bc

when I have love you

book_age18+
103
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
family
pregnant
drama
heavy
campus
friends
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

Alexandria Nicole Miranda is a passionate, loving and introvert person. Isa siyang magandang halimbawa ng beauty and brain. Dahil sa pagsususmikap sa pag-aaral ay nagkaroon siya ng scholarship at pagkakataong makapag-aral sa isang prestihiyosong universidad sa Maynila. Kahit mahirap para sa kanya, ay sinunod niya ang payo ng kanyang guro at nag-aral doon para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

Paolo Andrew De Guzman is a happy-go-lucky, extrovert, and wealthy man. He is contended in his life. He has a beautiful girlfriend, a good circle of friends who he can always lean on, and money. He couldn’t ask for more. But happiness isn’t always on your side because she met a woman that ruin his dream and life. Ang mga pangarap na binuo niya kasama ang kasintahan.

Kaya bang baguhin ng pagtitiis at paghihintay ang pagmamahal ng isang tao?

Pero paano kung napagod na siya?

Hanggang kailan niya kayang maghintay?

chap-preview
Free preview
Prologue
Hindi ko inaasahan na ang isang masayang gabi para sa akin ay magdudulot na isang malaking gulo. Gusto ko lang naman ang makasama siya ng kahit isang beses lang, gusto ko lang naman takasan ang pressure at responsibilidad ko pero bakit ganito? "Tay, parang awa niyo na po," nanghihina kung sabi, hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa paglabas ng apartment ko. Takot na takot ako sa maari niyang magawa. Kararating lang nila Nanay mula Tarlac nang malaman nilang buntis ako at hindi ko aminin sa kanila kung sino ang ama. Pinapahid ni Apple ang likod, hinahabol ko ang paghinga sa kanina pang pag-iyak. "Hindi!" matigas nitong tugon sa akin. Nagtaas ako ng tingin sa kanila at tanging galit, lungkot at dismayadong mga mata lang ang nakita ko sa kanila. "Tay, please hindi po niya ginusto yung nangyari, ako po ang may gusto nito," pagmamakaawa ko kay Tatay. Lumuhod ako sa harap niya. Lumuluha siyang tumingin sa akin. Nakakupit ang kamao, pinipigil ang sarili sa maaaring magawa niyang magawa sa akin. "Hindi ako papayag na hindi ka panagutan ng gunggong na bumuntis sayo!" nanggigil niyang saad, kinuha ang dala niyang itak na mas nagpa kabog ng dibdib ko. "Hindi ako papayag na maging bastardo ang apo ko!" galit niyang turan at tuluyan ng lumabas. Sumunod kami ni Nanay sa kanya. Umiiyak na rin si Nanay, sinubukan ko siyang hawakan pero hinila niya lang kamay niya at hindi na tumingin sa akin. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ang gagong yun!" sigaw ni Tatay nang tuluyan na kaming nakalabas. Pinagtinginan kami ng mga taong naglalakad sa kalsada. Nakiususyo na rin kapwa kung tenant na nakasilip sa mga bintana. Tinignan niya ako pero iniling iling ko ang ulo ko, ayaw sabihin kung nasaan ang lalaking nakabuntis sa akin. Wala siyang kasalanan dito. Ako ang may kagagawan nito. Ako lang ang may gusto nito. "Ria!" banta niya na parang kidlat na lumukob sa kaloob looban ko. Parang ilog ang masaganang luha na kahit anong pahid ko ay hindi maubos ubos. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Sobrang sakit sa akin nakikita ang mga magulang kong galit at dismayado sa akin. "Sundin mo na lang ang Tatay mo Ria," bulong sa akin ni Apple. Patuloy sa pagpahid ng likod ko. Tinignan ko siya, nginitian niya ako para ipaalam sa akin na hindi niya ako iiwan. Hinawakan niya ang kamay ko, if she is not here, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit nanghihina sa mga nangyayari, pinilit kung humakbang para parahin ang papalapit na taxi. Inilalayan ako ni Apple papasok dito nang tumigil ito. Sa katabing upuan ng driver umupo si Tatay at sa passenger seat naman kami ni Apple at Nanay. "Sa An---- Anderson University po ma--- manong," nanginginig na sabi ko, patuloy pa rin sa paghikbi. Tumingin sa akin ang driver, nagtataka sa kasalukuyang kung sitwasyon. Namumugto ang mata at parang latang gulay, dahil sa ilang gabing pag-iyak. Napansin ito ni Tatay kaya nagsalita siya. "Nagpabuntis!" mahina at may diing saad niya. Diretso lang ang tingin sa kalsada. "Iba na talaga ang kabataan ngayon," turan nito. Nakita ko rin ang pag ngiwi nito sa akin. "Mahirap na nga ang buhay ngayon ineng, hindi mo man lang naisip ang paghihirap ng magulang mo sa iyo," umiling iling ito, nanghihinayang at hinuhusgahan ako sa parehong pagkakataon. "Siya na nga lang inaasahan naming mag asawa na mag-ahon sa amin sa hirap, pero wala ehhh, bumigay," paglabas ng sama ng loob sa akin ni Nanay na kanina pa tahimik. Mas lalo akong naiyak, naramdaman ko rin ang pagyakap ni Apple sa akin. Ramdam ko ang hinanakit at panunumbat sa kanila. Mas dumoble ang takot ko nang tumigil ang sasakyan sa malaking gate ng Anderson University. Nagtinginan sa amin ang mga estudyanteng nakakita sa pagbaba namin. Agaw pansin ang suot ni Nanay at Tatay na kupas na long sleeves at pantalon na may bahid pa ng putik. Dirediretso ang lakad ni Tatay kahit pinipigilan siya ng naka on dutyng guard dahil sa itak na dala nito. "Sir bawal yan dito!" sigaw nito kay Tatay. Binitiwan ito ni Tatay at ibinigay sa guard pero nagpatuloy pa rin siya sa malawak na hallway ng unibersidad. Sumunod kami sa kanya. Lumapit si Apple sa kanya, para gabayan siya patungo sa building nila Paolo, ang lalaking nakabuntis sa akin. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko, pero tahasan akong hinila ni mama, mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya nasasaktan ako. "Nay, masakit po," mahina kong saad sa kanya, marahas niya itong binitiwan. "Bilisan mo ang maglakad!" madiin nitong utos sa akin. Napatigil sa ginagawa ang lahat nang nasa classroom kung saan naroon sina Paolo at mga kaibigan niya. Masaya silang nagtatawanan, pero natigil ng mapansin nila ang pagdating namin sa harap ng pintuan. Nag angat siya ng tingin at walang emosyon akong tinitigan. Sinugod agad siya ni Tatay nangmakita siya at malakas na sinapak dahilan para mawalan siya ng balanse at mapasubsub sa sahig. "Tayyyyy!" hikbi ko at tumakbo papalapit sa kanya, pinipigilan ang mga suntok na iniaamba niya ulit kay Paolo pero sa akin tumama dahilan nang malakas na pagtumba ko. "Tatay parang awa niyo na po! Umuwi na tayo," pagmamakaawa ko. Pinilit kong tumayo at mahigpit siyang niyakap pero tinulak niya lang ako. "Gago ka!" galit na sigaw nito, dinuro duro si Paolo na papatayo na. Nilapitan niya ulit ito at kinuwelyuhan. "Pananagutan mo ang anak ko o idedemanda kita!" malakas na sigaw ni Tatay sa kanya, at sinapak pa ng isang beses. Umiiyak na rin si Nanay at tinulungan na ako sa pag-awat kay Tatay. Ang mga kaibigan naman ni Paolo ay nanatili sa pwesto nila, hindi nangingialam. "Mayaman ka nga! pero di ka marunong manindigan sa ginawa mo!" duro ulit ni Tatay dito. Niyakap ko na si Tatay at pilit na inilalayo kay Paolo. Mas dumami ang mga estudyante sa labas, pinapanood ang mga nangyayari. "Ganyan naman kayong mayayaman! Marami nga kayong salapi pero wala kayong paninindigan!" humihikbi ng sigaw ni Tatay. Tumingin siya sa mga taong nasa paligid at nakita kung ang pangliliit niya. Naaawa ako sa sitwasyon namin. Napalilibutan kami ng mga taong nakaka-angat sa buhay. Lumakas ang bulungan sa labas at napatingin kami sa pintuan ng makita ang pagdating ni Eduardo De Guzman, ang ama ni Paolo. May kasama itong mga prof, guard at ang dean ng university. Lumapit ito sa amin at matamang tumingin kay Tatay. Nag angat ito ng tingin kay Paolo na ngayon ay nakatayo, putok ang labi at may sugat sa kilay. Dinaanan ako nito ng isang tingin. "Huwag kayong mag-alala Mr. Miranda, pananagutan ng anak ko ang anak niyo," Simpleng saad nito, lumapit kay Paolo. May binulong ito rito, pero nanatili itong walang emosyon na nakatingin sa akin. "Ihanda mo na ang mga gamit mo hija, sa poder ka na ni Paolo titira simula sa araw na ito," turan ni Sir Eduardo sa akin, bago umalis kasunod ng mga guard niya. TULALA pa rin ako habang naka-upo sa sofa sa living room ng Condo ni Paolo. Napakabilis ng mga pangyayari. Pagkatapos ng nangyari sa school ay umalis kaagad sila Nanay ng hindi man lang ako kinakausap. Sinundo rin ako agad ng mga tauhan ni Sir Eduardo, pagkatapos kung iimpake ang mga gamit ko. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumunta sa kusina, mag aalas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Paolo. Wala siya dito kanina ng ihatid ako dito. Nagugutom na ako, pero bumalik ulit ako sa living room, ayaw pakialaman ang mga gamit niya dito. Hindi ko pa nalilibot ang condo, pero masasabi kung malawak ito. Dahil ang living room nito at kasing lawak na ng isang classroom namin noong high school. Nagising ako mula sa pagkakaidlip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo. Pagewang gewang na pumasok si Paolo. Nakabukas na ang tatlong butones ng kanyang polo. Ngumisi ito ng makita ako at gegewang gewang na umupo sa tapat kung sofa. Yumuko lang ito ng ilang sandali pero napansin ang pagyugyug ng kanya balikat at ang Unti unting paglakas ng kanyang hikbi. Nanikip ang dibdib ko, at tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko. Mula sa pagkaka-upo ay tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin. Namumula ang mga mata. Lumuhod ito sa harap ko. "I am begging you Ria, please don't do this to me," humihikbing saad niya. Mas lalo ako umiyak ng makita siya magmakaawa sa harap ko. "I'm sorry Paolo," humihikbing saad ko. "I can't live without Sam," mahinang sabi niya na sumaksak ng ilang milyong beses sa puso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
157.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.9K
bc

His Obsession

read
98.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
7.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook