Eureka stayed during my whole pictorial to wait for me. Sabay na kasi kaming didiretso sa covered court ng Wesley University para manood ng game. And the whole time that I was in a studio and doing a photoshoot in a mini stage there, Rowan was sitting next to his sister. Hindi ko tuloy maiwasang mapalingon sa gawi nila kahit na alam kong naka-focus lang ang tingin n’ya sa librong hawak-hawak at hindi naman nanonood sa akin. Hindi ko maintindihan pero kabadong-kabado ako at ilang na ilang. Medyo tumatagal tuloy ang photoshoot dahil sobra akong distracted sa presence n’ya! Ugh! Isang beses na nahulog ulit ang sarong sa bewang ko ay napasapo na ako sa noo dahil hindi ko ‘yon maibuhol ng maayos dahil sa sobrang pagmamadali na matapos ang shoot! Nakita kong ibinaba ni Paul ang camera at sa