"HERE! Ako na ang maglalagay sa paa mo." anang binata at mabilis na umupo sa marmol na sahig ng kuwarto ni Maisha habang nakaupo naman ang dalaga sa gilid ng kama niya. "Kaya ko naman. Hindi mo na kailangan na gawin 'yan sa 'kin." anang Maisha at iniilag ang paa nang akma na sana iyong hahawakan ni Gatdula. "When I say I'll do it. I'll do it, okay? Just stay put." "E, kaya ko naman kasi—" "Do you want me to kiss you again?" "W-what?" nauutal at biglang tanong nito sa binata at mabilis na lumayo rito nang akma na niya sanang kukunin ang ice bag na hawak nito. "Just to make you shut up, señorita. Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi por que kaya mo ay hindi mo na kailangan ng tulong mula sa iba." panenermon pa nito sa dalaga at muling hinuli ang paa nito. Ipinatong iyon ni Gatdula sa kani