***JAGR's POV***
“Oohh, Mariel. Ang sarap. Ang galing mo. Sh*t," mahihinang halingling ko habang nakapikit at napapaliyad.
"Jerk!" Subalit bigla-bigla ay natigil ang babaeng sumusubo sa aking pagkal*laki. Nawalan siya nang ganang umalis sa aking kandungan. Pinunas ang bunganga at nakairap sa akin na tumayo.
“Bakit, Mariel? Did I do something wrong?” maang kong tanong sa kanya.
Walang naging salita ang babae habang binabalot niya ng roba ang hubo’t hubad niya na katawan.
Napasinghap naman ako. T*ng ina, lalabasan na ako, eh.
“Aalis na ako!” may himig pagtatampo na sabi na ng babae.
"What?"
Hindi ko siya ng nobya, lalong hindi ko kilala. Nakita ko lamang siya kanina sa nangyayaring thanksgiving party ng Tita kong cosmetic doctor sa ibaba. Naglalandi sa akin kaya pinatulan ko na. Kawawa naman.
Isa pa, naniniwala kasi ako na ginawa ako ng Diyos na lalaki, biniyayaan ng mahaba at matabang pagkal*laki upang magpaligaya sa mga babae kaya wala akong karapatan na tanggihan ang paglalandi niya.
“Tama ang hula ko na isa ka ngang babaero," masama ang loob na hayag pa ng babae.
Bumuntong-hininga ako. Kaysa sabayan ang pagtutupak niya ay bumangon ako't niyakap siya mula sa likod. “Bakit? Anong problema, sweetheart?”
“Bitawan mo nga ako!” subalit ay piksi niya. Nagpapakipot. Pasalamat siya't maganda siya at magaling sa kama. Actually, pangalawang round na namin ito pero tigas na tigas pa rin ang sandata ko. Kung ibang babae lang siya na gusto kong tikman, malamang kanina pa sana ako nagsawa sa kanya. Sobrang wild niya kasi. Kayang-kaya niya na painitin ulit ako kaya ang rule number one ko na isang ligaya lang ang ibibigay ko bawat isang babae ay binali ko mismo.
"You’re just fooling me. Wala kang balak na seryosohin ako. Titikman mo lang ako. Hindi mo talaga ako gusto."
“Ano bang sinasabi mo, Mariel? Of course, I like you. I have feelings for you. Hindi naman kita yayain dito kung wala akong gusto sa 'yo," I said with a smile.
Nang hindi sumagot ang babae ay hinalikan ko siya sa batok, sa balikat, sa leeg. Sinabayan ko pa iyon ng pagkapa sa hita niya. Sinikap kong ibalik ang init sa katawan niya. Kailangan kong matapos. Kailangan kong labasan ulit kung hindi ay sasakit ang puson ko hanggang bukas.
Makaraos lamang ako ulit ay bahala nang mag-inarte ang babaeng ito. Wala na akong magiging pakialam. Katulad ng mga ibang babae na mga naka-one-night stand ko ay bukas na bukas din ay hindi ko na siya kilala.
I am Jagr Salvatore, and I don't believe in love and all that happily-ever-after crap that women crave for. For me, love is just a game, nothing more.
"That's it, baby." Naginhawaan ako nang pumihit na paharap sa akin ang babae. Ngumiti ako rito at marahang hinubad ko ulit ang robe niya.
“Oh, Mariel, you’re so beautiful. Para kang anghel na iniregalo sa akin ng langit,” pambubula ko pa sa kanya.
“Bastos ka!” Anong pagtataka ko nga lang ulit nang bigla niya akong itinulak at sinampal.
“What was that?” hand on my reddened cheeks, I asked angrily. Nagsalubong talaga ang mga kilay ko dahil nauubos na ang pasensya ko.
“Mariel ka nang Mariel! Sino ba si Mariel?! Hindi naman ako si Mariel! Ako si Denissa at hindi si Mariel!” singhal naman sa akin ng babae.
My eyes widened. Oh, no!
“Sino ‘yon?! Sino si Mariel?! Siya ba ang girlfriend mo?! Akala ko single ka?! Iyon ang sinabi mo sa akin kanina sa ibaba kaya sumama ako sa 'yo rito!" Umiiyak na ang babae na... na Denissa pala ang pangalan.
F*ck, saan ba kasi galing ang Mariel na kanina ko pa ibinibigkas? Nakakahiya. Pati ang kaninang tigas na tigas na batuta ko tuloy ay biglang nanguluntoy sa nararamdamang kahihiyan.
"Mahal mo ba si Mariel?" tanong niya habang patuloy sa pagluha.
"Syempre hindi. Wala nga akong kilalang Mariel. Buong akala ko talaga ay Mariel ang pangalan mo. Maniwala ka," kako. Nilagyan ko nang pagsusumamo ang timbre ng tinig ko. Dapat na maamo ko siya kundi sakit na naman siya sa ulo. Tiyak na magiging katulad na naman siya ng mga babaeng galit sa akin na kung anu-ano ang pino-post sa social media kesyo niloko ko lang daw sila.
"Sinungaling!"
Nag-panic ako nang biglang parang magbibihis na siya.
"Please, dito ka lang, Dennisa." Ikinulong ko siya nang mahigpit sa mga yakap ko.
"Ayoko. Sinabi ko na sa 'yo ayoko ng babaero." Nagpumiglas siya.
Hindi ko naman ininda sa halip ay mariin ko siyang siniil ng halik. Madami nang babae ang dumaan sa mga palad ko, sanay na ako sa tulad niyang pakipot at madamdamin.
Hanggang sa huminto na nga sa pagpalag ang babae. At nang buhatin ko siya patungo sa kama ay nagpatianod na rin siya.
"Ayoko na sa 'yo," aniya pero hindi na mahihimigan ang pagtutol.
"Tell me that later, baby," I said through wheezing breaths. Masuyong hinubad ko ulit ang roba niya. Then I kissed her once more, my lips conveying a depth of tenderness words couldn't express. My hand on her breasts and fondled each n****e fondly. Nang magsawa ako sa labi niya'y bumaba ang halik ko sa kanyang tainga, nangingiliting pinasok ko ang dila ko doon, tapos bumaba ako sa panga niya hanggang sa lalamunan niya, pababa sa collar bone niya. In seconds, my mouth closed on her breast.
Narinig ko ang marahang pagsinghap niya. Iyon pa lang ay halos bumaon na ang mga kuko niya sa mga braso ko na kinakapitan niya. Nalulunod na ulit siya sa matinding sensasyon.
At gawa ng takot kong magbago na naman ang isip niya, inangkin ko na siya agad upang matapos na ako. I thrust her roughly and deeply.
"Ooohhh!" sa tuwina ay mahabang ungol niya. "Sh*t, ang sarap. Sagad na sagad ang t*ti mo sa akin, Jagr."
Kagat ang labi na napangiti ako habang binabayo ko siya.
"Oops!" Nga lang ay pilyang tigil niya nang lalabasan na sana ako.
Nakakunot ang noo ko na napamata sa magandang mukha niya.
Matamis na ngumiti siya at dumausdos paibaba. Hanggang ang ulo niya'y napunta sa harapan ko at isinubo ang akin.
"F*ck!" Naisuntok ko ang kamao ko sa unan sa ginagawa niya. Ang hitsura ko'y parang nagpa-plank habang bino-blowjob. Heaven. Masarap.
"Ouch!" Subalit anong pagtataka ko na ang sarap na dapat magdadala sa akin sa ikapitong langit ay naging mahapdi.
"Jagr, dinudugo ka!" mayamaya ay nabahalang hiyaw na ni Denissa sa ibaba ko.
"Oh, sh*t! What happened?!" Nilukoban din agad ako ng takot nang makita ko ang madaming dugo na lumalabas sa aking taguro.
"What did you do?!" bulyaw ko kay Denissa nang tumihaya ako. Nangininig ang kamay ko na hindi alam ang gagawin kung hahawakan ba ang ano ko o hindi.
"W-Wala. Hindi ko alam," nerbyos na nerbyos na sagot niya.
"T*ngna! Humingi ka ng tulong sa labas! Iyong pinsan ko na doktor! Tawagin mo do'n! Bilis!" pabulyaw na utos ko sa kanya.
"Sige, sige!" Matapos niyang isuot ang roba ay nagmamadali na siyang lumabas ng kuwarto.
Naiwan ako ro'n pansamantala na hindi pa rin alam ang gagawin. Nang makapa ko ang kumot ay iyon na lang ang ipinantakip ko sa nagdudugong pagkalal*ki ko at pinilit umupo sa gilid ng kama.
Sa unang pagkakataon, nararamdaman ko na ngayon ang pinakamatinding takot sa tanan ng buhay ko.
Tangna, I can't live without my f*cking p***s! Ito na lang ang nagpapaligaya sa akin!
“Dito po. Dito po, Sir.” Mayamaya ay narinig kong boses na ni Denissa.
“Jagr!” tawag ng pinsan ko sa akin nang makita niya ako.
“Zrion, help,” sabi ko naman habang namimilipit sa sakit. Ramdam na ramdam ko na ang hapdi.
Nilapitan niya ako at sinuri. “Why are you bleeding? What happened?”
“Jagr, nabalian ka ba ng paa?” tanong din ni Felicity. Kasama pala siya ni Zrion. Siya ang kanang kamay ni Tita Vicky na nagdidiriwang ngayon ng kaarawan sa ibaba ng villa, na mommy naman ni Zrion.
“No!” angil ko kay Zrion nang akmang tatanggalin niya ang kumot na tumatakip sa kandungan ko.
“Dapat kong makita ang dumudugo sa ‘yo,” aniya.
“Hindi po kasi ang paa niya ang dumudugo, Doc,” sabad ni Denissa.
“Then what?” Nawiwirduhan si Zrion na tumingala sa kanya.
“Iyong ano po. Iyong ano po niya. Iyong pagkalal*ki niya po,” nahihiyang sagot ng babae.
Kitang-kita ko na sabay-sabay silang lahat na lumaki ang mga mata. Si Zrion, si Felicity, at ang mga taong nakikiusyoso.
Damn, sana kainin na lang ako ng lupa.
"Puwede bang isara niyo ang pinto!” galit-galitan ko na lamang upang pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman ko.
Sinunod naman ni Felicity ang utos ko. Tinungo niya ang pinto at humingi ng paumanhin sa mga usyosero bago isinara.
Makahulugang napatitig naman sa akin si Zrion. Umiling-iling.
“Hoy, insan, anong ibig sabihin niyan? Hindi mo ako gagamutin?” Nabahala ako sa reaksyon niya.
“Teka, Jagr. Ano ba kasing nangyari?” usisa na ni Felicity sa akin.
Tumingin ako kay Denissa. Sumunod ang tingin nina Zrion at Felicity.
“Kagagawan ko po. Napalakas po yata ang pag-lollipop ko sa ano niya,” yukong-yuko ang ulo na paliwanag ni Denissa.
Lumaki parehas ang mga mata nina Zrion at Felicity. Sabay na ibinalik nila ang nanunuring tingin nila sa akin.
“Malay ko bang may pagkahalimaw pala ang babaeng ‘yan,” pagrarason ko naman.
Ang lakas nang naging buntong-hininga ni Felicity. “Ngayon ka pa talaga nag-eskandalo. Lagot ka kay Doktora."
“Saka na ang problema na ‘yan,” angil ko. Takot ako sa Mommy ni Zrion pero malakas naman ako sa kanya kaya wala akong bahala masyado. Pagkuwa’y tiningnan ko si Zrion. “Insan, gamutin mo na ako, please? Huwag mong hayaang dalhin pa ako ospital. Mas nakakahiya kapag gano’n.”
“Hindi ko magagamot ‘yan dito. You need to be taken to the hospital. Kailangan maoperahan 'yan,” subalit ay sabi niya.
Gusto ko na talagang magwala. “Kainis!”
“Felicity, tumawag ka na sa Malvaro. Ipasundo mo sa chopper ang pasyente habang magsasagawa ako ng first aid,” utos ni Zrion kay Felicity.
Habang tumatawag ang dalaga ay sinuri na nga ni Zrion ang nalaslas o nabali kong kuwan.
“Ano, insan? Mabubuhay pa?” ngiwing-ngiwi na tanong ko sa kanya pagkatapos.
“I hope so,” pananakot niya sa akin.
“Anong I hope so? Sabihin mo ang totoo." Halos bulyawan ko siya. Ang labo, eh.
“Sa tingin ko ay ruptured sclera siya. Kailangan nga talagang operahan agad,” seryosong aniya habang sinusuri pang maigi ang kuwan ko. Halatang gusto niya akong tawanan, pinipigilan lang niya. Subukan lang niya.
“Ganyan ang napapala ng sobrang l*bog. Wala na ‘yan magiging silbi. Putulin na ‘yan,” biro naman ni Felicity.
“Will you shut up!” Umaktong tatadyakan ko siya pero napadaing na naman ako sa sakit gawa ng pagkilos.
“Bakit?! Totoo naman!” pang-asar pa sa akin ni Felicity saka inginuso ang babae. “Pang-ilan na ba siya ngayong gabi lang? Kamanyakan mo, eh.”
“I said shut up!” bulyaw ko na talaga sa kanya.
“Nakatawag ka na ba sa ospital?” sabad na tanong ni Zrion kay Felicity.
“Oo.”
“Dapat sinabi mong bilisan nila dahil kapag hindi naoperahan ito agad ay mahirap na,” sabi pa ni Zrion na lalong nagpakaba sa akin.
“Sinabi kong utos ni Doktora Vicky kaya fifteen minutes nandito na siguro sila," sabi naman ni Felicity.
“Good.” Tumango-tango si Zrion.
“Bakit, insan? Anong mangyayari kapag hindi ako madala agad sa ospital?” nahintakutan kong tanong.
Pilyong ngumiti siya sa akin. “Of course, hindi na ‘yan titigas kahit kailan.”
“Nooooo!” napangawa na talaga ako na parang bata.