Chapter Twenty Three Arc MATAPOS naming pagsaluhan ang init na nadarama, hindi parin ako makapaniwalang nagawa namin ang bagay na yun. Hindi ko pa siya girlfriend pero alam ko sarili ko kung gaano ko siya kamahal. Labis ang tuwang nadarama ko noong matuklasan kong ako ang unang nakakuha sa pagka-inosente niya. Kahit sa Manila siya nanirahan ng ilang taon, masaya ako dahil hindi niya pinabayaan ang sarili. Nakakataba ng puso. Pakiramdam ko, lalo akong nahulog sa kanya. Siguro kahit naman hindi ako ang nakauna, masaya parin ako at tatanggapin ko siya. Ngunit sobrang saya ko dahil sa akin niya binigay ang una at sisiguraduhin kong ako na ang huli. Pakiramdam ko, gusto ko na agad siyang pakasalan dahil sa sayang nararamdaman. Napatitig ako sa mukha niyang maamo. Pagod na pagod ang mahal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books