"OKAY KA LANG?" untag na tanong ni Gatdula sa dalaga habang nakaupo ito sa damuhan sa ilalim ng punong mangga. "Y-yeah. Thanks!" anang Maisha at muling ibinalik ang paningin sa mataas na falls kung saan maririnig at makikita ang malakas na lagaslas ng tubig mula sa itaas ng bundok. Muli na naman itong nagpakawala ng malalim na pagbuntong-hininga na siyang ikinakunot naman ng noo ni Gatdula. "I know we're not okay, but... you can share your problems with me." ani Gatdula at walang paalam na umupo isang dipa ang layo mula sa puwesto ng dalaga. Ilang segundo pang nanahimik ang dalaga bago ito muling nagbaling ng tingin sa gawi ng binata. Seryoso ang hitsura na hindi mahulaan ni Gatdula kung ano ang iniisip nito sa mga sandaling iyon. Like the old spoiled brat Maisha, suot na naman sa mukh