“Nath, let’s talk…” Palabas na ako sa spa ng isa sa mga ine-endorse kong product nang humarang sa harapan ko si Cyrus. Kumunot ang noo ko. It’s been three months since we broke up and I’ve never seen him after that. He was true to his words that he will respect my decision. Maybe because he was afraid that I would really ask Rowan to interfere with his Dad’s proposal. Tsk! Napakislot ako nang subukang hawakan ni Cyrus ang braso ko. Sa gulat ay agad na binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak n’ya. Kitang-kita ko sa mga mata n’ya ang alinlangan dahil sa nakitang reaksyon ko. “Don’t touch me,” sabi ko kaya agad na umiling s’ya at dumistansya sa akin. “May problema ba, Ma’am?” Sabay kami ni Cyrus na napalingon dahil sa paglapit ng bodyguard kong si Ryan na siguro ay nakita ang ginawa ni Cy