Bagay na hindi niya kinatawa bagkus ay naging matiim ang titig sa naka-freeze na larawan ni Frederick Villareal sa laptop.
"Si Black Dragon, kailan ang balik?" pag-iiba niya ng usapan nila. Nasa Amerika kasi ang lider nila at nagpapagaling.
"Anytime raw. Sabi, may nahanap siyang isa na sasama sa atin sa grupo. Anim na tayo, girls," masiglang wika nito. Tahimik naman si Angelic sa sulok at tila abala sa kinakalikot nito. IT specialist ito at mahusay sa lahat ng programming at maging sa hard drive.
"Any news from Alexis?" tanong niya sa mga kasamahan. Mula kasi nang simulan nito ang misyon kay Stoneman ay bigla itong naglaho.
Si Sundee ang sumagot. "Wala pa rin, ilang gabi na kaming under surveilance sa bahay ni Greg. Mukhang wala doon si Alexis!" pagbibigay alam nito.
Nababahala na rin sila dahil missing in action ang kaibigang nasa misyon. Gayun pa man ay kailangan nilang kumilos din sa sarili nilang misyon. Habang wala pa ang lider ay hindi pa sila gaanong makakagalaw.
Alas singko na ng hapon nang makabalik siya sa bahay ng mga Villareal. Doon ay nakita ang mag-ama na kalaro ang mga alaga. Sa lapag ay nagkalat ang mga nakasaboy na pop corn na ginagapang-gapang ng dalawang paslit. Napailing na lamang siya at tila wala namang pakialam ang ama nila. 'Sabagay, ano naman ang aasahan mo sa Papa's boy,' aniya sa isipan.
Wala siyang masabi sa kakulitan ng dalawang paslit samantalang si Drove naman ay busy sa iPad nito.
Abala rin naman ang mag-ama sa pinapanood na basketball game. Hindi pa nga nag-abala ang mga itong tignan man lamang siya. Hanggang makita ang dalawang paslit na tumayo sa paanan ng ama nito.
"Baby, Daddy is busy. Sit here?" ani ng lalaki saka pinaupo sa tabi ang paslit na animo ay alam na nito ang sinabi niya.
Maya-maya ay hinawakan ang paslit ang remote control na nasa tabi at walang anu-anong pinalo iyon sa mukha ng Daddy nito. Dahilan para hindi mapigilang mapataw ng malakas. 'Buti nga sa'yo!' aniya sa isipan.
Hindi maipinta ang mukha ni Direck na tumingin sa anak sa biglang pagpalo ng remote sa kanya. Nang tumingin siya ng matiim dito ay nagbunghalit pa ang tawa ito na animo'y gustong-gusto ang ginagawa sa kaniya. Saka binalingan ang pinanggalingan ng malakas na pagtawa na animo'y tuwang-tuwa sa ginawa ng paslit sa kaniya at doon ay nakita ang yaya ng mga anak.
Muling ihahampas ng maliit na kamay ng paslit ang remote nang hawakan iyon ni Direck at nakipag-agawan dito.
Doon ay muling umiyak ang bata at nang marinig nito ang iyak ay binabalik na naman ang remote kasabay nang pagso-sorry dito. Muli ay naisip niya tila ba itong bata na inaagawan ng laruan.
Mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng paslit na umiiyak. Dahil malapit na malapit lang ang lalaki ay hindi niya ito mapigilang pasaringan.
"Para kang bata. Pati anak mo pinapatulan mo," deretsahang wika rito saka kinuha si Dale.
"What did you say?" mariing wika nito.
Napalingon muna si Haidee sa matanda ngunit tulog pala ito kaya sinalubong ang titig ng lalaki. "You heard it right. I told you so many times," aniya rito.
Hinablot nito ang braso niya. "Wait, baka malaglag ang anak mo!" mariing salag sa lalaking tila galit na.
"Hindi ba sabi ko huwag na huwag mong sasabihin iyan?!" ngitngit nitong wika sa kanya saka siya binitawan.
"Then act like a father," aniya.
Lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Akala niya ay hahalikan ulit siya nito ngunit muli ay nagsalita ito. "Huwag mo akong subukan, Haidee," anito malapit na malapit sa mukha niya.
Naningkit ang mata ni Haidee. "Don't try me either," balik banta sa lalaki.
Nang tuluyang nanggigil si Direck ay hahawakan niya sana ang braso ng babae nang matigilan silang dalawa.
"Ma...ma...mama...ma" tinig ng paslit.
Nagkatinginan silang dalawa sa sinabing iyon ng paslit. Ang galit na mukha ni Direck ay napalitan ng saya.
"What did you say?" anito sa kalong na paslit. "Say, Papa!"
"Ma...ma.." ulit ng paslit.
"I said Pa...Pa!" ulit nito.
"Ma...ma..."
Gusto nang tumawa ng malakas si Haidee sa nakikitang pagpipigil ng lalaki. "Papa! Papa!" anito upang gayahin ng bata.
"Ma...ma...ma..." ani ng paslit saka yumakap sa kanya.
Napapangiti siya nang biglang bumaling ang lalaki sa kanya. "Is there something funny?" seryosong wika nito.
"Your face!" aniya sabay tutop ng bibig. Naisatinig pala ang nasa isip. "Ahemmmm! Hhmmmmm I mean your son. I'm just happy he had his first word," kaila na tila hindi pa ito naniniwala.
Nang ilang saglit ay papasok sa kabahayan ang isang maarteng babae. Napakunot-noo si Haidee nang makita ang babaeng papasok.
"Honey, I'm here na," maarteng wika nito saka dumeretsong halikan ang lalaking nasa harapan.
Nang agawin sila ng tinig ni Drove. "What's that girl doing here?" nakahalukipkip nitong turan.
'Aba! May pakinabang din pala ang pagiging maldito s***h demonyeto ng batang ito,' aniya sa isip sa ginawa ng nakakatandang anak ng lalaki.
"Hey, young man. What is that attitude?!" saway ni Direck sa asta ng anak.
Mas lalong nainis ang bata at umirap sa ama at sa babaeng bagong dating. "I don't like her?" tahasang wika nito.
'Sige! Inisin mo pa, Drove! Show me some swag!' aniya sa isipan dahil nakitang titinigan pa siya ng babae mula ulo hanggang paa.
"Drove, enough. Respect her," galit nang tinig ng lalaki. At hindi na matagalan ni Haidee ang pagbubulyaw ni Direck sa anak nito.
"Prrrrrrrrrrrrttttt!" anito na tila referee. "Time out muna. Pati ba naman bata papatulan mo talaga?" angal niya sa lalaki. Doon ay bumaling ang babae sa kanya.
"Sino naman itong Manang na ito?" tanong nito sabay turo sa kanya.
'Manang?' ulit ng utak. 'Eh sino ka namang mukhang basahan ang suot at kulang na lang ay guntingin mo hanggang sa leegan mo ang damit para lumuwa na ang kaluluwa mo?!' aniya sa isip habang nakikipagsukatan ng titig sa babae.
"FYI, yaya ako ng mga bata," aniya.
Humalakhak ng napakalakas ang babae sa sinabi nito na tila nakakainsulto.
"Mabulunan ka sana," bulong niya sa nakakainsultong tawa nito.
"Yaya ka lang pala, eh. Bakit ka nakikialam?!" pasinghal nito nang matigil sa kakatawa.
'Aba! Matapang!' aniya ulit sa isip saka sinimulang magsalita.
"Oo, yaya ako kaya tungkulin kong protektahn ang mga alaga ko. Ikaw ano ka dito? Okay, let me guess. Laruan? Basahan? " aniya na tila nag-iisip pa saka ngumisi siya dito. "O hindi kaya parausan. Alin doon?" aniya sa babae na nanlalaki na ang mga mata maging ang butas ng ilong sa inis. 'Ikaw ang unang nang-inis kaya hindi kita aattasan!' aniya aa isip kahit sa gilid ng mga mata ay kita ang naniningkit na mukha ng boss.
"That's enough!" malakas at dumadagundong na boses ni Direck.
Nang tila susugod na ang kasintahan sa yaya niya ay napasigaw na siya. "I said that's enough!" malakas na sigaw na siyang gumising sa naghihilik pang ama.
"Enough!" biglang wika ng matanda sa kabiglaan sa pagsigaw ng anak hanggang sa sabayang pumalahaw ng iyak ang dalawang paslit.
Nakitang inakay na ni Direck ang kasintahan palayo sa kanila. Saka sabay silang bumilat ni Drove sa babaeng papalayo.
"Beeeeehhhh! Buti nga sa'yo," sabayan pang wika saka sila nagkatinginan at akmang mag-aapir dito nang matigilan silang pareho. Naalala kasi nilang 'di pala sila ganoon ka-close. Ngunit kahit papaano ay napangiti ng matamis si Haidee dahil tila ayaw ng bata sa girlfriend ng ama.
Kinabukasan ay maagang nagising si Haidee. Nakita niyang gising na rin ang kasamahang si Aling Linda. Nakabihis na ito dahil ito naman ang may off. Sa araw na iyon. Alam niyang ito lang ang araw na makakasama nito ang pamilya.
"Anong oras ang alis mo Manang?" nakangiting tanong rito.
Medyo malungkot ang mukha nito. "Naku! Baka hindi ako matuloy 'neng dahil may pictorial daw ang mag-aama pagkatapos magsimba," tugon nito. Ramdam ang pangungulila sa pamilya.
"Naku, Aling Linda. Oks lang ako. Kaya ko na ito. Malaki naman na si Drove at ang kambal. Yakang-yaka ko na iyan," aniya sa matanda para hindi mag-alala.
"Sure ka ba?" baling nito na may pag-aalangan pa rin.
Nag-thumb up siya sabay sabing kayang-kaya na. "Huwag kang mag-alala, Manang. Maliksi pa ang katawan ko. Kahit sampo pa sila kasama ng ama. Kayang-kaya ko pa," tawang saad rito na kinatawa na rin nito.
Naging masigla ang mukha nito. "Sure ka ba? Magpapaalam na ako kay Sir," anito
"Mabuti pa po ay lumakad na kayo at ako na ang magsasabi kay boss," aniya.
Pagbaba ni Haidee upng tulungan si Manang Bening ay bihis na ang mag-anak dahil nahanda na pala ni Aling Bening ang mga bata. Hinihintay na lang nilang bumaba ang ama ng mga ito.
"Good morning, everyone," bati ng Don na kagagaling sa komedor.
"Good morning, handsome," balik bati niya rito na kinatawa naman nito.
"That's too nice to hear, hija" anito na ngiting-ngiti.
"Yeah," aniya saka ngumiti.
Nang marinig ang tinig buhat sa may hagdanan. "What's that smile for?" tila pasitang wika ni Direck sa ngitian ng ama at ng bagong yaya.
Nang makitang nakabusangot na napakaaga ang lalaki ay napangisi na lamang. 'Guwapo nga, mukhang laging may regla naman!' aniya sa isip at mas lalo pa siyang napangisi sa naisip.