PROLOGUE

1079 Words
PROLOGUE Kabado at medyo namamawis na ang mga palad ni Nathalie Montecarlo sa sobra sobrang tensyong nararamdaman habang nasa clinic at hinihintay ang resulta ng psychological test na kakatapos lang isagawa sa kanya. Lately, she’s been thinking a lot about herself and her future. There’s this thing that she didn’t understand. Confusions filled with her whenever she was thinking about herself and the possibility of her getting married to someone. Hindi n’ya alam kung normal pa bang wala s’yang maramdaman sa tuwing maiisip n’ya ang hinaharap at ang posibilidad na magkakaroon s’ya ng sariling pamilya. She’s thirty but she never really cares about the future. Lalo na sa pagkakaroon ng asawa. Walang wala s’yang makapang kahit na anong interes sa bagay na iyon, o mas tamang sabihing walang wala s’yang interes sa kahit na sinong lalaki? Agad na napakislot s’ya nang may tumikhim sa gilid n’ya. Halos hindi n’ya namalayang bumukas ang pinto ng private office na iyon kung saan sinabihan s’yang maghintay sa resulta ng test na ginawa sa kanya. Naglakad ito palapit sa table nito at agad na hinarap s’ya. “I really don't wanna say this ‘coz I, myself, couldn't believe it would happen to someone who's close to me...” Her psychologist cousin, Jude Aldana, said after a couple of seconds staring blankly at her. Last week ay tinawagan n’ya ito dahil sa sobrang kalituhan sa nararamdaman sa sarili. Agad na sinabihan s’ya nitong puntahan ito sa clinic nito kung saan naroon s’ya ngayon para bigyang kasagutan ang mga tanong n’ya na matagal na n’yang gustong masagot. She remembers how Jude was taken aback when she told him about her condition. Well, sinong hindi magugulat dahil sa mga sinabi n’ya? She’s one of the hottest female models these days at halos sambahin na s’ya ng kahit na sinong lalaki na maka trabaho at makadaupang palad n’ya. Bukod kasi sa magandang mukha at mahubog na katawan, ang pamilya n’ya ang isa sa pinaka maimpluwensyang tao sa business at entertainment industry. Bukod doon ay may kakambal pa s’yang halos walang araw na dumaan na hindi naging laman ng mga entertainment portals dahil sa pagiging babaero nito at kung sino sinong mga babae ang nauugnay sa pangalan nito. At first she really thought that she was just so active with other things that's why she's not really into those guys who’s giving interest in her. But... she just turned thirty and she couldn't just ignore it anymore. Lalo na at ang Daddy at Mommy n’ya ay nagsimula ng magduda kung bakit wala pa s’yang nagiging steady boyfriend hanggang ngayon. Kung ang kakambal n’yang si Vaughan Montecarlo ay kabilaan ang napapabalitang nakaka date, s’ya naman ay walang halos maugnay na lalaki sa pangalan. Kahit na ang ilan sa mga co-models n’yang lalaki na nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho s’ya ay walang ni isa sa mga ito ang napa ugnay sa pangalan n’ya. Maybe, they were so intimidated by her that’s why they never tried to hit on her. At kung may maglalakas loob naman na sumubok na pormahan s’ya ay agad na sinasabihan n’ya itong wala s’yang panahon sa love life dahil masyadong hectic ang schedules n’ya. Lately ay wala na tuloy halos sumusubok dahil alam ng mga ito na mabibigo lang sa kanya. Saglit na natahimik ang pinsan n’ya pero maya't-maya itong tumitingin sa gawi n’ya. “Are you sure you’re... ugh! God, Nath! Are you really sure?” Gulong gulo na tanong nito. Hinawi nito pataas ang buhok at hinubad ang salamin para mahilot ng maayos ang sentido. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay umiling ito na tila hindi pa rin makapaniwala. Kabadong napalunok s’ya. “Yeah...” laglag ang mga balikat na pag-amin n’ya. “I.. am attracted to both men and women, Jude. But I haven’t tried dating a woman yet. I’m afraid I’d confirm it myself that I am really not straight,” parang maiiyak ng pahayag n’ya at napasabunot sa buhok. Narinig n’ya ang buntong hininga ni Jude at naramdaman n’ya ang paglapit nito sa gawi n’ya. Ilang sandali lang ay naramdaman n’yang pinisil nito ang balikat n’ya.   “It actually happened to a lot of people, Nathalie. Kahit kaming mga lalaki ay nakakaramdam din ng ganyan sa mga kabaro namin. But it wasn’t just like the attraction we felt for the opposite s*x. It was a different kind of attraction. But if you ever felt romantically attracted to someone of the same gender, then you can say that you aren’t really straight,” mahabang paliwanag nito. Napailing iling s’ya. Sa totoo lang ay hindi pa yata s’ya nakaramdam ng gano’n katinding atraksyon sa kahit na sino. She really think that she haven’t fell for someone yet. She had crushes in the past but that was it. After some time, it changed and she would eventually find someone new. Gano’n lang parati ang nangyayari. Kaya kahit na nakailang boyfriends na s’ya ay hindi n’ya kahit kailan naranasan ang kiligin na katulad sa nararamdaman ng mga babaeng bida sa mga dramas na napanood n’ya sa TV o nabasa n’ya sa mga libro. Her heart haven’t fluttered for anyone just yet. At isa lang ang naiisip n’yang dahilan no’n. It was because she was actually having a hard time identifying her s****l orientation.   “Or maybe… just maybe,” sabi nito kaya napatingala s’ya kay Jude habang ang mga mata ay nagtatanong at pilit na umaasa na magkakaroon ng posibleng solusyon sa problema n’ya.   “Maybe what, Jude?” Hindi na makapaghintay na tanong n’ya.   “Maybe, you haven’t found the right one yet, Nath,” sagot nito at alanganing nginitian s’ya. “You haven’t met someone who would bother you in everything he does,” sabi nito at nagkibit balikat. “Someone who would make you do things you don’t usually do. And lastly…” sabi nito at tumitig ng diretso sa mga mata n’ya. “Someone who would make you fall deeply in love not just with him but also with your whole being whenever you are with him...” nakangiting sabi nito sabay pisil ulit sa balikat n’ya. Napalunok s’ya at huminga ng malalim matapos marinig ang mga sinabi nito. Agad na napuno ng tanong ng utak n’ya sa mga posibilidad.   Will she ever find that someone?   Iyon ang huling tanong at naging laman ng isip n’ya nang lumabas sa clinic ng pinsang si Jude.   Kung matatagpuan nga n’ya ang taong ‘yon ay sana sa lalong madaling panahon na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD