Papasok pa lang kami sa bahay nila ay wala ng ginawa si Euri kundi ang sermonan si Rowan. Lalo na nang tanungin n’ya kung paano kami naging magkasama sa resort ay lalo s’yang nanermon sa kapatid. “What?” hindi makapaniwalang bulalas na naman ni Euri habang pinanliliitan ng mga mata si Rowan. But Rowan still remained unbothered while listening to her naggings. “Tinanggihan mo ng ilang beses ang manager ko dahil sabi mo wala kang balak na maging model–” “I still don’t have a plan of becoming a model, Ate,” mabilis na putol ni Rowan sa sinasabi ni Euri kaya lalong napikon si Euri. “Pero pumayag ka pa rin na maging kapalit ng partner ni Nath! Bakit sa akin dati hindi ka pumapayag?!” tuloy-tuloy na reklamo n’ya pero hindi na s’ya pinansin ni Rowan at humigpit ang kapit sa kamay ko at bumilis