Chapter 36

1407 Words
Pinahanda ni King ang kanilang makakain sa hardin. Sa isang pabilog na mesa ay naroon nakalapag ang iba't ibang pagkain para sa dalawa lalo na kay Licca. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni King na nakaupo sa tabi ng dalaga. Inisa - isang tiningnan ni Licca ang mga nakahaing pagkain. May panghimagas, main, viands, salads, prutas, at mga dessert. Masasarap ang lahat pero tila iba ang hanap. "Ayaw mo ba ang mga pagkain? Sahihin mo lang," dagdag ni King na nag-aalala kay Licca. "Hmmm.." "May gusto kang kainin? Ipapahanda ko." Tinuro ni Licca ang garlic butter na shrimp. Napatingin naman si King sa pagkaing tinuro at binalik ang tinging agad sa dalaga. "Sige kumain ka." "Gusto kong balatan mo ang hipon," nakangusong pakiusap ni Licca. "Huh?" gulat na reaksyon ng binata. "Ako?" Napatango agad si Licca na nakanguso pa rin. Nagmamakaawang balatan ng binata ang gustong hipon. "Si - sige" pagsang-ayon ni King at tinuhog ang hipon ng hawak na tinidor para malipat sa kanyang plato. "Huwag yan! Piliin mo iyong malaki!" dagdag naman ni Licca na halatang sabik ito. "Okay!" Sinimulan ni King na balatan ang hipon na gamit ang tinidor at kutsilyo. Halatang nahirapan itong balatan pero ginawa nya pa rin. Si Licca naman ay nakangiting nanonood sa ginagawa ng binata. "Ilan ba ang gusto mo?" "Tatlo? ah, hindi.. lima!" sagot ni Licca. Nagpatuloy si King sa ginagawa at matiyaga itong nagbalat ng hipon para sa dalaga. Hindi maiwasan ni Licca na mapatitig sa binatang napakaseryoso. Tinitigan niya ang mga mata ng binata pababa sa matangos nitong ilong. Hindi na tuloy maalis ang tingin nito at napapakagat - labi nalang siya. Ilang minuto ay natapos na rin niya. "Heto na!" Inabot niya ang plato na may nabalatang mga hipon. Tinanggap naman ni Licca at inamoy pa niya ito. "Hmm.. mukhang masarap pero..." "Pero..." Naghihintay ang binata sa sasabihin ng dalaga. "Pero ayoko na may garlic. Ayoko nito!" Agad nilapag niya ang plato sa mesa at palinga - linga. Kunot noo namang nabigla si King. "Eh? Pagkatapos ng lahat, hindi mo kakainin?" Pagtataka at paghihinayang ni King. "Ayoko! Basta ayoko!" "Okay, so ano ang gusto mo?" "Hmmm..." Nag - iisip si Licca habang tinitingnan ang mga pagkain sa mesa. Hinintay naman ni King ang sagot pero di niya maiwasang di tuksuhin ang dalaga. "Gusto mo ng saging? Babalatan ko para sa iyo," tukso ni King na kumuha ng isang saging. Siguradong madali lang itong balatan. Napangiti si Licca pero iba ang gusto nito. "Ayoko ng saging, gusto ko ng grapes. Balatan mo ako ng grapes!" "Eh? Di nga?" "Gusto ko ng grapes." Paglalambing ni Licca kay King. "Balatan mo ha." Mukhang sinusubukan ng dalaga ang binata. "Grapes talaga?" Tumango si Licca. Napilitan namang mapangiti si King at sinunod ang buntis. Kinuha niya ang bowl na may grapes. Palihim na natawa si Licca. Inisa - isang binalatan ni King ang mga grapes gamit ang sariling kamay. Pinanood naman ni Licca ang binatang seryosong seryoso sa ginagawa. Maingat ang pagbalat nito lalo na't napakanipis ng balat ng grapes. "Seryoso ka talaga sa gagawin mo?" usisa ni Licca na napahanga sa binata. "Sinabi mo eh. Inutos mo kaya gagawin ko!" direktang sagot nito. "Bakit mo ito ginagawa?" "Para makakain ka na!" "Kung sasabihin kong ayokong kumain ng ganyan, ano ang gagawin mo? Magagalit ka?" Napatigil ang binata sa ginagawa at hinarap ang dalaga. "Edi, tatanungin kita ulit kung ano ang gusto mo. Wala akong pakialam kung ilang ulit pa akong magbalat ng grapes o di kaya hipon." Kumuha si Licca ng isa sa grapes na nabalatan. Ang akala ni King ay susubuin ni Licca sa sarili ang grape pero sa kanya sinubo ng dalaga. Medyo nagulat ang binata at napilitang kainin. Ninguya niya ito habang nakatitig sa dalagang kaharap. "Masarap ba?" tanong ni Licca. Napatango lang si King na di maalis ang tingin kay Licca at gayundin ang dalaga na direktang nakatingin sa mga mata ng binata. "Masama ba talaga siya gaya ng una naming pagkikita?" tanong ng isip ni Licca. Kumuha ng isang grape si King at inilagay sa sariling bibig. Lumapit siya sa dalaga na di kinakagat ang grape sa bibig. Nagkalapit ang kanilang mga mukha hanggang inabot ng bibig ni King ang bibig ni Licca. Itinulak ng dila ng binata ang grape para maibigay sa bibig ng dalaga. Nakadilat ang mga mata ni Licca habang si King naman ay pinagmamasdan ang ginagawa sa ibaba. Makatas ang grape na siyang naghikayat sa dalawa na lasapin ang mga labi ng bawat isa. Nagsimula na tuloy ang dalawa na maghalikan pagkatapos makain ni Licca ang binigay. Pinulupot nito ang kamay sa batok ng binata. Napayakap naman si King kay Licca at tuloy - tuloy na ang masasarap nilang mga halik sa isa't isa. Pinikit nila ang kanilang mga mata at napapatagilid ang mga ulo para malasap lalo. Tumagal ang mga halik nila ng ilang minuto bago sila tumigil. Humiwalay ang mga labi nila at saktong dumating si Mr. Franco. "Boss, may tawag po kayo mula kay Ms. Madonna," balita ni Mr. Franco na hawak ang cellphone. "Madonna?" reaksyon ni King. Kumunot noo naman si Licca. Halata sa kilos nito na naiinis nang marinig ang pangalan ng bruha. Napasulyap ang dalawang binata sa dalaga at nakita nilang napakrus na ng braso sa may dibdib nito. Nagdalawang isip na tuloy si Mr. Franco kung iaabot ba ang cellphone sa boss niya. "Uhm.. boss?" Naisipan ni King na tanungin si Licca. "Sasagutin ko ba? What do you think?" "Bahala ka!" direktang sagot ni Licca sabay tayo sa kinauupuan. "Teka!" Napatayo din si King at sinundan si Licca. Bigla nalang nainis ang dalaga. Hindi niya alam pero naiinis siyang marinig ang pangalan ng dalaga. Kumukulo ang dugo niya lalo na naalala niya ang mga nangyari sa kanya sa kamay ng bruha. "Licca!" "Sagutin mo ang tawag ng babae mo!" "Teka lang!" "Huwag mo akong sundan!" Sa patuloy na paglalakad ni Licca ay di niya napansin na deadend na pala. Nakaharap na siya sa isang mataas ng dingding. "Haist!" inis na reaksyon ng dalaga na napapasipa pa. Tumalikod siya agad para bumalik sa dinaanan pero naroon na si King. Nakasalubong na nito ang binata. "Umalis ka sa dadaanan ko!" Nagkakasalubong ang mga kilay ng dalaga na nakatingin at nag- uutos sa binata. "Ayoko!" Matigas na pagkakasabi ni King. "Nakakainis ka naman. Umalis ka nga! Sagutin mo ang tawag ng bruhang iyon! giit ni Licca na tinutulak si King. Hinawakan agad ni King ang isang pulso ni Licca. Napakaseryoso nito at nilapit ang mukha sa mukha ni Licca. Umiiwas naman ang dalaga. "Bakit ka ba galit? Nagseselos ka ba?" tukso ni King na pangiti - ngiti. "Ako magseselos? Hindi ah! Bahala ka sa buhay mo kung gusto mo siya." "Bakit ka nagagalit?" "Na-amnesya ka na ba? Alam mo bang maraming beses na niya akong sinaktan! Syempre ayoko sa kanya! Naiinis ako sa kanya. Sinaktan rin niya ang mga kaibigan ko." "Okay, naiintindihan ko. Binalaan ko na siya na hindi ka na niya sasaktan!" "Then?" "Uhmm..." Di alam ni King ano ang gustong ipahiwatig ni Licca. "Gusto mo siya?" usisa ni Licca na napapataas noo. "Huh? bakit mo naman naitanong?" "Kung gusto mo siya, sagutin mo ang tawag niya!" "Hindi ko siya gusto! Siya ang habol ng habol sa akin." "Gwapo ka para habulin niya?" pilosopong tanong ni Licca na naiirita pa rin. "Oo, gwapo ako!" "Tse, yabang nito!" Hinila ni King si Licca patungo sa isang puno. Sinandal niya ang dalaga roon. "Ano ba!" reklamo ni Licca na napasandal na sa puno. Nakangiting tinitigan ni King ang dalaga na napakalapit ng mukha sa kanya. Isang pulgada lamang ang layo ng kanilang mga labi kaya di maiwasan nilang mapasulyap sa labi ng kaharap. Ang mainit na hininga nila ay ramdam ng bawat isa. Nagpipigil naman ang binata sa sarili. "Gusto kitang halikan..." bulong ni King. "Halikan mo." Mapang - akit na hamon ni Licca sa binata na pasulyap - sulyap ang mga mata sa labi ni King. Mas lumapit pa si King kaya napapikit ang dalaga na tila naghihintay na mahalikan ng binata. Ngumiti si King nang makitang nakanguso na ang labi ng dalaga na ready na sa halik nito. Bumulong ang binata. "Hahalikan kita kapag kumain ka na!" Napadilat ang mga mata ni Licca. "Eh?" Hindi mapinta ang mukha ni Licca sa pagkabigo na tila napahiya sya sa harap ni King. Sumabay pa ang pagkalam ng sikmura ng dalaga. Nagrereklamo na yata ang baby nila.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD