“He is your boyfriend?” kunot ang noo na tanong na naman ni Daddy nang makaupo na kami sa couch matapos kong pormal na ipakilala sa kanila si Rowan. Rowan introduced himself without mentioning his Dad but knowing my Dad, alam kong kilala n’ya na si Rowan kahit na hindi pa s’ya nagpapakilala kanina. “Boyfriend nga, Vodie. Paulit-ulit!” Sabay singit ni Mommy dahil mukhang hindi pa makapaniwala si Daddy at kanina pa nakatitig kay Rowan. Nilingon lang saglit ni Daddy si Mommy bago ibinalik ang tingin kay Rowan. “How old are you? Dave Yu’s eldests are I think… twenty four or twenty five?” kunot ang noong usisa pa rin ni Daddy kaya napapatingin na ako kay Mommy para magpatulong at patigilin na si Daddy sa pang-uusisa. “My sisters are twenty four and I am nineteen, Sir…” pormal na sagot ni Row