***CORINNE’s POV*** Mabilis kong inayos ang mukha ko pagpasok na pagpasok ko sa maliit na banyo ng yate. Baliktad nga lang dahil imbes na pagandahin ko ay pinapangit ko ang sarili ko. Kailangan, eh. Natigilan ako sa paglagay ng fake freckles sa ibaba ng mga mata ko. Pumasok kasi sa isip ko na baka puwede na pala akong hindi magpanggap na pangit. Nasa gitna naman kami ng dagat at patungong isla na napakalayo sa Maynila, malamang na wala rito sa yate o sa isla ang lalaking naka-hoodie jacket na itim na pumatay sa aking pamilya. “Hindi puwede, Corinne, delikado pa rin,” sa huli ay nalulungkot na sabi ko sa sarili ko. Naisip ko rin kasi na hindi ko kilala ang lalaking iyon, malay ko ba kung saktong naroon pala siya sa isla. Hindi ako dapat pakampante sa isang killer. Itinuloy ko na ang