“Is the power usually out here?” Narinig kong tanong ni Rowan sa kausap n’ya sa phone. Halos isang oras na yata kami dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Medyo malakas din ang hangin sa labas at mukhang ang mga staff ng resort ay nagsi-uwi o kaya naman ay tulog na. Maybe it happens frequently here that’s why they don’t really care if the power is out at this hour. Dahil sino ba naman ang gising pa sa ganitong dis-oras ng gabi? Kung magkakaroon man ng power outage ay paniguradong hindi na ramdam ng mga staff dahil nasa kalagitnaan na sila ng pagtulog. Narinig kong nagpaalam na si Rowan sa kausap at saka naglakad pabalik sa gawi ko at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Kanina ay antok na antok na ako pero nang dumating s’ya ay parang bulang nawala ‘yon at sak