Baliw

Baliw

book_age16+
621
FOLLOW
1.9K
READ
sex
forced
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
mystery
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ang mga tao'y madalas magkagusto at magmahal sa taong may maganda/guwapong itsura, maganda ang tindig ng katawan, maayos ang katayuan sa buhay at higit sa lahat, matino ang pag-iisip.

Sino ba naman ang mas gugustuhin ang isang taong may sira sa utak?

Karamihan sa atin ay nagmamahal ng isang taong walang problema sa pagdedesisyon, kayang ikontrol ang mga bagay-bagay at walang kahit na anong sagabal. Kung mayro'n man, hindi ganoon kalala.

Habang si Coner... nahulog ang kaniyang loob sa isang babaeng, sabihin na lang nating isang baliw — isang babaeng hindi matino kung mag-isip, isang babaeng nasilayan niya lamang sa mental hospital.

Nakatatawa hindi ba? Pero, iba na talaga siguro kapag puso ang umiral.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: MR. BARBARA
PATAKBO kong tinahak ang pasilyong papunta sa lugar kung nasaan si Edward. Kahit hingal na hingal ay nagpatuloy pa rin ako dahil gusto kong ihatid sa kaniya ang aking balita. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay hindi na kami tutulala sa buong maghapon. Napahinto ako at huminga nang malalim nang makita ko na ang lugar kung nasaan si Edward. Nakita ko siyang nakaupo at nagkakape habang binabasa ang iba na namang klase ng libro, walang pagbabago. Masyado niya talagang nilulunod ang sarili sa mga bagay na kathang-isip lang. Agad akong lumapit sa kaniya. Nasilayan ko ang pagtitig ng kaniyang mga mata sa akin, ginawaran niya ako ng isang ngiti. “May balita ka? Hula ko lang,” tanong niya sa akin na para bang may hinala na siya tungkol sa aking sasabihin. Tuluyan ko na siyang narating, nanatili lamang akong nakatayo sa tabi niya. Isinara niya ang hawak-hawak na libro dahilan para makita ko ang pamagat ng aklat na kaniyang binabasa. “Baliw? Written by Hestia Estella?” nagtatakang tanong ko sa kaniya dahilan para itago niya ang libro sa lagayan na nasa ilalim ng lamesa. “Likot talaga ng mata,” aniya. Pamilyar sa akin ang pangalan na iyon ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Hindi na ako nagtanong pa at ipinagpatuloy ko na lang ang na-udlot kong sasabihin sa kaniya. “May mga bago na tayong pasyente. Hindi na tayo itatambak nang buong maghapon, sa wakas,” natutuwa kong tugon sa kaniya na mukhang hindi niya nagustuhan. “At mukhang ang saya-saya mo pa. Mas lalong iingay ang lugar na ito dahil sa mga baliw na 'yon,” aniya na para bang istorbo lamang sa kaniya ang mga pasyenteng may problema sa pag-iisip. Napakunot ang aking noo. “Pinili mong trabaho 'to kaya wala ka nang magagawa, kailangan mong gampanan ang tungkulin mo.” Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko at tumango-tango na lang upang hindi ipakita ang pagkainis sa akin. Si Edward kasi 'yon tipo ng lalaking tamad, walang balak na gawin sa buong maghapon, ayaw mag-explore, ayaw rin niyang sumubok ng mga bagong bagay. Pero kahit na napaka-boring niyang kasama dahil libro lang ang hinaharap niya, siya lang ang bukod-tanging kumaibigan sa akin. Lahat ng mga taong narito ay iniiwasan ako na para bang may nakahahawa akong sakit. Hindi ko rin alam kung bakit nila iyon ginagawa sa akin pero labis akong nasasaktan ng dahil do'n. “Pangit ba ako?” wala sa sarili kong tanong kay Edward dahilan para maguluhan siya. Biglang nag-iba ang sinabi ko sa pinag-uusapan namin kanina kaya natural lang na maging ganoon ang reaksyon niya. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin kung ano ang mali sa akin. “Alam mo, matulog ka na at magpahinga. High ka na, e. Kung anu-ano na ang iniisip mo.” Tumayo siya sa harapan ko at pinagtutulak ako papunta sa kuwartong tinutuluyan namin. Pilit kong inihinto ang aking mga paa at humarap sa kaniya. “Ano ba! Tinatanong kita nang maayos!” umaangal na sigaw ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako na para bang wala siyang makitang magandang rason upang sagutin ang tanong na sinabi ko kanina. “Umayos ka nga!” sigaw niya na umalingangaw sa buong lugar dahilan para maagaw namin ang atensyon ng lahat. Napapikit siya nang mariin nang makita niya ang mga matang nakatitig na sa amin. Siguro'y ayaw niya lang din na mag-isip ako ng kung anu-ano ngunit hindi niya mapipigilan ang bagay na iyon. “Hindi mo kailangang sumigaw,” mahinang sambit ko kasabay ng pagtapik ko sa kaniyang braso. “Aalis na ako,” huling sabi ko sa kaniya bago magsimulang iapak ang aking mga paa palayo sa kaniyang puwesto. Nagpakawala ako ng mabibigat na hakbang patungo sa silid kung saan kami pansamantalang nanunuluyan. Hindi ko alam kung pansamantala pa bang matatawag ang bagay na iyon dahil mag-aapat na taon na akong narito at wala na akong balak pa na umalis sa lugar na 'to. Marahil nakapagtatakang hindi na kami umuuwi, ngunit may sari-sarili kaming mga rason. Ang iba'y malayo ang tinitirahan, ang iba naman ay pinalayas na sa kanila — nagsarili na at may iba rin na kagaya ko, wala nang pamilya at wala nang matatawag na tirahan na matutuluyan pa. Napasinghap ako nang maalala ko na naman ang nangyari kanina. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Edward dahil sa aking ginawa ngunit alam kong iisipin niya na galit ako. Napasinghal na lamang ako. Walang araw na hindi kami nag-away, pero 'yon siguro ang sikreto sa friendship namin. Apat na taon na akong narito at wala na akong ibang naging kaibigan bukod sa kaniya. Naisipan ko na pumunta rito sa rooftop imbes na dumiretso sa kuwarto namin. Gusto ko munang magpahangin at nang mapreskuhan naman ang utak ko. Napapikit ako nang tuluyan ko nang naiapak ang aking mga paa sa pinakadulo ng rooftop. Malamig dito at panay ang ihip ng sariwang hangin. Idinilat kong muli ang aking mga mata at napangiti ako nang masilayan ko kung gaano kaganda ang lugar na matatanaw mula rito. Buti na lang at may ganitong lugar sa mental hospital na ito, kundi'y siguro pati ako'y tuluyan na ring nabaliw. “Ang lamig dito, ano?” Napaatras ako dahil sa gulat nang may marinig akong boses. Muntik ko nang hindi mabalanse ang sarili, mabuti na lang at napahawak ako sa harang ng rooftop. Napatingin ako sa direksyon na 'yon at nanlaki ang aking mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, may ibang kumausap sa akin. Hindi ako makapaniwala, pakiramdam ko tuloy ay nananaginip ako. “Natulala ka?” malambing na tanong niya dahilan para mapaatras akong muli. Napalunok ako nang mariin nang mas lalo ko pang nasilayan ang kabuoang itsura niya. Maganda siya at porselana ang kaniyang kutis, hindi katangkaran pero sakto na para sa isang babae, sakto lang din ang haba ng kaniyang buhok, lagpas ito sa braso at kulot ang dulo. Agad akong nagtaka nang masilayan ko ang suot-suot niya. Hindi namin siya kagaya, hindi siya nagtatrabaho rito dahil nakasuot siya ng damit na pampasyente. “Hindi ba kita katrabaho?” nagtatakang tanong ko sa kaniya sa pagbabakasaling natural lang ang suot niyang damit at hindi siya isang baliw. Tinitigan niya muna ako nang kakaiba bago sumagot, “Hindi, pasyente ako rito.” Ngumiti siya nang bahagya dahilan para tumibok ang puso ko nang napakabilis na para bang hinahabol ng isang mabangis na hayop. Hindi ko alam kung bakit ganito. Nakapagtataka ang ikinikilos ko ngayon. “Hindi mo ba ako kauusapin? Nalaman mo lang na pasyente ako rito'y natahimik ka na. Mukha ba talaga akong baliw?” tanong niya dahilan para mapailing ako. Mukha naman siyang isang normal na tao at hindi siya mukhang may sira sa utak. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng isang katulad niyang babae pero bakit pakiramdam ko'y pamilyar ang presensya niya? Bakit ganito? Bakit tila nasilayan ko na siya noon? “Natulala lang ako kasi ang ganda mo,” mangha kong sabi. Nang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ko'y parang gusto ko na lamang tabunan ang aking sarili ng mga lupa dahil sa kahihiyan. Agad ding napawi ang hiya ko nang masilayan ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi, kasabay ng unti-unti niyang paglapit sa akin. Batid kong may kakaiba sa kaniya ngunit hindi ko na iyon napansin, tuluyan na akong naakit sa kagandahang taglay niya. “Mr. Barbara,” aniya dahilan para mapatingin ako sa aking ID. “Makikita mo kaya ulit ako?” tanong pa niya na nagpakunot sa aking noo. Makikita ko siya rito dahil isa siya sa mga pasyente namin — isa siya sa mga bagong pasyente namin. Walang rason para hindi ko siya makita, depende na lamang kung tatakas siya o uuwi siya sa kanila. “Syempre naman,” seryoso kong tugon sa kaniya dahil alam kong makikita ko siyang muli. Nakita ko ang pagyuko niya nang dahan-dahan na naging dahilan upang humarang ang kaniyang buhok sa kaniyang mukha, kahit na gano'n ay nagagandahan pa rin ako sa kaniya. Matagal siyang hindi nagsalita kaya naman lalapitan ko na sana siya ngunit tumawa siya nang sobrang lakas. Umalingawngaw ito sa buong paligid at nang gawin niya iyon, alam ko na sa sarili ko na hindi siya matino. Tumawa siya nang tumawa na para bang nagbitiw ako ng isang nakatatawang biro. Napakunot ang aking noo at akmang aalis na sana dahil sa asar nang hawakan niya ang aking kamay dahilan para mapahinto ako sa paghakbang. Muli akong humarap sa kaniya at nakikita ko pa rin ang pagpipigil niya ng tawa. Itinaas niya ang kaniyang ulo at hinampas-hampas ang magkabilaan niyang pisngi gamit ang dalawa niyang palad. “Sorry. Baliw thing lang 'to kaya ganito ako, siguro, sana lang,” aniya na para bang hindi siya sigurado sa kaniyang mga sinasabi. “Paano mo ako makikita?” tanong niya na nagpagulo sa aking isipan. “Sabihin mo lang ang code mo.” Napatingin ako sa gilid ng kaniyang kasuotan pero wala akong nakitang code. Bakit gano'n? Lahat ng mga pasyente rito ay may sari-sariling numero para sa kanilang pagkakakilanlan pero siya, wala siya n'on. Naisip ko na baka dahil sa bago pa lamang siya rito kaya ganoon. Baka nahuli lamang ng bigay. “Magkita tayo rito sa rooftop kapag maggagabi na. Pero...” Nag-isip pa ako nang ilang segundo bago magpatuloy. “... Baka mahuli ka kapag tumakas ka.” “Hindi na kailangan. Hindi nila ako mahuhuli,” aniya na para bang siguradong-sigurado siya na walang makakakita sa kaniya. “At isa pa, ikaw lang ang nakakakita sa akin.” Umihip nang napakalakas ang hangin kasabay ng pagtitig niya sa akin nang kakaiba. Sa puntong iyon ay ako naman ang natawa dahil alam kong sinusubukan niyang takutin ako. Bakit ba kasi ako nakikipag-usap sa isang baliw? “Bababa na ako. Kita na lang tayo rito, mga ganitong oras na lang para hindi ka mahuli.” Naglakad na ako palayo sa kaniya. Hindi niya ako pinigilan kaya hindi na ako lumingon pa sa direkyon kung nasaan siya. Huminga ako nang malalim nang marating ko na ang kuwarto namin ni Edward. Humiga ako sa aking kama at hindi ko maiwasang isipin na kakaiba talaga ang araw na ito. Kakaiba siya sa lahat ng baliw na nakasalamuha ko. Napapikit ako nang bahagya, kasabay niyon ay ang tuluyan kong pagkahulog sa isang mahimbing na tulog.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
527.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
542.7K
bc

OBSESSION WITH THE SISTER-Tagalog

read
211.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
192.5K
bc

NINONG

read
384.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
329.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook