Angelica, uwi na tayo.." "Ano ka ba, let's enjoy! Minsan lang naman tayo rito at libre pa." "Tama!" ani ng isang babae na kasamahan nila. "Minsan lang mag-invite si Martin at dito pa sa isang high class bar. Let's celebrate his birthday!" Nagpatuloy sila sa pagsasayaw maliban nalang kay Sophie na umalis na. Hindi na pinigilan ni Angelica ang kaibigan at nanatili lamang siya sa lugar. "Happy birthday Martin!" hiyaw ni Angelica na itinaas pa ang dalang wine glass habang nasa disco stage. "Happy birthday!" hiyaw ng isa pa. Napansin ni King ang dalaga at kunot - noong tinitigan ito. "She looks familiar?" "Sino po sir?" tanong ni Mr. Franco. "That girl on stage.. parang nakita ko na siya." Napatingin si Mr. Franco sa stage at tiningnan niya ang mga babaeng sumasayaw. Inayos din niya ang suot nitong eyeglasses. Medyo nalilitoang binata dahil sa sobrang liwanag na papalit-palit at ang kakulitan nilang sumasayaw. "Saan po diyan sir?" "Never mind!" Bumaba na si Angelica sa stage at bumalik na siya sa upuan niya. Naroon sa mesa nila ang tatlong lalaki na nagsasabing kaibigan ni Martin. Nakangiting sinalubong nila ang dalaga. "Inom tayo!" Umayaw si Angelica pero giniit nilang uminom ang dalaga sa inihanda nilang inumin. "Sorry.." "Sige na kahit kunti nalang." giit ng isa. Sina Martin at isa pa nilang kakilala na babae ay nasa stage pa at sumasayaw. "Pagbati namin ito sa inyo na mga bago naming kakilala." ani ng isa. "Sige na." "Uhm.. sorry.." "Natatakot ka ba?" "Hindi naman sa ganoon.. kasi.." Palinga - linga ang mga mata ng dalaga na gusto ng makaalis sa kinatatayuan niya. Medyo kinakabahan siya at hindi niya gusto ang mga titig nila sa kanya. Dumating si Sophie at hinablot ang baso na inaalok kay Angelica. "Akin na lang!" seryosong sabi ni Sophie. Medyo nagulat sila. Hindi rin inaasahan ni Angelica na babalik si Sophie at hahablutin niya ang inumin. Nang iinumin na sana ni Sophie ay agad namang hinablot ni Angelica ang baso. Hindi na nagtumpiktumpik pa si Angelica at ininum niya ito sa harapan nila. Natuwa ang mga lalaki at nagpalakpakan sila. Pinaupo nila ang dalawang dalaga. Binigyan pa ng ilang baso ng alak si Angelica. Hindi rin niya hinayaang uminom si Sophie dahil alam niyang bawal ito sa kaibigan. Ang lahat na para kay Sophie ay ininum niya. "Okay ka lang ba? Baka hindi mo na kaya." pag - aalalang tanong ni Sophie sa kaibigan. "Okay lang ako. Huwag kang mag -alala!" Tumayo si Angelica pero hindi makatayo ng tuwid na ito. Ramdam niya ang kalasingan at kakaiba sa katawan. Ang kanyang mga mata ay gusto ng pumikit pero pinipilit niyang idilat. She just shook her head para magising. "I will go to the ladies room!" paalam ni Angelica. Lumakad si Angelica at ang tatlong lalaki ay sumunod sa dalaga. Nang bumalik na sina Martin ay si Sophie nalang ang naabutan nila. "Nasaan si Angelica?" usisa ni Martin na napatingin sa paligid bago umupo. Sophie sip with her juice before answering. Seryosong sumagot ito. "Umuwi na siya!" "Huh? Umuwi na sya?" Ang hindi nila alam ay pumunta lamang ang dalaga sa ladies room. Pagiwang - giwang na ang bawat hakbang niya. Pagkatapos niya roon ay pabalik na sana siya pero hinatak siya ng tatlo sa labas ng bar. "Teka, sa-saan ninyo ako dadalhin?" Ang mga mata ni Angelica ay gusto na talagang sumara. Inaantok na talaga siya at nanghihina rin siya. "Ang tagal naman umipekto ng pampatulog!" ani ng isa sa mga lalaki. Narinig ng dalaga ang pag-uusap nila. "A-anong pa-pa-pampatulog? Anong binabalak ninyo?" Napasandal na ang ulo ni Angelica sa dibdib ng isa sa mga lalaki na hawak siya. Ang isa naman ay di na makapagpigil at hinaplos na ang hita nito. "Don't touch me!" May lakas pa itong iwakli ang palad ng lalaki palayo sa hita niya. "Ang tapang mo talaga!" Hanggang may dumating na mga lalaking naka-itim na suit at sunglasses. Nakahilera silang lumapit sa kanila. Natigilan ang tatlo sa di inaasahang pagdating ng mga bodyguard ni King. "Let her go!" utos ni King na nakatayo na sa gitna. Tuluyan ng pumikit ang mga mata ng dalaga. Sa takot ng tatlo sa mga naka-itim lalo na kay King na astig ang pagkakatayo ay binitiwan nila si Angelica at itinulak patungo sa binata. Nasalo naman ni King ang dalaga na tulog na. Dali - daling tumabko ang tatlo paalis sa lugar. Hindi naman nila hinabol at hinayaan nalang nila. "Sir, anong gagawin ninyo?" tanong ni Mr. Franco. Nasa bisig niya ang dalagang mahimbing na natutulog. Tinitigan niya ang mukha nito mula sa noo, sa mga mata pababa sa ilog at labi hanggang sa cleavage nito. "She looks familiar." "Sir, siya po yata iyong nasa lingerie boutique." "Really?" Napa-devil smile nalang si King. "Akalain mo at magkikita pa tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD