bc

Virgin Mistress

book_age18+
106
FOLLOW
1K
READ
mistress
twisted
bxg
female lead
small town
cheating
virgin
affair
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Nag-iisang anak si Nathalie Santos ng mag-asawang si Nestor at Aurelia Santos. May-ari sila ng isang malaking kompanya. Fresh graduate ng kursong tourism si Nathalie. Maganda, matalino at seksi. c*m Laude sa isang sikat na unibersidad.

Paano kung ang isang mayaman at unica hija ay nakatakda palang ipambayad ng utang?

Sa pagtakas ni Nathalie ay makikilala niya si Leon Vergara. Ano naman kaya ang magiging papel ni Leon sa buhay ni Nathalie?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Quezon City Tuesday-10:30pm (Third Person’s POV) LUMABAS si Nathalie ng kuwarto niya dahil nauuhaw siya. Pababa na sana siya sa hagdanan nang marinig niya ang malakas na boses ng Mommy niya na tila may kaaway. Agad siyang huminto at nakinig sandali. Lumapit siya sa pintuan ng kuwarto ng kanyang Mommy at Daddy. Idinikit niya sa pinto ang kanang tainga niya upang malinaw niyang marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. "Kung sana nakinig ka sa akin noon ay hindi na sana aabot sa ganito, Nestor!" "Tapos na, nangyari na kaya h'wag mo na akong sisihin pa. Ang gusto ko lang naman ay palaguin ang natitirang pera natin sa bangko," sabi ni Dad. Sandaling natahimik sa loob ng kuwarto. Nanatili pa rin si Nathalie sa kanyang kinatatayuan at naghintay ng mga susunod pa. "Nahihibang ka, Nestor! Kailan ka ba titigil sa pagsusugal? Kapag nawala na sa atin lahat? Bahay, negosyo, ano pa?! Ano pa ang kaya mong waldasin, Nestor?!" "Sampung milyon ang utang ko kay panyero. Isa lang ang paraan upang maisalba ang ating kompanya. Mapupunta kay Ric ang pamamalakad ng kompanya kapag hindi ko iyon nabayaran. Lahat ng shares natin sa kompanya ay mawawala. At ayokong mangyari 'yon," mariing sambit ni Dad. "Anong ibig mong sabihin, Nestor?" Nagpakawala ng malalim na hininga si Nestor bago tuluyang nagsalita. "Matagal nang gusto ni Anton ang anak natin. Gusto niyang maikasal kay Nathalie. Kapag nangyari 'yon ay amanos na kami at wala na akong utang sa kanila." Napalunok ng laway si Nathalie sa narinig. Dumarubdob sa kaba ang kanyang dibdib. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa labas ng pinto. "Baliw ka na, Nestor! Pati anak natin ay gagamitin mo sa pansarili mong interes?! Alam mo ba ang sinasabi mo? Nag-iisang anak natin siya? Saan ang konsensya mo? Meron ka pa ba no'n, ha?!" hagulgol ni Mom. Labis na nagulat si Nathalie at hindi niya matanggap ang mga narinig niya. Agad siyang bumalik sa kuwarto niya at agad na nagbihis. Kinuha niya ang maleta at inilagay ang iba niyang gamit. Nais niyang lumayo muna sa mansyon bago pa siya ipakasal sa lalaking hindi naman niya gusto. Dinampot niya ang susi ng kotse na nakapatong sa mesa. Halos kumaripas siya ng takbo papunta sa parking lot. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Nang makalayo na siya sa mansyon ay itinabi niya sandali ang kotse sa gilid ng kalsada. Buong lakas niyang hinampas ang manibela ng kotse habang umiiyak. "Sh*t! sh*t! Why me!? Why?!" hagulgol nito. Iniyuko niya ang kanyang ulo sa manibela at umiyak nang umiyak hanggang sa may marinig siyang katok sa kaliwang bahagi ng kotse. Agad niyang inangat ang kanyang mukha. Pinunasan niya ang mga luha na naglalandas sa kanyang pisngi at humarap sa bintana. Ibinaba niya ang salamin upang harapin ang enforcer. "B-bakit ho?" tanong niya. "Bawal ho rito mag-park, miss. Lagpas na ho kayo sa limang minuto," anito na hawak pa ang flashlight na naka-on at nakatutok sa baba. "Pasensya na ho, sir. Aalis na ho ako..." Ini-start niya agad ang kotse. "Sige, miss. Okay ka lang ba?" tanong niya. Tumango siya rito at agad niya nang pinaharurot ang sasakyan. Nadako ang paningin niya sa isang sikat na Bar sa Timog Avenue. Binagalan niya ang takbo ng kotse. Luminga-linga siya sa paligid kung may bakante pang parking area. Natuwa siya nang makita niyang may paatras na SUV kaya naman agad siyang pumalit sa puwesto nito. Lumabas siya sa kotse. Tumingin siya sa itaas at binasa ang nagliliwanag na pangalan ng sikat na Bar na iyon. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Tumingin muna siya sa suot niyang damit. Mukhang maayos naman at swak din naman sa pupuntahan niya. Suot niya ngayon ang maiksing short na maong. T-shirt na puti na may tatak na Levi's na pinatungan ko ng black leather jacket. Suot niya rin ngayon ang paborito niyang white rubber shoes. Inilang hakbang nito ang entrance ng bar at pumasok na ito sa loob. Iginala nito ang paningin sa loob ng bar. Maingay at nagliliwanag ang mga dancing lights. Lumapit siya sa bartender. Um-order siya ng drink at umupo sa bakanteng upuan at tahimik na nakamasid. Kinuha niya ang cellphone sa dala niyang maliit na pouch. Hinanap niya ang numero ni Sandra. Alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya. Best friend niya si Sandra simula pa noong college sila. Mabait siya at maaasahan talaga. Naisip niyang tawagan ito para naman may makakausap siya. "H-hello. Sandra.. Frenny, puwede ba tayo magkita?" "Ganitong oras ng gabi talaga? Saan ka ba at napakaingay? At bakit biglaan? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Sandra. Matagal bago ito nakapagsalita. Bumuhos ang mga luha niya at hindi na napigilan pa. "N-naglayas ako sa mansyon. Puwede mo ba akong tulungan? Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Gulong-gulo na ang isip ko." "What?! Are you crazy? Bakit ka naglayas? Ano ba ang problema mo? Sige, hintayin mo ako. I'll be there in thirty minutes." "I-te-text ko sa iyo ang address. Salamat, Sandra, ha? Kailangan talaga kita sa ngayon." "Sige, 'wag ka na umiyak." Ibinaba niya ang cellphone. Mabilis na kumilos si Sandra. Nagbihis siya at agad pinuntahan ang kaibigan. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang SUV dahil sa labis na pag-aalala sa kay Nathalie. Wala siyang ideya kung ano ang problema nito. Sa pagkakakilala niya ay napakamasayahin ni Nathalie at wala nang poproblemahin pa dahil sa mayaman ang pamilya nito. Pagkalipas ng trenta minutos ay narating ni Sandra ang Bar na kinaroroonan ni Nathalie. Agad niyang ipinarada ang SUV. Pumasok siya sa loob ng Bar. Luminga-linga siya sa mga nakaupo sa bawat sulok at hinahanap niya ang kaibigan. Nadako ang paningin niya sa babaeng nakayuko sa mesa at mukhang lango na sa alak. Kilalang-kilala niya ang hitsura ng kaibigan niya kahit pa nakayuko ito. Tinakbo niya ang kaibigan. "Nathalie! Frenny, narito na ako. Anong nangyari sa 'yo bakit ka nagkakaganyan? " Hinimas ni Sandra ang nakalaylay na buhok ni Nathalie. Hinawakan niya ang braso nito at isinampay sa kanyang leeg. Hindi na makalakad ng maayos si Nathalie kaya naman tinawag ni Sandra ang isang bouncer upang alalayan sila palabas ng Bar. Binuksan ni Sandra ang pinto ng kanyang sasakyan at pinaupo roon si Nathalie. Inayos niya ang pagkakaupo nito at nilagyan ng seatbelt. Pagkatapos ay lumabas si Sandra upang ibilin ang sasakyan ni Nathalie sa security guard ng Bar. "Sige ho, Kuya. Babalikan ko na lang po bukas ng umaga ang sasakyan niya. Salamat." Tumalikod na si Sandra at tinungo ang kanyang sasakyan. Umupo siya sa harapan ng manibela at napatingin sa katabi na tulog na tulog na ngayon. "Tsk.. Ano ba ang problema mo, Frenny. Bakit nagpakalasing ka?" mahinang sambit ni Sandra habang nakatingin sa lasing na si Nathalie. Ini-start niya ang sasakyan at umalis na sa lugar. Patungo sila ngayon sa bahay ni Sandra sa Makati. Mag-isa lang si Sandra sa bahay nila dahil nasa Switzerland na namamalagi ang mga magulang niya. Hindi rin magtatagal ay susunod rin doon si Sandra kapag naayos na niya ang mga papeles. Pagdating sa bahay ni Sandra ay agad niyang ginising ang kanyang kasambahay na si Aleng Martha upang tulungan siya sa pagbubuhat kay Nathalie papunta sa kuwarto nito. Tagumpay naman nilang naipasok si Nathalie at nagpahinga na rin sila ni Aleng Martha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook